Trustless 15: NAIINTINDIHAN KO NA

1479 Words
Jharix POV Matapos mag-walk out ni Seonjang huminto na rin kami sa paglalaro ng truth or dare dahil nawalan na daw sila ng gana. Bumalik na kami sa kanya-kanyang agenda. Nagke-kwentuhan yung iba at kumakain pero ako heto at hinihintay na makabalik si Seonjang at Antonette. Matapos kasi ang nangyari ay sinundan ni Antonette si Seonjang. Alam ko na nagselos si Seonjang dahil sa ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan dun dahil gusto ko talagang gawin yun. "Jharix, gusto mo?" napatingin ako kay Raiden na tumabi saken at inaabutan ako ng beer in can na tinanggap ko naman. "Salamat Pre." maikling sabi ko. "Pasensya ka na." nagulat ako at biglang napatingin dahil sa sinabi nya. "Para saan?" alam ko na kung ano yung ikinakahingi nya ng pasensya pero gusto ko pa rin na sa kanya mismo manggaling. "Pasensya na kung kelangang maging magulo ang lahat. Alam kong gusto mo rin si Antonette kaya humihingi ako ng pasensya kung di ko napigilan si Amos sa nararamdaman nya." paliwanag nya. "Ayos lang, wala kang kinalaman dun. Tsaka di naman napipigilan ang nararamdaman e. Hindi rin natin alam kung kelan at kung kanino tayo mahuhulog." sabi ko at tinapik ang balikat nya. "Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon no? Yung dalawang kaibigan mo parehas ng babaeng nagugustohan." pilit ang tawang sabi nya na ikinatawa ko rin. "Seonjang! Andyan ka na pala!" napalingon kami kay Yasper ng tawagin nya ang bagong dating na si Seonjang. Hinanap ko si Antonette sa likod nya pero di ko sya nakita. "Si Antonette?" tanong ko sa kanya? "Ha? akala ko nakabalik na dito?" nagtatakang sabi nya rin. Nagkatinginan kami at pare-parehas nabalot ng paga-alala ang mukha. "Diba sinundan ka nya?" kinakabahang tanong ko ulit. "Oo magkasama kami kanina, pero nag-away kami kaya nagwalk-out sya at umalis akala ko babalik na sya dito e." hindi ko mapigilan ang inis dahil nakikita ko sa mukha ni Amos na parang di man lang sya naga-alala. "s**t! Hahanapin ko sya!" sabi ko at agad tumayo mula sa pagkakaupo. "Kumalma ka nga. Babalik din yun. Baka kelangan lang mapag-isa." sabi ni Amos. Umigting ang bagang ko dahil sa sinabi nya. Agad ko syang nilapitan at kinwelyuhan. "Babalik? paano kung naligaw na sya at di na makabalik? nag-iisip ka ba ha?!" sigaw ko sa mismong mukha nya. Nanginginig ako dahil sa pinaghalong galit at paga-alala. Malawak ang gubat at mahihirapan kaming hanapin si Antonette once na maligaw sya lalo at gabi na. Masyado ng madilim. "Tama na yan mga Pre! Hanapin na lang natin so Antonette." awat samen ni Raiden. Binitawan ko si Amos sa kwelyo. "Kapag may masamang nangyari kay Antonette di ko alam kung anong magagawa ko sayo!" banta ko kay Amos. "Kung masyado kayong kalmado na di pa bumabalik si Antonette pwes ako hindi! Magrelax kayo pero ako hahanapin ko sya!" seryosong sabi ko sa kanila at umalis. Wala na akong pakealam kahit na si Amos pa ang captain ng basketball team namin. Kapag si Antonette na ang pinag-uusapan sasantuhin ko kahit ano at kahit sino. Dahil mahal ko sya. Mahal na mahal. Antonette's POV Umiiyak akong iniwan si Amos dun. Ilang beses nya na akong sinabihan ng masasakit na salita at talaga namang sobrang nasasaktan na ako pero ewan ko ba! Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa kabila ng lahat ng yun gusto ko pa rin sya. Gusto mo pa rin nga ba talaga sya Antonette? o mahal mo na? Tumulo ang luha ko dahil sa isiping yun. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya. Minsan talaga masyadong traydor ang puso. Iibig ito ng paulit-ulit sa taong paulit-ulit din tayong sinasaktan. "Kinain mo rin yung sinabi mo Antonette e. Sinabi mo kay Amos na di na lalalim ang nararamdaman mo pero ano yang nararamdaman mo? Mas lumalim lang e. Mas lumalim yung nararamdaman mo at mas lalalim din ang sakit." lumuluhang pagka-usap ko sa sarili ko. Napatingin ako sa paligid ko at nanlaki ang mata ko ng marealize ko na ibang daan na pala ang tinatahak ko. "Hindi ako dito dumaan kanina ahh." nagugulohang sabi ko sa sarili ko. Inilibot ko ang paningin ko at unti-unti akong nakaramdam ng kaba at takot dahil naliligaw na ako. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng hoodie ko para tawagan sila pero walang connection. "Pag minamalas ka nga naman ohh!" iritang sabi ko matapos ay binuhay ang flashlight ng phone ko at nag-umpisa ng tahakin ang daan na di ko alam kung san ang direksyon. Bahala na si Doraemon! Kung papairalin ko ang kaba at takot baka lalo akong di makabalik. Nag-umpisa na akong maglakad-lakad. Nakakatakot ang daan dahil sobrang dilim. Palinga-linga rin ako sa paligid dahil pakiramdam ko anytime may susulpot malapit saken at hahatakin ako. "Ikaw kasi Antonette! May pag-walk out ka pang nalalaman! naligaw ka tuloy!" pag-kausap ko sa sarili ko. Sobrang tahimik ng paligid at tanging huni lamang ng kuliglig at mga insekto ang naririnig ko. Ilang minuto na akong naglalakad at nakakaramdam na ako ng p*******t ng paa. Pakiramdam ko rin uulan pa dahil nawawala na ang mga bituin sa langit. Kailangan kong makabalik sa camp site bago ako maabutan ng ulan pero feeling ko mas lalo lang akong napapalayo. Unti-unti na akong nakakaramdam ng takot at kaba. Paano kapag di na ako nakabalik? Sigurado ako naga-aalala na din ang mga yun. Sobrang lawak pa naman ng gubat na to. Namahinga muna ako sa ilalim ng isang puno at sakto namang bagsak ng malakas na ulan. Umupo ako sa malaking ugat ng puno at umubob sa tuhod ko at nagsimulang umiyak. Ngayon ko lang naramdaman yung takot. Paano kapag may biglang magpakitang mababangis na hayop dito? Anong gagawin ko? Amos POV Nang makaalis na si Jharix para hanapin si Antonette ay agad syang sinundan ni Mhico para samahan sa paghahanap. "Maghiwa-hiwalay tayo. Dito ako sa kanang bahagi ng gubat tas kayo na lang maghanap sa ibang part. Maghati kayo sa dalawang grupo. Yasper at Raiden wag nyo hayaan na puro babae ang magsama." sabi ko sa kanila. "Talaga bang magso-solo ka sa paghahanap? Pwede ka samahan ng kahit isa man lang samen." prisinta ni Yanichi. "No need. Kaya ko na mag-isa. Tutal, ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nawawala si Antonette ngayon. Sige na! Lumalalim na ang gabi simulan na natin maghanap. Mag-iingat kayo." paalala ko sa kanila. "Ingat Dude." seryosong sabi ni Raiden na tinanguan ko lang matapos ay tinahak ko na ang daan sa kanang bahagi ng gubat gamit ang flashlight ng cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Antonette habang naglalakad-lakad pero hindi ko sya macontact dahil walang signal. "Antonette!" sigaw ko pero walang sumasagot. Halos kalahating oras ko nang tinatahak ang gubat habang tinatawag at sinisigaw ang pangalan nya pero wala akong naririnig na sumasagot. Hindi kaya masyado na syang napalayo? Naglakad ako ulit nang mapansin kong may pumatak na tubig sa pisngi ko hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan. Sumilong ako sa isang malaking puno para kahit papano ay hindi ako masyado mabasa. Sobrang sama pa naman ng pakiramdam ko kapag nababasa ng ulan dahil agad akong inaapoy ng lagnat. Simula bata pa ako ganun na talaga ako. Kahit konting ambon lang nilalagnat ako agad. Hinintay ko na tumila ang ulan pero parang mas lalo lang itong lumalakas kaya isinantabi ko na yun at nag-umpisa na ulit maglakad para maghanap kay Antonette. "Antonette!" muling sigaw ko sa pangalan nya pero wala nanamang sumasagot. Lumiko ako sa kaliwang bahagi ng daan at doon naman naghanap kahit umuulan. "Waaaa! Help! Tulong!" halos mapahinto ako ng marinig ko ang sigaw ni Antonette. Agad akong tumakbo sa direksyon kung saan nanggaling ang boses nya at halos hingalin ako ng mapahinto ako sa nasaksihan ko. Nakita ko na nakayakap si Antonette kay Jharix habang takot na takot. "Its okay. Wala na yung ahas. Wag ka nang matakot. Andito na ako." pagpapakalma ni Jharix kay Antonette habang inaalo ito at nakayakap sa kanya habang umiiyak. Nakita mo ba ang epekto mo kay Antonette ha Amos? Dahil hindi ka marunong pumreno sa lahat ng sinasabi mo nakakasakit ka ng tao. Oo nagseselos ako pero hindi ko sinasadya na umabot sa ganito na tipong habang nagseselos ako nasasaktan ko sya. "I'm sorry Antonette. I'm sorry. You don't deserve me. Hindi mo deserve yung gaya ko na sinasaktan ka lang." Sa unang pagkakataon pumatak ang luha ko dahil sa rason na tinatawag nilang pagmamahal. Ganito pala yung feeling ng nagmamahal habang nasasaktan. Ganito pala yung feeling na makita mong nasasaktan yung taong mahal mo dahil kasalanan mo. Ngayon alam ko na, naiintindihan ko na sila. Naiintindihan ko na kung bakit may sumusuko, nagle-let go at bumibitaw. Naiintindihan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD