Trustless 14: TRUTH OR DARE GONE WRONG

1844 Words
Amos POV Gabi na at nandito kami sa forest kung saan nagtatayo kami ng Tent dahil nag-decide kami na mag-over night dito sa gubat. May thrill daw kasi ang camping kapag ganun suggest ni Yasper kanina. Sina Jharix at Mhico ay nagseset-up ng bonfire at ang girls ay nag-aayos at nagluluto ng foods. Napatingin ako kay Antonette na busy sa pag-iihaw ng hotdog at barbecue. Umuubo-ubo pa sya habang itinataboy ang usok na mukhang nasinghot nya. Napa-iling na lang ako at napangisi. Iniwan ko si Yasper at Raiden sa pag-aayos ng tent at lumapit ako kay Antonette. "Need help?" nakangiting tanong ko ng makalapit ako sa kanya. "Wag na noh! baka mag-amoy usok ka pa sisihin mo pa ako." mataray na sabi nya. "Bakit? Kapag ba nag-amoy usok na ako di mo na ako gusto?" banat ko. "HAHAHA whatever Dude." sabi nya na may halong sarcasm at lumayo para umupo sa tabi ni Aera. Nakita ko pang natatawang tumingin saken si Aera dahil pikon na pikon nanaman ang kaibigan nya. Itinuloy ko na lang ang pag-iihaw na dapat si Antonette ang gumagawa. "Uyy Seonjang feeling ko may nakalimutan tayo." sabi ni Mhico matapos lumapit saken. "Ano yun?" tanong ko habang ginagalaw-galaw ang iniihaw kong hotdog at barbecue. "Nakalimutan nga Seonjang diba? Bobo ka ba?" Pambabara nya saken na syang ikinatingin ko sa kanya ng masama. "Anong sabi mo?" inis na tanong ko habang nakaturo sa kanya ang hotdog na nasa stick at bagong luto. "Wala Seonjang. Thank you dito." Seryosong sabi nya at kinuha ang hotdog na hawak ko matapos ay umalis na. Ilang minuto lang at natapos na nilang iset-up ang mga tents at ang bonfire sakto naman na kakatapos ko rin lang mag-ihaw. "So anong plano natin ngayong gabi?" Tanong ni Aera sa lahat. "Deep talks while eating? No! That's too boring!" maarteng sabi ni Lav. "May suggestion ka ba kung anong gagawin natin ngayong gabi?" Tanong ni Raiden kay Lav. "Wala, baka sila meron." pagtukoy ni Lav samen at ngumuso. "Wait. I have a question lang." Napatingin kaming lahat kay Yasper ng bigla syang mag-raise ng hand. Akala mo sasagot lang sa recitation e HAHAHAHA "Ano naman yun?" Tanong ni Antonette. "Diba ang English ng bulak ay cotton?" "Oo bakit?" pangumpirma ni Rean "So ang english ng bulaklak ay cottonton! HAHAHAHA" sabi nya at humagalpak ng tawa. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya habang walang emosyon ang mga mukha. "Lumayas ka sa tabi ko, nandidilim paningin ko sayo Dude." seryosong sabi ni Jharix. "Ito namang mga to, pinapatawa ko lang kayo e. Ang seryoso nyo naman!" nakangising sabi ni Yasper. "Alam nyo maglaro na lang tayo mas mabuti yun kesa makinig sa mga pang-undas mong joke!" sabi ni Yanichi kay Yasper. "Anong laro lalaruin natin?" mukhang excited na sabi ni Mhico habang kumakain ng hotdog. "Penge muna nyang kinakain mo bago ko sabihin." inabot naman ni Mhico ang isang stick ng hotdog kay Yanichi. Susko andaming paligoy-ligoy. "So ang lalaruin natin ay TRUTH OR DARE." excited na sabi ni Yanichi. "Truth or dare lang naman pala jusmeyo marimar, kala namin kung ano na." sabi ni Antonette. "Yun lang naman, so start na tayo, ito yung bottle na gagamitin natin." pinakita ni Yanichi ang bote ng mineral water na may konting tubig pa. Bale ang pwesto namin e pabilog magkakatabi ang barkada ni Antonette at magkakatabi namin kami ng barkada ko. Katapat ko sa harap ko si Antonette. "Ang rule kapag di ginawa ang dare sa labas ng tent matutulog. So dahil ako na rin naman ang nagsuggest ng game na to edi ako na magi-spin ng bottle." sabi ni Yanichi at inumpisahan na itong paikutin. Unang tumapat kay Humii ang bote. "Ohh Humii, truth or dare?" "Truth" "Hmm? Yung totoo bat mo paborito yung lumpiang gulay ni Ate Salvy e mas makapal pa yung wrapper kesa dun sa gulay na nakalagay sa loob nung wrapper?" natawa kami sa tanong ni Yanichi. Sa dami ng pwedeng itanong yun pa talaga. "Masarap e." simpleng sagot lang ni Humii. "Ahh okay curious lang naman ako prend sige paikutin mo na." kinuha ni Humii ang bote at pinaikot ito at tumapat kay Yasper. "Truth or Dare?" tanong ni Humii. "Sus! Dare agad! mga mahihinang nilalang!" mayabang na sabi ni Yasper. "Okay, pumili ka ng isa sa mga kaibigan ko tas bigyan mo sila ng pick up line." utos ni Humii. "Yun lang ba? Apaka-basic naman. Okay, kay Lav na lang. Lav tampo ka ba?" tanong ni Yasper kay Lav. "Bakit?" tanong ni Lav. "Kasi ako eleven." seryosong sabi ni Yasper. Tahimik lang kami at iniisip namin kung anong nakakakilig sa banat nya ng biglang tumawa si Antonette. "Luhh HAHAHAHA nakakatawa yun! ngayon ko lang nagets HAHA" napatitig lang ako kay Antonette habang tumatawa sya. Parang nag-slow motion ang paligid at nakikita ko lang ay ang pagtawa nya. Sobrang ganda nya pag nakangiti. "Hoy, alalahanin mo yung pustahan maka-titig ka dyan kay Antonette, inlove ka na ba?" bulong ni Raiden saken. "Gago hindi." bulong ko sa kanya pabalik. "Ohh Raiden, Seongjang tama na ang bulongan nyo dyan may sarili kayong mundo e, iiikot ko na tong bote." Tumapat ang bote kay Mhico. "Ohh wala ng tanong tanong saten, dare na lang Dude." sabi ni Yasper "Sige na nga. Dare." napilitang sabi ni Mhico "Kumanta ka ng When I look at you habang may marshmallow sa bibig." utos ni Yasper na ginawa naman ni Mhico. Tawang-tawa kami dahil halos mabilaukan na si Mhico habang kumakanta. Limang malalaking marshmallow ba naman ang ilagay sa bibig. Nang matapos ang dare ni Jharix kay Mhico ay pina-ikot na nya ang bote at tumapat naman ito kay Rean. "Truth or Dare?" tanong ni Mhico. "Truth." "Crush moko?" "Whoaaaaa!" sigaw namin nina Raiden, Yasper at Jharix nang marinig namin ang tanong ni Mhico kay Rean. "Speed!" tumatawang sabi ni Raiden. "Yun sanaaaa!" pang-aasar ni Jharix. "Lakaaaass mo men!" sabi ni Yasper "Ayeeeeiii!" kantyaw naman ng mga kaibigan ni Rean. "No!" seryosong sabi ni Rean. "Ohh men! Napakasakit Kuya Eddie!" pagkanta ni Yasper. "Wala ako maitanong e." kibit-balikat na sabi ni Mhico at muling kumain ng marshmallow at hotdog. Nang paikutin naman ni Rean ang bote ay sunod na itinuro nun ay si Raiden. "Dare." magtatanong pa lang sana si Rean pero sumagot na agad si Mhico. Nakita kong bumulong si Antonette kay Rean at parehas silang tumawa. "Okay so dahil dare ang pinili mo, ang dare ko sayo ay i-kiss mo si Amos sa lips!" "Yuck Dude! Don't you dare patay ka saken!" pambabanta ko at pinakita pa ang kamao ko. "Please honey kiss your baby! Promise I'll be gentle!" boses bakla na sabi ni Raiden. Hindi ko alam kung masusuka ako or what pero nakakadiri! Hindi bagay kay Raiden maging bakla masyadong masagwa. "Dali na Amos! Isa lang e! HAHAHA" tumatawang sabi ni Antonette. "Kiss! Kiss! Kiss!" sigaw nilang lahat. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Raiden at halikan sa lips. Smack lang naman yun pero pakiramdam ko namumula ang mukha tenga at ang leeg ko sa sobrang hiya. "Nice Dude! So kayo pala ang may secret affair sa barkada e HAHAHA" tumatawang sabi ni Jharix. "Manahimik ka dyan!" inis na sabi ko kay Jharix na tumawa lang naman. Muling pina-ikot ni Raiden ang buti at tumapat yun kay Jharix. "Truth or dare?" "Nakakahiya naman kung lahat kayo nag-dare tapos truth pipiliin ko diba? so sige dare!" sabi ni Jharix. "Kiss mo si Antonette!" napatingin ako ng masama kay Raiden ng marinig ko ang dare nya. "Okay lang ba Antonette?" tanong ni Jharix. This time kay Antonette naman ako napatingin. Nakita ko ring kinikilig ang mga kaibigan nya. "O-okay lang naman." utal na sabi ni Antonette kay Jharix. Tinitigan ko si Antonette ng masama dahilan para hindi sya makatingin ng diretso saken. Lumipat ulit ang paningin ko sa tumayong si Jharix at lumapit kay Antonette. Halos umigting ang panga ko ng halikan ni Jharix ang noo ni Antonette. Napalunok ako ng makita kong nakapikit si Antonette at parang damang-dama nya ang halik ni Jharix. Kinuha ko ang isang beer in can mula sa cooler at tumayo. "San ka pupunta Seonjang?" tanong ni Mhico. Nakita ko namang halos lahat sila ay nakatingin saken. "Dyan lang, magpapahangin. Sige na tuloy nyo lang laro nyo dyan." sabi ko at tumingin muna kay Antonette bago umalis. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin saken ni Antonette kahit papalayo na ako. Pumunta lang ako sa lugar na hindi gaanong malayo sa camp site namin. Mahirap na maligaw ngayon gabi pa naman. Nakakita ako ng medyo malaking bato at dun umupo habang nagmamasid sa bilog na buwan. Kitang-kita kasi ang buwan dito sa pwesto ko. Iniisip ko kung bakit ganun yung naging reaksyon ko ng makita ko na hinalikan ni Jharix si Antonette. I'm not sure kung nagseselos ba ako o sadyang nawala lang ako sa mood. Kung selos man yun hindi magandang pangitain. Kapag nainlove ako kay Antonette panigurado ako ang talo. "Feel to be alone?" gulat akong napatingin kay Antonette na sumunod pala saken. "Tapos na kayo maglaro?" tanong ko saka muling uminom ng beer. "Oum. Ayaw na raw nila, pano umalis ka. Bat ka pala umalis?" naiinis ako sa mga tanong nya. Pakiramdam ko umaakto sya na walang napapansin sa kung anong nararamdaman ko. Oo kahit ako nagugulohan pero kahit papano masasabi ko na may nararamdaman na ako kay Antonette, hindi ko lang masabi kung gaano kalaki. "Alam mo, hindi ko alam kung nananadya ka ba o nagpapanggap kang walang alam." mapaklang sabi ko. Unti-unting rumihestro ang pagtataka sa mukha nya. "What do you mean?" "Ohh come on Antonette! Alam mo namang nanliligaw din ako sayo diba?!" mataas ang boses na tanong ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang unti-unting pamumuo ng galit ko. "Oo alam ko yun! Bakit ba?" pasigaw ding sabi nya. "Alam mo na parehas kaming nanliligaw sayo ni Jharix pero yung hayaan mo syang gawin ang bagay na yun sa harap ko sana naman inisip mo din kung ano yung mararamdaman ko! pero hindi e! parang feel na feel mo pa nga! ganyan ka ba talaga kalandi?!" halos mapatigil ako sa pagsasalita ng dumaan ang palad nya sa pisngi ko. Napatitig lang ako sa kanya at halos manlambot ang tuhod ko ng makita kong umiiyak sya. "Ilang beses na Amos! Ilang beses na akong nakakarinig ng masasakit na salita mula sayo! Sobrang sakit na Amos! Malandi ang tingin mo saken? o sige! malandi na kung malandi pero tigilan mo na ako! Wag ka ng lalapit at wag mo na rin akong kakausapin!" kitang-kita ko ang galit sa mata nya ng sabihin nya ang lahat ng yun matapos tumakbo pabalik sa site. Napaupo na lang ulit ako sa bato matapos ang nangyari. "Gago ka talaga Amos! Nasaktan mo nanaman sya! Gago ka. Gago." inis na sabi ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD