Trustless 3: GUMMY WORMS

2921 Words
Amos's POV Kakatapos ko lang maligo at mag-ready para pumasok ng maka-recieve ako ng text message galing kay Aiden From: Raiden'Pogi May quiz mamaya, nag-review ka ba? Mag-review ka ha? Mangongopya ako sayo hehez! Napa-iling na lang ako ng basahin ko ang message nya. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit kahit ang tatamad magsi-aral ng team ko nasa pilot section pa rin sila at matataas ang grades. Matatalino naman silang lahat pero kapag talaga sinaniban ng tamaritist ay talaga namang aasa sa source ng katabi. Isinilid ko na lang ang phone ko sa bag at nag-umpisa lumabas ng kwarto para kumain ng breakfast kasama si Mommy, Daddy at si Kuya Arvic na nag-aaral ng college bilang isang Architect. "Good morning!" bati ko sa kanilang tatlo. "Good morning Rasper, kumain ka na." aya sake ni Mommy kaya umupo ako sa tabi nya. Rasper ang tawag saken dito sa bahay. Sa school naman ay Amos ang tawag ng lahat saken. "Kamusta ang first day of school kahapon?" tanong ni Kuya. "Okay naman. There is one girl lang naman na sumisira ng araw ko but its okay, sa tingin ko naman its her first and last time na mabibwisit nya ako." pagke-kwento ko matapos ay sumimsim ng kape. "Be careful Bro, baka hanap-hanapin mo pambibwisit nya." tumingin ako ng masama kay Kuya dahil sa sinabi nya kaya naman nginisihan lang nya ako. "Funny." seryosong sabi ko. "Nag-uumpisa nanaman kayong dalawa" saway samen ni Daddy. "I'm just saying the truth Daddy, there's a possibility." matapos nyang sabihin yun ay kumindat pa ang lintek. "Baka mamaya tama nga ang Kuya mo Anak." pang-aasar din saken ni Daddy. "Si Daddy, seriously? Talagang sasakyan mo pa ang trip ng panganay mo?" Asar na tanong ko. "Honey tantanan mo na nga yang mga Anak mo" saway ni Mommy kay Daddy madalas talaga si Mommy ang nagiging referee namin. "Arvic pumasok ka na lang nga kesa asarin mo pa tong si Bunso"baling ni Mommy kay Kuya. "At ikaw naman Amos, bilisan mo na at malapit ka nang malate." sabi saken ni Mommy. "Okay." nasabi ko na lang at nag-umpisa na akong kumain ng breakfast. Ilang minuto lang ay bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang gamit at ang susi ng Ducati ko tapos ay nag-ready na ako papasok. I'm not using a car because I have trauma in cars. Nang makarating ako sa parking lot ay dumiretso agad ako sa corridor papunta sa classroom namin. Maaga pa ako nakarating sa school kaya naman ang ibang students ay nasa labas pa rin ng mga classroom nila at nagke-kwentuhan. Tahimik lang akong naglalakad habang nasa likod ko ang bag ko nang mapansin ko ang grupo ng mga estudyante. Malayo pa ako sa kanila ay unang dumako ang paningin ko dun sa babaeng may crush daw saken na taga-section F na tinatawag kong Ms. Dugyot. Nasa iisang hanay ang classroom ng track naming mga ABM. Ang una mo lang talagang madadaanan ay ang classroom ng mga section F at nasa kadulohan ang classroom namin. Nilagpasan ko lang naman sila pero tiningnan ko pa ng masama si Ms. Dugyot at talaga namang umirap pa saken. Akala mo naman ang ganda nya. Nagmamaganda ampvtek. Bwisit! "Uyy Antonette, di mo ba nakita yung crush mo? Kadadaan lang." rinig kong sabi nung isang kaibigan nya na kinikilig pa. "Ahh. Who cares? Tara na nga sa loob." nilingon ko si Ms. Dugyot matapos kong marinig ang sinabi nya. Nakita ko lang namang papasok na sya sa loob ng classroom nila. 'Ano daw? Who cares? Ang kapal. Talagang may pa-who cares who cares pa sya?' Inis na lang akong nagtuloy sa paglalakad at pilit kong tinanggal sa isip ko ang sinabi nya pero anak ng pilipit ayaw mawaglit sa isip ko. "Who cares pala ha? Mama mo who cares bwisit ka! Dugyot ka naman!" inis na pagkausap ko sa sarili ko. "Seonjang, sinong Dugyot sinasabi mo ako ba?" inis akong tumingin kay Jharix na halatang hinabol pa ako para lang sumabay. "Wala! Pake mo ba?" pambabara ko sa kanya. Ngumuso lang naman sya saken. "Ahh Seonjang may sasabihin pala ako." napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ulit syang nagsalita. "Ano yun?" seryosong sabi ko. "Yung babaeng taga-section F, yung may crush sayo, diba di mo naman sya type?" kumunot lang naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Ohh e ano naman kung di ko sya type?" tanong ko pabalik. "I like her Seonjang. I want her to be mine. I will court her." hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi nya. Napatigil pa ako sa paglalakad at ganun din sya na nagulat pa dahil sa bigla kong pagtigil. "Seryoso ka?" naniniguradong tanong ko ulit sa kanya. "Oo Seonjang, I don't know why but when the first time I saw her I found her very pretty and simple." mahahalata talaga sa kanyang gusto nya si Ms. Dugyot dahil sa itsura nya habang sinasabi nya ang bawat detalyeng nagustohan nya sa babaeng yun. Si Jharix ang pinaka-sociable sa team namin. Hindi sya babaero pero never ko pang nalaman na nagkagusto sya sa isang babae. First time nya mag-open saken ng tungkol dito kaya naman nagulat ako lalo pa at si Ms. Dugyot pa ang natipuhan nya. Si Ms. Dugyot na parang hindi babae dahil hindi nag-aayos. "Seonjang, okay lang naman kung ligawan ko sya diba?" napalunok ako dahil sa tanong nya na hindi ko alam kung anong isasagot. Kung tutuusin dapat okay lang saken dahil hindi ko naman gusto ang babaeng yun at wala rin akong pakealam sa kanya pero ewan ko ba kung bat di ko magawang sagutin ang napaka-simple nyang tanong. "Its fine for Amos. Go Jharix, support ka ng buong Team." sabi ni Raiden na bigla na lang sumulpot sa likod namin ni Jharix. "Talaga Raiden?" tuwang-tuwa na sabi ni Jharix. "Seonjang okay lang din naman sayo diba?" paninigurado ni Jharix. "O-oo naman, t-tsaka di ko naman girlfriend ang Dugyot na yun kaya okay lang. You don't need my permission." Nauutal na sabi ko. "Salamat sa inyo!" tuwang-tuwa na sabi ni Jharix. Hindi na lang ako nagsalita at sabay-sabay na kaming pumasok. Pagkarating naming tatlo nina Jharix at Raiden ng classroom namin ay agad kaming sinalubong nina Yasper at Mhico para makipag-apir. Sa Team namin lima lang kaming magkakaklase kaya naman sila lang rin ang pinakang-close ko. Yung iba naming ka-Team ay nasa ibang section at nasa lower year. Umupo ako sa upuan ko ng tahimik, tumabi naman saken si Raiden. "Hey, nag-review ka naman diba?" tanong nya saken. "Ha?" tanong ko rin sa kanya. "Anong ha?" tanong nya ulit. "Hakdog." pamimilosopo ko. "Hakdogin ko mukha mo e. Porke brokenhearted ka dyan, hina-HAKDOG HAKDOG mo na lang ako? HOTDOG yun hindi HAKDOG Indio!" pang-aasar nya saken. "Brokenhearted ka dyan? Wag kang mangongopya saken ha? Tingnan natin kung sino ang Indio!" iritang sabi ko at umubob na lang sa armchair ko dahil hindi ko alam kung bakit nawala ako bigla sa mood. Bakit kasi antagal ng prof namin sa Accounting? "Bwisit ka Raiden bat mo ginalit si Seonjang? pag tayo walang naisagot!" narinig kong iritang sabi ni Yasper kay Raiden. "Ako pa sinisisi mo puro ka kasi pambababae, imbis na magreview e! Kung inuuna mo ang pag-aaral napapakinabangan ka rin sana namin!" balik na paninisi ni Raiden sa kanya. "Kuya Raiden si Kuya Yasper po kaya ang nagpapakopya saten kapag essay na ang quiz." rinig kong pantatanggol ni Mhico sa Kuya Yasper nya. "Hoy bata ka! Kinakampihan mo ba tong Kuya Yasper mo? Baka di na kita pakopyahin sa quiz natin sa history sa susunod!" pananakot ni Raiden kay Mhico, magaling kasi si Raiden sa History. "O sige po, basta wag ka lang mangongopya saken sa Filipino." pambabaoy naman ni Mhico kay Raiden. "Ohh Raiden ano sige sagot!" pang-gagatong naman ni Jharix sa sagutan nila. "Manahimik ka Jharix ikaw lang walang pakinabang dito!" sabay-sabay na sabi ni Yasper, Mhico at Raiden sa kanya. "Ayy wow! Grabe kayo sa walang pakinabang! Mapanakit kayo masyado! Sige tingnan ko lang kung maka-discount pa kayo sa kakainan nyong restaurant mga bwisit!" halos lahat kasi ng kinakainang restaurant ng Team namin ay pag-aari nina Jharix kaya may discount kami parati. "Ikaw naman Kuya Jharix galit ka kaagad. Kalma!" pambobola ni Mhico "Ohh Gummy Worms pampalubag loob." sabi ni Yasper. Inangat ko ang ulo ko para tingnan yung gummy worms na sinasabi ni Yasper. Wala, na-curious lang ako. Bakit ba? "Oy thank you dito ahh." sabi ni Jharix at tinanggap ang isang Tupperware ng Gummy worms. Suhol amp. "Patikim nga." sabi ko at binuksan yun tapos ay kumuha ng isa. "Anong lasa Amos, patikim din ako." pangu-usyoso ni Raiden at kumuha din ng gummy worms. "Ang sarap ahh. San ka nakabili nito?" tanong ko kay Yasper at kumuha pa ulit ng isa. "Ewan ko, nakita ko lang sa locker iniwan siguro ng mga admirers ko iba na pag gwapo maraming supply." mayabang na sabi ni Yasper. "Ang sarap nga ahh. Bibigyan ko si Antonette nito." nakangiting sabi ni Jharix. "Sinong Antonette?" tanong ni Yasper. "Yun ba yung may crush kay Seonjang? Yung taga-section F?" tanong sa kanya ni Mhico. "Yeah, liligawan ko yun." proud na sabi ni Jharix. "Woah! Ehh si Seonjang ang gusto nun diba?" Tanong ni Yasper 'Oo Yasper ako nga' sabi ko sa isip ko. "Okay lang, Sometimes people change, feelings fade" napatingin ako ng masama kay Jharix dahil sa sinabi nya. Feelings fade pinagsasabi nito. "Sa tingin mo Seonjang magugustohan to ni Antonette?" tanong saken ni Jharix na ang tinitukoy ay ang gummy worms. "Hindi nya yan magugustohan, habang tumatagal umuumay ang lasa." sabi ko habang walang emosyon ang mukha. "Kasing umay ng mukha mo?" may halong pang-aasar ni Raiden saken. Babatukan ko na sana sya kaso saktong dating naman ng teacher namin sa Basic Accounting. "Good morning class. Get 1 whole sheet of yellow paper for our long Quiz." announce ng teacher namin nang makarating sya sa unahan. "Wag kang kokopya ha?" inis na sabi ko kay Raiden na ngumisi lang. Boyop talaga. Matatapos na kami ng pagki-quiz pero nakakagawa pa rin ng paraan sina Raiden, Jharix at Mhico na makapangopya. Si Yasper ay binobola-bola ang katabi nyang babae para makakuha ng sagot. Babaero nga naman. "Last question Who is the father of accounting?" tanong ng lecturer. Agad-agad kong isinulat ang sagot ko sa papel ko. "Sino daw ang father ng accounting? Si Lapu-Lapu ba yun?" tanong ni Raiden kay Yasper. "Gago hindi, si Lapu-lapu ang pumatay kay Jose Rizal." sabi ni Yasper. "Tanga! Si Magellan ang pinatay ni Lapu-Lapu hindi si Jose Rizal Indio!" iritang sabi ni Raiden kay Yasper. "Hoy Mhico lakihan mo sulat mo di ko makita! Kinginang sulat mo yan kasing-pangit mo." pang-aasar pa ni Jharix kay Mhico habang nangongopya. "Uyy Amos, sino Tatay ng accounting." pasimpleng tanong ni Raiden saken. "Tatay mo." pambabara ko. "Kingina mo!" bwisit na sabi nya kaya naman napangisi ako sa kanya. "Si Luca Pacioli. Pa-indio indio ka pa Father of accounting lang di mo kilala." nang-aasar na sabi ko. "I don't f*****g care but f**k you." sabi ni Raiden at nag-middle finger saken tapos ay sinulat sa papel nya ang sagot na sinabi ko. "Ohh biyaya. Si Luca Pacioli ang sagot sa last question" sabi ni Raiden kay Yasper, Mhico at Jharix. "May sagot na ako sa last question wag nyo ako istorbohin nagko-compute ako ng tanong sa number 35." sabi ni Yasper at busy kakatulpok sa calculator. Maya-maya ay lumapit ang lecturer namin samin para kunin ang papel namin. Isa-isa naming inabot ang papel namin sa lecturer at pinagmasdan namin si Yasper habang malapit na matapos mag-compute. "Mr. Silva, can I get your paper?" tanong ni Lecturer. "Ay iyaaa si Ma'am nangongopya wait lang po. Malapit na." Tinakpan pa ni Yasper ang papel nya at dali-daling nagtap si Yasper sa calculator matapos ay dali-daling nagsulat sa answer sheet at iniabot yun sa lecturer "Perfect yan Ma'am." mayabang na sabi pa nya pagkaabot ng papel. "Mamatay na nagtanong." pambabara ng lecturer kay Yasper. "Ay si Ma'am. Attitude ka girl? Mamatay ka na raw Raiden." pang-aasar ni Yasper kay Raiden. "Gago dadamay mo pa ako." sabi ni Raiden at siniko pa si Yasper. Napatingin naman ako kay Jharix na nakatitig sa labas ng classroom. Tiningnan ko ang tinitingnan nya at nakita ko si Ms. Dugyot na naglalakad sa corridor ng classroom namin. Talagang gustong-gusto ni Jharix ang babaeng yan? Wala ba syang taste? Antonette's POV Maaga kaming natapos sa una at second subject namin kaya naman maaga silang pumunta ng canteen para kumain. Andito ako sa corridor ng classroom ng mga ABM at naglalakad papunta sa canteen. Nagpa-iwan muna kasi ako ng classroom kanina dahil may tinapos pa akong homework e nagkataong tapos na raw sila. Ewan ko nga kung tama ba yung ginawa ko. Nang mapadaan ako sa classroom nina Amos ay nakita ko syang nakangisi. Kumislap ang mga mata ko dahil sobrang gwapo nya lang kapag nakangiti. Nawala ang kislap ng ngiti ko ng maalala ko ang sinabi nya kahapon. "One more thing, wag ka nang lalapit ulit saken para magpapansin dahil hindi din naman kita magugustohan kasi sobrang dugyot mo! Nandidiri ako sayo!" Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa naalala ko at nagpatuloy sa paglalakad ng walang lingon-lingon. Nakarating ako ng canteen at nandun sila habang nagke-kwentuhan. "Ohh Antonette is here. Inorder ka na namin ng food mo." sabi ni Aera at inabot saken ang chicken sandwich at C2. Tumabi ako kay Lav na nanunuod ulit ng fliptop habang naka-airpods. Hindi ko na lang sya pinansin at kinuha ang phone ko para mag-open ng f*******: account. Pagbukas ko ay may nag-friend request saken na may pangalang SEVEN. as in Seven lang yung pangalan tas ang display picture nya ay picture ni Naruto. Ano ba namang ka-jejehan to. Pinag-iisipan ko kung iko-confirm ko ba or hindi. Balak ko nang idelete pero napatingin ako kay Amos na nagse-cellphone kasama ang team nya naglalakad papunta sa canteen. Dumako ang paningin nya saken kaya naman umiwas na ako ng tingin at itinuon ang atensyon ko sa phone ko. Hindi ko napansin na na-confirm ko pala yung Seven na nagsend saken ng friend request. Hayaan na nga. "Antonette si Amos tsaka yung team nya nasa kabilang table look!" turo saken ni Rean kena Amos sa kabilang table. "Rean wag ka ngang turo ng turo baka manuno ka." asar na sabi ko at ibinaba ang kamay nyang nakaturo pa kena Amos. "Luhh, bat di ka na kinikilig pag nakikita sya anyare?" nagtatakang tanong saken ni Yanichi. "Wala. Basta hayaan nyo na lang sya." sabi ko at sinimulang kainin ang chicken sandwich. "Hmm, I smell something malansa." nanliliit ang mga matang sabi ni Humie habang nakatingin saken. "Malansa? Wala naman akong regla." sabi ni Aera. "Luhh, meron ako, malansa ba? Naaamoy nyo ba?" nakataas ang kilay na sabi ni Lav. "Ano ba naman yan, kumakain ako e!" iritang sabi ko kay Lav. "Ohh, sorry Cyst!" sabi nya kaya umirap na lang ako. "Ito kasing si Humie ano bang sinasabi mo dyang malansa?" asar na tanong ni Rean kay Humie. "Feeling ko may kakaibang nangyari kung bakit ganyan na lang ang iniaasta ni Antonette kapag nakikita nya si Amos. Hindi naman sya ganyan e." paliwanag ni Humie. "Changes are not permanent. People change, feelings fade sometimes." seryosong sabi ko. "Talaga ba Antonette? Lokohin mo lelang mo! Kahit naman sinabihan ka ni Amos ng mga masasakit na salita hindi nagbago ang nararamdaman mo. Nasaktan ka siguro oo pero yung nararamdaman mo andyan pa rin." sabi ng kabilang parte ng utak ko. "Excuse me." sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. At halos tumulo ang laway ko sa pag-nganga ng makita kong si Amos yung lumapit samen. "Ano yun?" tanong ni Yanichi sa kanya. Napalayo naman ako ng bahagya ng lumapit saken si Amos ng seryoso ang mukha. "For you." napatingin ako sa inabot nya at napalunok ako ng makita ko kung ano yun. Gummy worms. Isa sa mga hilig kong kainin. "Ahh... S-salamat." nautal na sabi ko na lang. "Hindi yan saken galing. Wag kang mag-assume" "H-Huh?" nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang noo ko. "Sa kanya galing yan. Inutusan nya lang akong ibigay." sabi nya at itinuro ang table nila ng mga ka-team nya. Nakita kong may kumaway saken na lalaki. Sya yung nagsabi saken kahapon na "Keep smiling, you're pretty." nginitian ko sya at ganun din sya saken. Lumingon ako kay Amos at tinanggap ang Gummy worms. "Pakisabi sa kanya, thank you. I appreciated it so much." sabi ko kay Amos. Tumango lang sya at bumalik na sa table nila. Tiningnan ko ang gummy worms at may nakadikit pa doon na note. "No one is you and that is your power. You're pretty for being who you really are." napangiti ako dahil sa nabasa kong note. "Ayy ang ngiti kakaiba." pang-aasar ni Humie. "No more Amos na ba? Si Jharix na ba ngayon?" nakangising tanong saken ni Aera. So Jharix is his name? "Thank you Jharix. Thank you for the gummy worms and thank you for reminding me always that I'm pretty."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD