Trustless 17: BE BETTER

1501 Words
Amos POV Naalimpungatan ako at iminulat ko ang aking mata. Dinama ko ang leeg ko kung mainit pa pero mukha namang hindi na. Maayos na rin ang pakiramdam ko. Babangon sana ako para pumunta ng kusina at uminom ng tubig pero napatigil ako ng hindi ko maiangat ang kamay ko. Dun ko lang napansin na hawak-hawak pala ito ni Antonette habang tulog at nakapatong ang ulo sa kama ko. Hinayaan ko lang na hawakan nya ang kamay ko. Tinitigan ko ang mukha nya at napangiti na lang ako. "Nung una hindi ko napapansin ang ganda mo, pero ngayon ikaw na ang pinaka-maganda sa paningin ko." pagkausap ko sa kanya habang tulog sya. Hinawakan ko ang ulo nya at bahagyang sinuklay ang buhok nya. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ngayon lang nagsi-sink in lahat ng realization saken. Hindi ko akalaing magugustohan ko sya ng ganito kabilis. Talo ako sa pustahan. Talo ako dahil nagkagusto ako sa kanya. Nagulat ako ng bahagya syang gumalaw kaya naman tinanggal ko ang pagkahawak ko sa buhok nya. Maya-maya ay nakatulog sya ulit. Binawi ko ang kamay ko na hawak nya at tumayo sa kama saka binuhat sya para ihiga sa kama. Kinumutan ko sya at saka tinitigan ulit. Susulitin ko na ang mga oras na to dahil hindi ko alam kung kelan to ulit mauulit or kung mauulit pa ba. Natakot ako nung una na aminin sa sarili ko na gusto ko sya. Dahil andami kong iniisip. Tulad ng sasabihin ng ibang tao kapag sya yung nagustohan ko pero ngayon wala na akong pake-alam sa sasabihin nila. Narealize ko kasi na kung dedepende ako at kung palagi akong mag-iisip tungkol sa sasabihin ng iba baka di ako tuloyang maging masaya. "Thank you for being the reason why I always smile." sabi ko habang nakatitig sa kanya. Hinalikan ko muna sya sa noo saka ako lumabas ng kwarto ko at iniwan sya doon na natutulog. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape matapos ay dumiretso ako sa balcony ng rest house namin. Tumingin ako sa orasan ko at 4:30 am na pala ng madaling araw. Ilang oras na lang at magliliwanag na. Napakatahimik ng paligid at ang sarap ng simoy ng hangin tuwing madaling-araw. "Ohh gising ka na pala, kamusta na ang pakiramdam mo?" napatingin ako kay Mang Bert na papaakyat ng balcony. "Ayos na po ako." nakangiting sabi ko. "Mukhang magaling mag-alaga ang nurse mo ahh, gumaling ka kaagad." biro nya. "Oo nga po e. Andun po sya sa kwarto natutulog. Bat po pala ang aga nyo?" "Aayusin ko yung patubig sa likod." "Ahh ganun po ba? Kape ka po muna." alok ko. "Sige, sandali at magti-timpla lang ako sa loob." paalam nya. Tumango lang ako sa kanya at ibinalik ko na ulit ang atensyon sa pagtingin sa mga bituin sa langit. lang minuto lang at nakabalik na rin si Mang Bert na galing sa kusina at may dalang kape. "Bakit parang napakalalim naman ng iniisip mo?" tanong nya. "Iniisip ko po kasi yung sitwasyon. Sa totoo lang Mang Bert nagugulohan ako e." sabi ko sa kanya. "Tungkol saan?" tanong nya matapos sumimsim ng kape. "Parehas kami ni Jharix nanliligaw kay Antonette. Paano kung isuko ko na lang si Antonette sa kanya? Alam ko kasing mas better si Jharix para kay Antonette." kwento ko. "Pano mo naman nasabi yan?" "Kasi ako, lagi kong napapaiyak si Antonette at lagi ko rin syang nasasaktan. Kapag si Jharix naman yung kasama nya lagi syang nakangiti at yun lang ang gusto ko Mang Bert, yung palagi lang masaya at nakangiti si Antonette." Mahabang sabi ko. "Minsan sinasabi natin na mas better yung iba para sa taong gusto natin mas sasaya sya sa iba, pero ang totoo hinihiling naman talaga ng puso natin na sana satin na lang sila masaya." natigilan ako dahil sa sinabi ni Mang Bert dahil tama sya. Hinihiling ko na sana masaya din si Antonette kapag kasama nya ako. "Anong gagawin ko Mang Bert?" nagugulohang tanong ko. "If you think that she deserves better then be better. Gawin mo ang lahat para maging deserve ka nya." tumango ako dahil sa sinabi nya. "Sa totoo lang mahirap talaga kapag first love. First love mo si Antonette diba?" tanong nya kaya tumango ako ulit. "Opo first love ko sya." pag-amin ko. "Dumarating talaga tayo sa ganyang sitwasyon. Minsan magugulat ka na lang na may taong darating sa buhay mo na sobrang mae-enjoy mo kasama at kausap. Yung taong makakasabay kahit anong ugali ang ipakita mo. Yung taong kahit may mabigat kang problema napapasaya at napapangiti ka pa rin. Yan yung sitwasyong nakakatakot. Nakakatakot dahil mag-uumpisa ka na humiling na sana huwag ng mawala." napatahimik ako dahil sa mahabang sinabi ni Mang Bert. Unang beses ako nakaramdam ng takot nung sinabi nya saken noon na mawawala at mapapagod din si Antonette na magustohan ako. Natatakot ako na dumating ang araw na yun. "Hindi naman sa tinatakot kita pero gusto ko lang maging handa ka." payo nya saken. "Ang totoo po hindi ko akalaing magugustohan ko sya kasi hindi naman sya yung tipo ng babaeng magugustohan ko. Dugyot sya at di marunong mag-ayos pero sa huli nahulog pa rin ako." pag-amin ko. "Alam mo Rasper yung maganda, maporma at hindi dugyot andyan lang yan. Pero yung babaeng tulad nya na tanggap ka, blessing yan." nakangiting sabi nya. "Sa tingin mo talaga Mang Bert, dapat kong ituloy yung panliligaw ko sa kanya?" naniniguradong tanong ko. "Take the risk or lose the chance. Its your choice." sabi nya at tinapik ang balikat ko. "Salamat Mang Bert. Ngayon alam ko na kung anong gagawin ko." nakangiting sabi ko. "Mabuti naman, sige lumiliwanag na tatapusin ko na ang pagkakape at nang maayos ko na yung patubig sa likod." sabi ni Mang Bert na ikinatango ko na lang. Its time Amos. Its time to end the bet. Its time to accept defeat. Antonette's POV Napakasarap ng tulog ko dahil bukod sa napakalambot ng kama ay balot na balot ako ng kumot. "Ang sarap naman sa pakiramdam." sabi ko at unti-uting iminulat ang mata ko. Tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng gamot sa side table. "Teka? Asan si Amos? Diba may lagnat yun? ehh bat ako yung nakahiga dito sa kama?!" nagugulohan at gulat na sabi ko. Agad akong bumangon at itinali ng isahan ang buhok ko na hindi ko na sinuklay tapos ay dali-daling inayos ang kama. Matapos yun ay lumabas ako at naka-amoy ako ng adobo. "Mukhang masarap ang niluluto ni Mang Bert." sabi ko sa sarili ko habang hinahanap si Amos pero di ko sya nakita sa sala at balcony. Dumiretso ako sa kusina. "Mang Bert nakita nyo po ba si Amos?" tanong ko. Nagulat ako ng humarap saken ang nagluluto at si Amos pala. "Good morning!" nakangiting sabi nya habang nilalagay ang adobo sa mangkok. "Nagready ako ng breakfast natin. Andyan na din yung sundo natin, maya-maya uuwi na tayo. Two days na tayong absent." sunod-sunod na sabi nya habang nagha-hain. "Teka diba may lagnat ka?! Bat ka kumikilos! Dapat nagpapahinga ka! Bat kasi di moko ginising?!" naga-aalalang sabi ko. "Okay na ako. Galing kasi mag-alaga ng nurse ko e." sabi nya at kumindat pa. Naninibago ako kay Amos ngayon. Siguro dahil di kami nagbabangayan at nagsisigawan na syang nakasanayan ko. "Naghilamos at nagtooth-brush ka na ba?" bigla akong dinatnan ng hiya dahil narealize kong di pa pala ako naghihilamos at nagto-toothbrush. "Oo nga pala. Sorry saglit lang." nagmamadaling sabi ko pero bigla nya akong hinila pabalik at pina-upo diretso sa harap ng mesa. "Okay lang yan. I don't care kung di ka pa naghihilamos o nagto-toothbrush. I don't care about your looks as well. You're the only one I want." sabi nya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato. Hindi ko naiwasang lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi nya at ginagawa nya. "Thank you pero, bat mo ba to ginagawa? Nakakapanibago ka." sabi ko nang maka-upo na sya sa harap ko. "Gusto kong bumawi sayo sa lahat. Gusto kong iparamdam sayo na hindi ako tulad ng Amos na kilala mo. I want to prove to you that I can be better." sincere na sabi nya. Tumango lang ako dahil sa sinabi nya. "Di ka naniniwala? Wag kang mag-alala uunti-untiin kong kunin ang tiwala mo. Kumain ka na. Damihan mo ahh, ayoko ng nagugutom ka." nakangiting sabi nya. Sa tingin ko dapat ko na talagang bigyan ng pagkakataon si Amos na mapatunayan ang sarili nya. Sabi sa nabasa ko sa internet "If he's not changing his ways and attitude for you, you're not the girl he wanna be with" pero ngayon pinipilit ni Amos na baguhin ang nakasanayan ko sa kanya at patunayan ang sarili nya. Panahon na siguro para pagkatiwalaan ko sya at ang nararamdaman nya saken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD