Antonette's POV
Sa sobrang kalandian ko, mukhang masesermunan pa ako ng lecturer namin. Nang malapit na kasi ako makarating sa classroom namin ay nakita ko si Mrs. Meriam Katarayan na papasok na ng pinto ng classroom namin.
Naku naman Antonette! Sobrang taray pa naman ng lecturer na to. Obvious naman sa apelyido nya diba?
Bakit kasi nagkataon pang sya ang naging lecturer namin sa first period jusko dai! Nanginginig ang aking puday! Ayy joke! Papagalitan na nga ako tapos nagjo-joke pa ako tapos di naman nakakatawa lintek Meses!
"Whoa! Hingang malalim Antonette!" halos lahat ng hangin na dumaan sa esophagus ko binuga ko na at naging carbon dioxide na pero hindi pa rin talaga mawala-wala ang lintek na kaba ko.
Full of confidence kong nilakad ang hallway papuntang classroom namin at nang makarating na ako sa pinto ay nakita kong sabay-sabay na naglingunan ang mga kaklase ko saken.
Hi fans! Joke!
Lumingon ako kay Ma'am Katarayan at nakita kong nakataas ang drawing nyang kilay habang nakatingin naman saken ang mala-patalim nyang mata. Ay over ka mag-describe Antonette!
"G-Good Morning Ma'am!" nauutal na sabi ko.
Ayy jusko lord! Gabayan nyo ako mukhang mapapahiya ako agad.
"Why are you late Ms?"tanong nya habang tinutukoy itanong ay ang pangalan ko.
"I'm Yohara Antonette Madrigal po Ma'am. Im late because-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil iniharap nya ang palad nya saken hudyat na tumigil ako sa pagsasalita.
"I don't need your explanation. Wala akong panahon makinig sa paliwanag mo." mataray na sabi nya.
"Ehh bat tinanong mo pa po kung bakit ako late?" bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?" mataray na tanong nya pa ulit.
"Ahh wala po Ma'am! Itatanong ko po sana kung anong pang-kilay ang gamit nyo ganda po kasi ng pagkaka-drawing ng kilay nyo e. Hehe." palusot ko habang nakangiti ng pilit na pilit.
"Ohh? Ito bang kilay ko! Well thank you for your compliment pero matagal ko nang alam na maganda ang kilay ko. At hindi ko sasabihin kung anong ginamit kong pang-kilay, its a secret." mayabang na sabi nya.
"Ahh sabi ko nga po e. P-pwede na po ba akong pumasok?"
"Ohh? Sure!" sabi nya.
Dali-dali naman akong pumunta sa arm chair na nasa gitna ni Aera at Laveighn na mga kaibigan ko.
"Ohh, first time mo ma-late ahh. At talagang kina-reer mo pa kasi first day of school pa." may halong pang-aasar na bulong ni Aera Czarine dahil natatakot na baka marinig sya ni Ma'am Katarayan.
Meet Aera Czarine Fabres: Maganda kaso hindi katangkaran, brutal sya promise! Yung tipong tatawa na lang may kasama pang hampas.
"Ikaw na ang papalit sa trono ko bilang isang late comer! Sayo na ang korona Chingu" tumatawa ng mahinang sabi ni Laveighn at umaktong inaalis ang invisible crown sa ulo nya at inilipat saken. Inirapan ko lang naman sya.
(Chingu- Friend)
Meet Laveighn Sebastian: You can call her "Lav" and yeah! Kaya Laveighn ang pangalan nya dahil fan girl ni Avril Laveighn si Tita Thalia na mommy nya HAHAHA. Nung Grade 11 kami sya talaga yung palaging late. At mukhang ako na nga yata talaga ang papalit at magmamay-ari ng korona nya bilang isang late comer HAHAHA. Fliptop fan sya. Ohh wag kayo magpapapa-barag barag sa kanya babanatan kayo nyan ng mga pamatay nyang fliptop lines katulad ng lagi nyang ginagawa saken. Single sya and ready to mingle ohh baka naman sa mga boys dyan ligawan nyo na HAHAHA.
"Aba naman Chingu bat ka late?" mataray na tanong naman saken ni Yanichi.
Meet Yanichi Claveria: Sya naman ang music lover sa barkada. Magaling sya tumugtog ng gitara. Naalala ko one time nagpaturo ako sa kanya mag-gitara napikon saken agad kasi napaka-hirap ko daw turuan. Hindi daw ako marunong. Malamang kaya nga nagpapaturo, kasi di marunong hays. Maganda rin sya at matalino. HOMO-HOPIA rin. Knows ko naman na hopia pa rin sya na babalik ang ex nya.
"Ehh kasi nga po na-late po ako ng gising." sagot ko sa kanya na may halong sarcasm.
"Di ka ba nag-set ng alarm clock mo Antonette?" tanong naman ni Rean habang nagsusulat nanaman sa notebook nya ng kung ano-ano.
Sya naman si Rean Veniegas. Nanay-nayan ko sa barkada. Matured sya mag-isip kaya naman sya ang taga-payo namin. Maliit sya I mean pandak. Oo pandak nga. Weird nga lang sya kasi kung ano-ano sinusulat sa notes nya. Ang sinasagot nya kapag tinatanong ko kung bat nya lagi ginagawa yun hindi rin daw nya alam. Basta kapag may naiisip sya na word isinusulat nya lalo na kapag nagdi-discuss ang teacher tapos boring. NBSB sya at di ko alam kung bakit.
"Nag-set naman ako ng alarm e ang kaso nainis ako kaya binalibag ko sa pader tas natulog ako ulit tas nung nagising na ako alas syete na ng umaga." nakangusong pagpapaliwanag ko.
"Syete di ka na naawa sa alarm clock mo." natatawang sabi ni Aera.
"Ayos yan Chingu. Ganyan din ginagawa ko sa alarm clock ko, binabato ko rin sa pader. Hindi ko nga alam kung ilang beses na akong nakabili ng alarm clock dahil lagi ko ding binabato." natatawang pagke-kwento ni Humie.
"Mamatay na nagtanong Humie. HAHAHA" Pambabara sa kanya ni Laveighn. Masama ang tingin naman na tinadyakan ni Humie ang arm chair ni Lav.
Sya naman si Humie Marcelino. Sobrang bait, hindi madamot, maganda at syempre famous. Actually lahat naman sila famous ako lang ang hindi hehe. Alam nyo na ugly duckling ang Chingu nyo. Food lover kaya laging kumakain. Favorite nya ang lumpiang gulay ni Ate Salvy sa canteen HAHAHA. Malambing din sya at may pagkakalog din minsan.
"Buti ka pa nga, marami kang pambili ng alarm clock e ako? poor lang kasi kami." malungkot kunwaring sabi ko kay Humie.
"Sus! Nagdrama pa! Wag na at di naman bagay!" natatawang sabi ni Lav na pasimpleng nanunuod ng fliptop battle sa phone nya habang naka airpods.
"Sinio? Sya nanaman pinapanuod mo noh?" tanong ko sa kanya.
"Sino pa ba?" sabi ni Aera na nakataas ang isang kilay.
"Hoy pag ikaw nahuli ni Ma'am dyan." saway ko kay Lav na walang pake-alam.
"Who cares?!" mataray na sabi nya.
Maya-maya ay may bigla na lang lumipad na eraser at tumama pa sa ulo ni Laveighn.
"Nagdi-discuss ako dito sa harap puro lang kayo kwentuhan!" galit na sabi ni Ma'am Katarayan habang sa amin nakatingin.
Napatingin ako kay Lav na dali-daling itinago ang phone sa bag nya.
"S-sorry po." pagpapa-umanhin ko kahit gusto kong matawa dahil andaming chalk ni Lav sa buhok.
"Sorry sorry! Late ka na nga puro daldal pa aatupagin mo." napayuko na lang ako dahil sa sinabi ni Ma'am.
"Ma'am excuse po!" sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita mula sa pinto at halos mahulog ang panty este puso ko dahil sa nakita ko kung sinong nasa pinto.
"OMG! Amos Rasper is here!" sabi ni Loraine Andrade na isa sa lider ng LBM girls dito sa school.
LT talaga pangalan ng grupo nila. LBM amp. Lakas maka-jebs HAHAHA.
"Baka ako ipinunta nya!" tuwang-tuwang sabi ni Bernadette Catubay habang hawak-hawak ang namumulang pisngi.
"No! Ako yung pinunta nya! Wait for me Oppa!" kinikilig naman na sabi ni Meca Ella Raby na umakto pang inaabot ng kamay si Amos mula sa pinto.
Sinamaan ko na lang ng tingin ang tatlong jebs at muling ibinalik ang atensyon kay Amos.
"Quiet! Ikalma nyo yang kaharutan nyong tatlo!" saway ni Ma'am sa Team LBM. "Anong ipinunta mo rito Mr. Rasiño?" tanong ni Ma'am Katarayan kay Amos.
"Pinapatawag po kayo ng principal." seryosong sabi ni Amos.
"Okay, papunta na ako." tumango lang si Amos at umalis na.
"Aaaaah! Bat sya umalis kaagad?!" reklamo ni Meca Ella.
"Okay class, we will continue our lesson tomorrow. Goodbye!" sabi ni Ma'am Katarayan at rumampa na palabas ng pinto.
"Hay salamat! Nakaligtas!" parang nakahinga ng maluwag si Lav ng makita na lumabas na si Ma'am Katarayan sa pinto.
"Ayusin mo yang buhok mo!" sabi ko kay Lav. Tinulongan naman sya ni Aera na tanggalin ang dumi at napagpag na chalk sa ulo ni Lav.
"Buti naman pinatawag si Ma'am Katarayan ng principal kundi lagot sana tayo! Ang aga-aga naman kasi magsermon e!" naiirita pero natatawang sabi ni Jenny.
"Pano, ang aga nyo ring nagke-kwentuhan." painosenteng sabi ni Humie.
"Wow Humie! Talagang sayo nanggaling yan ha? Ikaw kaya una nagkwento about sa alarm clock! Tss!" Mataray na sabi ni Aera.
"Ahh ako ba? Sorry Chingu hehe." sabi nya at nagpa-cute pa talaga.
R E C E S S T I M E
"Chingu tara sa canteen!" aya samen ni Humie.
"Sure! Tomgus na rin is me!" sabi ko at hinawakan ko pa ang tyan ko na kanina pa kumukulo sa sobrang gutom.
Di kasi ako nakaka-kain sa bahay kanina kasi nga male-late na ako.
"Mukhang gutom na gutom lang Antonette ahh."pagpuna saken ni Aera.
"Di kasi ako nakakakain ng breakfast sa bahay kanina kasi nga late na ako nagising." pagpapaliwanag ko.
"Sa susunod kasi matuto gumising ng maaga." panenermon nya na ikina-roll eyes ko na lang.
"Tara Gals! Ikaw Lav sama ka? Mamaya mo na panuorin yan!" aya ni Humie kay Lav na busy kakatawa dahil sa pinapanuod nya. I knew it! Fliptop battle nanaman.
"Kayo na lang, mapanuod ko lang si Sinio busog na ako." nakangiting sabi ni Lav habang nasa phone nya pa rin ang paningin.
"Sus! Napaka-rami mong hanash!" inis na sabi ko kay Lav. "Kayo Rean and Yanichi sama kayo?" baling ko sa kanilang dalawa.
"Di na muna kami sasama ni Rean kukunin kasi namin yung gitara ko sa kabilang building." paliwanag ni Yanichi.
"Okay sige tara na! Dalhan na lang natin ng foods yang si Lav tutal sya lang naman ang maiiwan dito." sabi ni Humie at nag-umpisa na kaming lumabas ng classroom para pumunta sa canteen.
Kakarating lang namin sa canteen at mabuti na lang wala na masyadong estudyanteng bumibili.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pagbigat ng pantog ko.
"Guys kayo na lang bumili ng foods ko magse-cr lang ako." paalam ko sa kanila.
"Sure! Baka mamaya dito ka pa magkalat ng lagim e. HAHAHA" pagpayag ni Aera na may halong pang-aasar.
"Ano munang bibilhin kong foods for you?" pahabol na tanong pa ni Humie.
"Kahit ano na lang!" pahabol na sigaw ko at nagmadali akong pumunta sa Cr.
Medyo malayo ang area kung nasaan ang cr kaya naman kailangan ko pa munang maglakad bago makarating dun.
Habang papunta ako sa cr nakasalubong ko si Amos. Oh my gosh! Kalma lang Antonette! Wag kang mag-pahalata masyadong kinikilig ka.
Palapit na kami ng palapit sa isat-isa at nang tuloyan na kaming magkaharap ay ngumiti ako nang pagkalapad-lapad pero agad yung napawi at napalitan ng pagkabusangot ng mukha ko nang lampasan nya lang ako at di pansinin.
Lumingon pa ako sa kanya nang makalampas sya at may nakita akong keychain sa sahig. Si Rukawa ng slum dunk ang nasa keychain. Why so cute? Pero mas cute sana kung si Sakuragi na lang.
Ibabalik ko na sana ang keychain pero nakita kong malayo na sya.
"Teka Amos!" pagtawag ko pero di nya yata narinig dahil di man lang lumingon saken.
Next time ko na lang siguro ibabalik sa kanya.
K I N A B U K A S A N
Amos's POV
Hi guys! Ako nga pala ang pinaka-poging si Amos Rasper Rasiño. Heartthrob, top 1 sa ranking ng buong Grade 12, varsity player at ideal man ng lahat. Well! Ako lang to! Ako lang to guys! Ano pa ba? Ahh! Basta pogi ako HAHAHA.
Syanga pala, kilala nyo ba yung pangit dun sa section F? Balita ko, may crush daw saken yun e. Eww lang ha? As in Yuck! Nakasalubong ko nga sya kahapon at takte anak ng pilipit sobrang laki ng ngiti saken yung tipong kikilabutan ka. Err! Mamamatay na muna ako bago ko sya patulan. Ehh lintek! Sobrang dugyot kasi e! Kababaeng tao di man lang marunong mag-ayos. Buti pa yung ibang kaibigan nya magaganda at sexy ewan ko ba kung bat sya lang yung ganun sa grupo nila.
Andito nga pala kami sa locker area dahil kakatapos lang ng practice namin ng basketball.
"Hey Bro! Bat ang asim ng mukha mo??" tanong ni Raiden habang nagpapalit ng damit.
"Pano mo nalamang maasim? Natikman mo ba Bro? Andami mong alam e!" pambabara ko sa kanya.
Halata namang wala ako sa mood nagtatanong pa. Tss!
"Burn baby burn!" pang-aasar ni Yasper.
Binato naman ni Raiden ng sapatos si Yasper at tinamaan sya sa bunganga.
"Seonjang namamato si Raiden! Huhu tinamaan ako sa bunganga dumudugo tingnan mo!" umiiyak kunwari na sabi ni Yasper.
(Seonjang means Captain)
"Hoy Yasper OA na itigil mo yang kabadingan mo." saway ko sa kanya. Ngumuso lang naman sya at padabog na isinira ang locker nya.
"Seonjang may practice ba tayo ulit bukas?" tanong saken ni Mhico.
"Oo bakit? May angal ka?! Wag mo sabihing tinatamad ka mag-practice?!" pagalit kong sabi sa kanya.
Kilalang-kilala ko tong si Mhico. Nagtatanong lang yan kung may practice kapag dinaratnan ng katamaran. Tinatamad nanaman sya panigurado.
"Ahh... Ano ka ba Seonjang wala naman ako sinabi e... Ikaw naman, chillax! Ohh mag-judge ko muna. ohh wag mo lulunukin yan ha? baka bumalot sa bituka mo." ngiting asong palusot nya at inabutan pa ako ng judge na bubble gum kinuha ko naman yun at agad kinain.
"Anong akala mo saken di marunong kumain ng bubble gum? Wag mokong daanin sa paganyan-ganyan mo akala mo makakalusot ka saken ha?" may pang-aasar na sabi ko kay Mhico.
"Nagtatanong lang naman kung may practice e. Sabi sa commercial ng rite med wag mahihiyang magtanong kung may rite med ba nito? May rite med ba nito?" pagkanta ni Mhico na sinabayan pa ni Yasper. Mga hunghang talaga.
Akala naman ng Mhico na to madadaan nya ako sa mga pakanta-kanta nya. Sapakin ko sya ng lima e.
Kung hindi nyo napapansin takot lahat saken yang mga yan ako kasi ako ang Captain ng basketball team at isang maling galaw lang nila 10 laps agad kahit wala si Coah HAHAHA. Seonjang ang tawag nila saken para daw maiba naman.
Pinakang best bud ko sa team ay si Raiden. Sya yung pinaka-close ko sa kanila at sya rin ang nakaka-alam ng mga sikreto ko. Since kinder kasi magkaibigan na kami. Playboy sya tulad ni Yasper na akala mo e isip bata pero matinik pagdating sa pambababae. Palibhasa mga heartthrob din. Kahit saan naman sigurong school. Kapag pogi ang basketball player heartthrob na lahat.
Kakatapos ko lang magsintas ng sapatos ko at isa-isa kong ibinalik ang gamit ko sa locker.
"Excuse me." hindi ko pinansin ang nagsalita dahil baka isa lang sa mga chixx ni Yasper o kaya ni Raiden kaya naman nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit ko sa locker.
"Seonjang, diba sya yung may crush sayo?" bulong saken ni Mhico kaya naman lumingon ako sa pinto at nakita ko nga yung babaeng dugyot na taga-section F.
"Hi Miss! What do you need?" nakangiting tanong ni Jharix. Sya naman ang pinaka-good boy sa team. Sociable yan kahit kanino.
"Ahh... Ano... Si Amos, may ibibigay lang sana ako." ilang na sabi nya.
"Ohh ikaw pala ang kelangan nya Seonjang." sabi ni Jharix na nilingon pa ako.
"Anong kelangan mo?" seryosong sabi ko na pabagsak na isinara ang locker habang nakatingin sa kanya ng masama. Nakita ko pa ang pagkabigla nya ng kumalabog ang locker.
"Seonjang, wag mo namang tinatakot si- Ano nga pangalan mo Miss?" tanong ni Yasper kay Ms. Dugyot.
"Ahh ako si Yohara Antonette Madrigal." nahihiyang pagpapakilala nya.
"Yohara Antonette? Nice name!" pambubola ni Yasper.
"Hoy Yasper magtigil ka! Wag mong sabihin pati itong babaeng to e idadagdag mo sa koleksyon mo!" sermon ko kay Yasper habang nakaturo kay Antonette daw ang pangalan.
"Hindi naman Seonjang. Mukhang mabait naman sya e." inirapan ko na lang si Yasper dahil sa sinabi nya at tumingin ulit kay Ms. Dugyot. Mas komportable akong tawagin syang Ms. Dugyot.
"Ano ba kasing ibibigay mo? Puro lalaki kami dito tapos pupunta ka dito mag-isa, babae ka pa naman." sermon ko na walang halong malisya.
"Ahh.. K-kasi...Ibibigay ko lang sana to sayo." sabay pakita saken ng keychain na paborito ko. Nag-init ang ulo ko dahil nahawakan nya ang paborito kong keychain.
"Paano napunta yan sayo?! Ninakaw mo noh?!" pamimintang ko sa kanya.
Baka mamaya hinigit nya sa bag ko tapos ibabalik nya saken para lang magpapansin. At yun pa naman ang pinakang-ayaw ko sa lahat. Ang mga babaeng papansin. Trying hard sya masyado.
"Sobra ka naman sa ninakaw Seonjang! Buti sana kung naiibenta ng mahal yang keychain mo, ginto ba yan?!" tatawa-tawa na sabi ni Yasper sobra na tong isang to ahh.
"Ikaw ba Yasper di titigil? Bibingo ka na saken!" inis na sabi ko.
"Talaga Seonjang anon huling bola? Sa letrang B! Bilis namumuro na ako!" pang-aasar nya pa rin.
"Isa! Di mo talaga ititikom yang ngangabu mo o paparusahan kita." mas seryosong sabi ko na.
"Ikaw naman Seonjang, ito na nga tatahimik na. Uhmm." umakto pa sya na sini-zip ang bibig nya na parang zipper. Sa buong team si Yasper ang pinakang-takot saken.
"Good!" sabi ko kay Yasper at ibinalik ko na ang tingin ko kay Ms. Dugyot. "At ikaw naman! Tinatanong ko kung pano yan napunta sayo? Hinigit mo sa bag ko para lang mapansin kita? Wag kang papansin!" sinigawan ko sya at walang nakapag-salita samen kahit isa.
Maya-maya ay nakita kong may tatlong babae sa labas ng locker room at nakatingin samen para maki-chismis.
"OMG Bernadette! Look! its Antonette right? Yung classmate natin. She's so pathetic, sinigawan sya ni Amos!" maarteng sabi nung isa.
"Anong kawawa ang pinagsasasabi mo dyan Loraine? E papansin sya masyado e kaya she deserve that." mataray namang sabi nung isa.
"Sobra pa rin naman kasi, dapat di nya sinisigawan si Anotette." naaawang sabi nung isa.
"Hay naku Meca Ella masyado kang mabait! Deserve nyang mapahiya kaya better shut up ka na lang Cyst!"
"Hindi." nawala ang atensyon ko dun sa tatlong babae at nabalik ang atensyon ko kay Ms. Dugyot
"Anong hindi?" maangas na tanong ko.
"Hindi ko to hinigit sa bag mo." pagtukoy nya sa keychain ko. "Nung nakasalubong kasi kita sa hallway kanina habang papunta ako sa Cr nahulog mo to. Pasensya na kung naabala pa yata kita. Eto na ohh. Ibabalik ko lang naman." pilit ang ngiting paliwanag nya.
"Tss! Hindi na!! Sayo na yan!! Wala na rin namang kwenta yan e! Tsaka baka mamaya may virus mo pa yan mahawaan pa ako. I can buy a new one!" mayabang na sabi ko. "One more thing, wag ka nang lalapit ulit saken para magpapansin dahil hindi din naman kita magugustohan kasi sobrang dugyot mo! Nandidiri ako sayo!" sigaw ko sa mismong mukha nya at diretso akong lumabas ng locker room.
"Tabi!" sigaw ko pa dun sa tatlong tsismosa sa labas at agad naman silang nagsitabihan.
Antonette's POV
Halos manghina at manlambot ang tuhod ko dahil sa mga sinabi ni Amos. Nagmagandang-loob na nga ako na ibalik ang keychain nya ako pa nagmukhang masama. Anak ng pilipit naman! Pagkatapos nya akong husgahan at ipahiya sa harap ng teammates nya sya pa tong may ganang mag-walk out. Ang kapal ng mukha! Oo gwapo, matalino at Captain sya ng basketball team nila pero wala syang karapatan manlait ng kapwa! Puno ng kayabangan ang budhi! Kung alam ko lang na ganyan sya kalaitero sana hindi na lang ako nagkagusto sa kanya!
"Sorry ahh. Ganun lang talaga si Amos." paumanhin nung mukhang labanos sa sobrang kaputian. Ang alam ko Raiden ang name nya, sya din yung nagbati saken ng Good morning kahapon nung makabangga ko si Amos.
Buti pa sya walang kasalanan saken pero marunong mag-sorry. Actually kanina pa ako naiiyak, pinipigilan ko lang dahil nakakahiya sa mga teammates ni Amos.
Ang sakit kaya na yung lalaking hinahangaan at nagugustohan mo sabihan ka ng masasakit na salita. Ang harsh lang. Alam ko namang dugyot ako pero ipamukha ba naman saken?
"O-okay lang." mahinang sabi ko.
Isa-isa na silang lumabas ng locker room at ang iba naman ay ngumiti lang ng pilit saken.
"Keep on smiling, you're pretty!" sabi nung isa na huling lumabas at ginulo pa ang buhok ko. Gulat ko naman syang sinundan ng tingin habang papalabas sya ng locker area.
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi nya. Totoo man o hindi ang sinabi nya na maganda ako, wala ng kaso saken yun dahil napagaan nya naman ang pakiramdam ko.