Trustless 16: IM SORRY

1818 Words
Antonette's POV Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nagulat ako sa aking nakita. Kelan pa kami nakabalik dito sa rest house nina Amos?. Teka? Ano bang nangyari kagabi? Ang huling natatandaan ko naligaw ako sa gubat at bumuhos ang malakas na ulan matapos ay nagpahinga ako sa ilalim ng isang puno at nakakita ako ng isang ahas na gumagapang papalapit saken. Sumigaw ako para humingi ng tulong at dumating naman si Jharix matapos ay nayakap ko sya dahil sa takot tapos unti-unting nag-blur ang paningin ko, yun lang tapos wala na akong matandaan. "Gising ka na pala. Mag ready ka na kakain na tayo ng breakfast tas uuwi na rin tayo." sabi saken ni Rean. "Anong oras tayo bumalik dito sa rest house?" tanong ko sa kanya. "Kagabi rin. Nung mahanap ka namin nag-decide na rin kaming umuwi kasi umulan din ng malakas." sagot nya. "Ahh sige." "Bilisan mo na dyan! Hihintayin ka namin sa kitchen." paala nya at lumabas na ng kwarto. Napansin ko na wala ng gamit sa kwarto siguro dahil naimpake na nila ang mga gamit nila. Tumayo na ako at nag-umpisang ayusin ang mga gamit ko. Matapos yun ay dumiretso ako sa banyo para maligo. "Good morning!" bati ko sa kanilang lahat ng makarating na ako sa kitchen. "Good morning Antonette, dito ka na. pinag-reserve kita ng upuan." alok saken ni Jharix matapos hilahin ang upuan sa tabi nya. "Thank you." Tumingin ako sa paligid para hanapin si Amos pero di ko sya nakita. Itatanong ko sana kung nasan sya kaso wag na lang. Baka asarin lang nila ako tsaka galit ako sa kanya. "Anong gusto mong kainin? Ito bacon at rice." pinaglagay ako ni Jharix ng kanin at bacon sa plato. Tumingin ako sa mga kasama namin at mukhang normal lang naman sa kanila ang ginagawa ni Jharix dahil dire-diretso lang sila sa pagkain. "Thank you. Gusto ko rin ng egg." request ko. "Ahh sige. Here." "Thanks." pasalamat ko sa kanya matapos lagyan ng itlog ang plato ko. "Kain ka na." nakangiting sabi nya na tinanguan ko lang. Napaisip ako, bakit hindi na lang kaya si Jharix ang gustohin ko? Maalaga sya, sweet at mabait. Kung madidiktahan ko lang sana ang puso ko si Jharix ang pipiliin kong mahalin. Kaso mahirap turuan ang puso. Imbis na tumibok ito sa taong mahal ka, titibok ito sa taong sinasaktan ka. Ganun katraydor ang puso. Kaya andaming nagiging martyr at tanga sa pag-ibig. Bumuntong hininga na lang ako at nagsimula ng kumain ng agahan. Ilang minuto lang at natapos na kami kumain ng agahan. Nagready na kami para makauwi samen. Kung tutuusin dapat madaling araw kami umuwi pero mukhang napasarap rin ang tulog nila kaya inabot kami ng umaga. "Wala na ba kayong naiwan?" tanong ni Raiden samen. "Mukhang wala na, si Yanichi lang naman ang iniwan e." pang-aasar ni Lav. "Happy?" mataray na sabi ni Yanichi kay Lav. "Super happy HAHAHAHAHA" "Tss!" irap na lang ni Yanichi kay Lav. "Pano yan, absent na tayo sa morning class, aabot pa ba tayo sa afternoon class?" napatingin kami kay Mhico na mukhang problemado. Ganun siguro talaga kapag nasa pilot section. Masyadong nanghihinayang kapag umabsent ng isang beses, pakiradamdam siguro nila ang laki ng mawawala sa kanila. Samantalang kaming mga section F chill chill lang HAHAHA. "namomroblema ka dun?" tanong ni Aera kay Mhico. "Bakit naman Hindi?" tanong pabalik ni Mhico kay Aera. "Tss! Ako nga, minsan naiisip ko gusto ko na lang mag-drop out sa school at maging isang halaman!" sabi ni Aera at pinakita pa ang halaman na nasa paso habang hawak ito. San nya nakuha yun? "HAHAHA baliw ka talaga Aera!" tunatawang sabi ni Humii. "Tama na nga yan, umalis na tayo. Tara na!" aya ni Rean at sumakay na sa bus. Agad naman kaming sumunod sa kanya. Isa-isa kaming sumakay sa bus. Luminga ako sa paligid pero wala si Amos. Asan na yung tukmol na yun? "Si Amos? bat wala pa sya? Kanina ko pa sya di nakikita ahh. Nauna na bang umuwi?" sunod-sunod na tanong ko. "Nope. Sabi nya magpapa-iwan na daw muna sya. Magpapasundo na lang daw sa family driver nila." sabi ni Yasper. "Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko. "May sakit sya dahil nabasa sya ng ulan kagabi. Naghanap rin kasi sya sayo kagabi dahil naligaw ka nga sa gubat." paliwanag naman ni Raiden. "Ehh bat magpapaiwan pa sya?" tanong ko. "Kapag nababasa si Amos ng ulan inaapoy sya ng lagnat at nahihirapang kumilos kaya hindi nya kayang bumyahe. Ganun na sya elementary pa lang kami." pagke-kwento ni Raiden. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-alala. Hinanap ako ni Amos kagabi? Kasalanan ko kung bat sya nagkalagnat. Kung di sana ako umalis hindi ako maliligaw at hindi nya ako hahanapin. Hindi sana sya mababasa sa ulan at magkakasakit. Nakonsensya tuloy ako bigla. "Magpapaiwan ako dito." seryosong sabi ko. "Ano? Bakit?" gulat na tanong ni Jharix. "Kasalan ko kung bat sya nagkasakit. Hindi kaya ng konsensya ko na iwan sya dito." paliwanag ko. Bukod dun naga-alala rin ako kay Amos. "Pano yan, aabsent ka ngayong araw? Hindi ka papasok ng afternoon class?" tanong ni Humii. "Hindi na muna. Sige na. Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Babye!" hindi ko na sila hinayaang magtanong pa ulit at nagmadali na akong lumabas ng bus at pumasok sa rest house. Narinig ko ang andar ng papaalis na bus hudyat na nakaalis na sila. Nakita ko si Mang Bert na kakapasok lang din sa sala. "Ohh Antonette bat andito ka pa? Nakaalis na ang mga kasama mo." sabi saken ni Mang Bert. "Nalaman ko po kasi na may sakit si Amos. Nagpaiwan po ako para alagaan sya. Wag nyo pong lagyan ng malisya kaya ako nagpaiwan naga-alala lang po ako bilang kaibigan. Wala na po akong ibang dahilan." mahabang sabi ko. "Wag ka ng magkaila hija HAHAHA. Alam mo bang masyado kang halata. Di bale alam ko namang gusto ka rin ni Rasper." nakangiting sabi nya. "T-talaga po? p-pano nyo po nalaman?" nauutal na tanong ko. "Bukod sa nililigawan ka nya nake-kwento ka rin nya saken." Hindi ko akalain na magagawa ni Amos na ikwento sa iba kung gaano nya ako kagusto. Nakaramdam ako ng kilig. "Sige hija. Ikaw na muna ang bahala kay Amos. Andun sya sa kwarto natutulog. Lalabas muna ako." paalam ni Mang Bert. "Sige po Mang Bert." Nang makaalis na si Mang Bert ay nagdesisyon akong pumunta sa kitchen para magluto ng soup para kay Amos. Ilang minuto bago ako natapos. Inihanda ko na ang soup at tubig. Naghanap ako ng gamot sa cabinet mabuti na lang marami silang naka-stock. Chineck ko kung expired na mabuti na lang at hindi pa. Dinala ko na ang pagkain at gamot na nakalagay sa tray at pumasok sa kwarto ni Amos. Nakita kong mahimbing ang tulog nya habang balot na balot ng kumot. Pumunta ako sa gilid para patayin ang aircon matapos kung ipatong ang pagkain sa side table. "Amos, gising." sabi ko habang tinatapik ang pisngi nya ng marahan. "Hmm." ungol lang nya. "May pagkain akong hinanda para sayo. Kumain ka muna para makainom ka na ng gamot." sabi ko. Dahan-dahan nyang iminulat ang mata nya at bigla itong nanlaki ng makita nya ako sa harap nya. "Antonette?" gulat na sabi nya. "Kumain ka na." sabi ko at kinuha ang mangkok na may soup. "Lumayo ka saken!" hinang-hina na sabi nya. Pakiramdam ko kung wala syang lagnat sinigawan nya nanaman ako. "Gusto mong umalis ako? Bakit? Ayaw mo ba ako kasama?" malungkot na tanong ko. "H-hindi naman sa ganun. Mataas ang lagnat ko. Baka mahawa ka." sabi nya at biglang umubo. "Ayaw mo nun? Dalawa na tayong may lagnat pag nahawaan moko edi patas tayo." pagbibiro ko. "Ayoko. Ayokong magkasakit ka. Kahit ako na lang." seryosong sabi nya na ikinalakas ng kalabog ng dibdib ko. "K-kumain ka na. Para makainom ka na ng gamot." sabi ko at akmang isusubo sa kanya ang soup na nasa kutsara. Naiilang syang tumitig saken kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. Siguro dahil naninibago sya sa ginagawa ko. Magkaaway kami kagabi tas inaalagaan ko sya ngayon. Weird nga naman HAHAHA. "kainin mo na kasi. Wag ka nang mahiya na sinusubuan kita." sabi ko. Natawa na lang sya at kinain ang isinusubo ko. Ilang ulit ko syang sinubuan hanggang sa maubos nya ang laman ng mangkok. "Ohh inumin mo to." inabot ko sa kanya ang isang piraso ng gamot at isang baso ng tubig na tinanggap nya naman. "Mamaya, iche-check ko ang temperature ng katawan mo para malaman ko kung may epekto yung gamot na pinainom ko sayo." sabi ko at isa-isang niligpit ang mga ginamit ko. "Nasan sila?" pagtukoy nya sa mga kaibigan namin. "Nakaalis na sila kanina pa." sabi ko. "Teka? So nagpaiwan ka dito?" gulat na tanong nya na tinanguan ko lang. "Bakit?" "Anong bakit?" kunot noo na tanong ko sa kanya. "Bakit ka nagpaiwan dito?" mahinang tanong nya. "Naga-alala kasi ako sayo. Nagpaiwan ako para may mag-aalaga sayo." paliwanag ko. "Nag-aalala ka saken?" parang hindi makapaniwalang sabi nya. "Tss! Malamang! Kasalanan ko kaya kung bat ka may sakit ngayon. Thank you pala sa paghahanap saken kagabi." sincere na sabi ko. "Antonette, I'm sorry." gulat akong napatingin sa kanya. It was the first time na marinig ko sa bibig nya ang salitang "I'm sorry". I was speechless. Di ko alam kung anong sasabihin ko. "Come here." pagpapalapit nya. "Huh? B-bakit?" nagtatakang tanong ko. "Basta lumapit ka saken. May sasabihin ako sayong importante." nagtataka man pero dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Halos mapatid ang hininga ko dahil sa ginawa nya ng makalapit ako. Agad nya kasi akong hinatak para yakapin. "I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng masasakit na salitang nasabi ko. Hindi mo alam na sa tuwing nasasaktan kita mas nasasaktan ako. Kung alam mo lang, sobrang natatakot ako. Natatakot ako na dumating yung araw na tumigil ka ng mahalin ako." ramdam ko ang lungkot sa boses nya. "Amos." pagtawag ko sa pangalan nya. "Wala na akong pake-alam Antonette. Wala na akong pake-alam kung san na mapunta tong nararamdaman ko, wala na akong pake-alam kahit paulit-ulit akong magselos at masaktan, wala na akong pake-alam kung mahalin mo ako o hindi. Basta mamahalin lang kita." mahabang sabi nya habang yakap-yakap pa rin ako. Lahat ng sinabi nya ramdam ko ang sinseridad mula dun. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit traydor ang puso. Traydor ang puso hindi dahil umiibig ito sa taong sinasaktan tayo, traydor ang puso dahil alam nya na kung sino pa ang nananakit saten ay sya ding dahilan ng pag-ngiti natin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD