Trustless 1: CRUSH

992 Words
*KRIIIIING!* *KRIIIIINGGGG!* adgjsfkl. ugh. Ano ba namang klaseng alarm clock to, napaka-ingay. Natutulog yung tao e. (May alarm clock bang tahimik kapag nakatime-set?) Sabi ko nga e. Wala! Ohh sige na! Ako na shunga! Wait ka lang dyan alarm clock. Extend pa ng 5 minutes. Sinet ko yung alarm clock ko from 6:30-6:35 am. Whoo! tumahimik din sa wakas! makatulog nga ulit. After 123456789 years. Charot lang! *KRIIIIINGGG!* *KRIIIINGGG!* Waaaa! Buset kang alarm clock ka! Iniisturbo moko sa pagtulog letche! *BLAG!* Binato ko nga sa pader bwisit na alarm clock to sobrang ingay. Okay self! Time to sleep again. Author: Takaw matulog noh? di pa nya napapakilala sarili nya. HAHAHA sya na bahala dun. Yeey! Good morning again! Haay sa wakas! Nakatulog din ng maayos buti na lang tumahimik alarm clock ko. Ayy binato ko nga pala sya pader. aww! poor alarm clock. nadamay ka pa sa kabaliwan ko. oops! Sya nga pala. Bago ang lahat magpapakilala na muna ako. My name is Yohara Antonette Madrigal. ganda ng name ko noh? unique. Ewan ko ba sa mga magulang ko, pwede namang gawing Antonette na lang nilagyan pa ng Yohara hirap na hirap tuloy ako magsulat nung Kinder hehe. Hmm, by the way let me describe my self. I am ugly pero maganda ang kalooban. Ohh wag mokong ini-echos mabait to kahit di maganda. Medyo dry yung buhok ko. Yung tipo na pina-rebond tapos bumalik sa dati nakakatamad kaya magsuklay. Pwede namang isang beses lang e bat ko pa uulit-ulitin. May brace din ako, sungki ngipin ko e. Bakit ba? Libre lang kasi ng Ninang ko yung brace ko kaya grinab ko na, haler?! Libre Dude! Kaya pinatulan ko na. Yung balat ko naman, maputi pero dry wala e, hindi kasi ako mahilig mag-lotion feeling ko malagkit. Ano pa ba? Ahh! May pimples din ako pero di gaanong madami pero pangit pa din tingnan. In short panget ako sabi ko at ng Ate ko pero sabi ng mga kaibigan at ng Mama ko maganda daw ako. Simple lang din ang buhay namin. Di mayaman, di mahirap, tama lang. Kumakain ng tatlong beses sa isang araw apat pa nga ako minsan tapos bonus pa yung merienda HAHAHA. May kapatid akong babae Damaeca ang name nya. Grabe sya. Di ko sya makasundo, diring-diri kasi saken porke makinis ang balat di naman kagandahan pasalamat sya nauso ang brilliant at frontrow. Laking tulong sa ganda nya HAHAHA. Mas matanda sya saken, malamang, ate ko nga diba? tanga lang self? Feeling mayaman nga sya e. Lalo na pag nasa school. Parang di ako kilala. Oops! Yun lang. Teka masyado nyo akong inaabala sa pagke-kwento anong oras na ba? Ahh 7:00 am. "Putcha! Ano?! 7:00 am?! What the damn! Late na ako!" 7:15 ang bell namin. Sobrang male-late ako! Dali-dali akong naligo, nag-tooth brush at nagbihis. Di na muna ako nagsuklay pero hinayaan kong nakasabit ang suklay sa buhok ko. Kinuha ko yung bag ko saka dali-daling bumaba. Lintek! First day na first day of school saka pa ako male-late. Anak ng pilipit oo! Nadatnan ko si Mama na nagkakape habang naka-upo sa harap ng hapag-kainan. "O Antonette, umupo ka na at kumain." "Ma naman, bat di mo ako ginising! Sa school na ako kakain mamayang break time. Late na po ako. Bye! Labyu!" Nagbeso lang ako kay Mama at nag-abang ng jeep o tricycle habang sinusuklay ang buhok kong hanggang balikat pero maganit. Letche! Pero anak ng pilipit talaga wala pang dumadaan na sasakyan! No choice! Takbuhin ko na lang. Walking distance lang naman ang school mula dito sa bahay. *Takbo Takbo Takbo Takbo Takbo* KRIMSON UNIVERSITY Haay sa wakas! Nasa harap na ako ng gate ng school namin. Nakita ko namang isasara na ni Kuya Guard ang gate. "Wait, Kuya Guard! Saglit lang!" humahangos na pigil ko sa kanya. "Ohh Antonette first day of school, late ka kaagad." sita nya saken "Sorry Kuya e kasi po. Basta! Alis na po ako thank you!" Tumakbo na ako papuntang bulletin board at hinanap ang name ko. Di ko na pala kailangang hanapin, sure naman ako na sa section F nanaman ako last section ika nga. Walang bago si Amos pa rin ang crush ko. Charot. Late ka na Antonette puro ka pa harot. Matapos kung mahanap ang pangalan ko ay tumakbo na ako sa corridor papuntang classroom namin. Nang biglang.... *SCHREEEECH!* *BOGSH!* Nadulas ako sa corridor kasi bagong lampaso ang sahig kasi makintab pa ito. Pagtingin ko sa itaas, OH MY GEE! Totoo ba to? Di ba ako nananaginip? si-- si-- si AMOS! yung crush ko nasa harap ko. Sa mismong harap ko mismo! Kyaaaaaa! Kalma self! Shenggay! Kinikilig pempem ko! charot. "Sa susunod kasi titingin ka sa dinaraanan mo para di ka nakaka-abala ng ibang tao. Hays. Mga taga-section F talaga ang tatanga." umiiling-iling pa na sabi nya. Tumitig lang naman ako sa kanya at hindi nagsalita. "AMOS!" rinig kong tawag sa kanya nung lalaking sobrang puti na naglalakad palapit samen. Nakita ko namang tumingin si Amos dun sa lalaki. "Tumayo ka na, nakikita yang hita mo. Dry pa naman. At sigurado akong hindi natutuwa ang sahig na dumikit sa kanya ang tuyot mong balat." umirap pa sya ng sabihin nya yun at naglakad na palayo Dali-dali naman akong tumayo at pinagpag ang uniform ko. "Amos! Hintayin mo ko!" tumatakbong sabi nung lalaking tumawag kay Amos. Patuloy lang naman si Amos sa paglalakad at di pinansin ang tumatawag sa kanya. "Hi Antonette! Good morning!" bati saken nung lalaking maputi at sumabay na kay Amos na naabutan nya rin naman. "Kilala nya ako?" tanong ko sa sarili ko. Napa-iling na lang ako. Ang ganda naman ng umaga ko si Amos agad ang nakita ko. Mas naging pogi sya lalo. Teka! Late na nga pala ako Shenggay! Kalandian kasi inuuna mo self e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD