KABANATA VII

1491 Words
Matapos kumain ng tanghalian, bumalik sa kanyang kuwarto si Miguel. Habang isang oras siyang nagpapahinga bago bumalik sa pagiging hardinero, sinamantala nito ang pagkakataon para muling pag-aralan ang blueprint ng kabuuan ng mansyon ng mga Valdez. Aminado si Miguel habang kasalukuyang tinitignan at pinag-aaraalan niya ang blueprint ng nasabing mansyon, sa lawak nito ay wala pa sa limang porsyento ang naikot at napuntahan na niya. Bukod dun, malaking hadlang sa plano niya ang nakakalat na mga cctv sa buong mansyon. 'Kailangan ko na ang tulong ni Brix para sa unang hakbang ng plano.' saad sa isip ni Miguel. At gaya nga ng naisip nito, tinawagan na niya ang kasamahan na eksperto pagdating sa mga electronics at mga computers. "Brix, oras na para mapakinabangan ang utak mo." bungad ni Miguel sa kausap. "Grabe ka naman sir, parang sinabi mo naman na pagdating lang sa bagay na iyan umaandar ang utak ko." "Bakit hindi nga ba? 'Wag ka ng maraming satsat, ngayon na mismo ay pumunta ka na dito sa mansyon ng mga Valdez." "Understood sir." Matapos matawagan si Brix, iniligpit na ni Miguel ang blueprint na hawak, para muling bumalik na ito sa pagiging hardinero. ... Gaya ng utos nito sa kasamahan, alas-tres ng hapon habang abala si Miguel sa pagtatabas parin ng mga damo sa malawak na hardin, nang makita niya ang pumaradang sasakyan sa labas, sa tapat ng mansyon ng mga Valdez. Lihim ang ginawang pagtingin ni Miguel sa nakaparadang sasakyan, na kaagad namang pinagbuksan ng guwardya sa labas. At habang ipinagpapatuloy nito ang trabaho, nakumpirma ni Miguel na ang kasamahang si Brix na nga ang lulan ng dumating na sasakyan at ngayon ay papasok na sa loob ng mansyon ng mga Valdez. 'Galingan mo Brix.' saad sa isip ni Miguel na patuloy parin sa ginagawang pagtatabas ng mga damo. ... Gaya ng inaasahan ay naging matagumpay nga ang pagpasok ni Brix sa mansyon ng mga Valdez, bago pa kasi ang pagpapanggap ni Miguel, ang una na ang palaging nag-iinspeksyon pagdating sa mga computers at cctv's ng mga Valdez. Kaya 'di na nakapagtataka na kaagad ng pinapasok ng guwardya ang kanyang kasamahan. Kaya naman alam na ni Miguel simula mamayang gabi, malaya na siyang makakapag-ikot sa buong mansyon ng mga Valdez. ... Ilang oras sa pag-alis ni Brix, napansin ni Miguel na dumating na rin ang sasakyan na naghahatid-sundo sa herederong amo. At pagbaba ni Timothy sa sasakyan, sinundan niya ito ng tingin, at napangiti na lamang si Miguel sa nakitang tunay ngang tila prinsipe ang buhay na meron ang anak ni Sergio. 'Ang suwerteng heredero, pero sa gagawin ko, mukhang mamalasin siya 'pag nagkataon.' saad ni Miguel sa sarili na 'di inalis ang tingin kay Timothy hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ang huli. ... Matapos makapagbihis ng pambahay ng mga damit at makapagsuot ng contact lens, lumabas na ng kuwarto si Timothy para puntahan ang sariling hardin. Paglabas na sana siya ng mansyon ng marinig nito ang pagtawag ni yaya Myrna. "Senorito, dalhin mo na itong meryenda bago ka pumunta sa hardin mo." "Salamat po nay Myrna, sige po baka magtampo na ang mga tanim ko." "Sige senorito." ngiting saad ni Myrna at masayang pinagmasdan ang mabait niyang alaga na palabas na ng mansyon. ... "Pasensya na kayo at ngayon ko lang kayo nadiligan, iyong bago namin kasing hardinero gusto yata ay lunurin kayo kahapon." kausap ni Timothy sa mga tanim na mga halaman at bulaklak. Sa nakitang paglabas ng herederong amo sa mansyon, na dumiretso kaagad sa sariling hardin, pasimpleng lumapit naman si Miguel sa kinaroroonan ni Timothy. Kaya naman, rinig ng hardinero ang ginagawang pagkausap ni Timothy sa mga halaman, at ng marinig nga ni Miguel na siya ang tinutukoy ng amo, 'di na ito nagdalawang-isip pa na muling asarin ang herederong amo. "Nakakalungkot namang isipin na may sayad pala ang kaisa-isang anak ni sir Sergio." saad ni Miguel na sapat na para marinig siya ni Timothy. "A-anong sabi mo?!" nakakunot-noong tanong ni Timothy sa hardinerong malapit lang sa kanya. "Ah wala sir, kinakausap ko lang itong hose." pagsisinungaling ni Miguel at nakangiti pa itong tumingin, sa lalo pang gumwapong herederong amo na wala ngayong suot na salamin, at alam niyang nagpipigil rin ngayon ng inis. "Huwag mo'kong gawing bingi, kung sa tingin mo ay may sayad ako dahil kinakausap ko ang mga halaman ko, puwes mas may sayad ka dahil kinakausap mo ang hose." sungit na saad ni Timothy at tinalikuran na ang bwisit na lalaki. Sa naging reaksyon ni Timothy ay napangiti na lamang si Miguel, gaya nga ng kanyang inaasahan ay hindi ito nabigo na muling makita ang inis sa mukha ng guwapong herederong amo. "Tama ka senorito na may sayad nga ako, kaya mag-ingat ka dahil madalas na gawin ng may sayad na katulad ko ay nanghahalik na lamang bigla." saad ni Miguel na lumapit pa ng kaunti kay Timothy. "Ah kung ganun hindi ka lang pala may sayad, sigurado na akong manyak ka rin, kunsabagay hindi na ako magtataka dahil sa nakita kong paglalandian ninyo ni Violet." iling na saad ni Timothy na walang kaide-ideya na nasa likod lamang niya si Miguel. "Manyak pala ah, eh paano naman ang malagkit na pagtingin mo sa hubad kong katawan kahapon?" saad at paalala ni Miguel kay Timothy. "Lu-lumayo ka nga! A-anong pinagsasabi mong manyak ka." bulyaw ni Timothy pagkaharap nito, at kahit pa namumula na ang kanyang mukha dulot ng katotohanang sinabi ni Miguel, mabilis nitong naitulak palayo ang hardinero. "Tsk tsk tsk, kunwari ka pang ayaw mo, eh kulang na lang ay maglaway ka sa pagtitig mo sa katawan ko kahapon, pero 'wag kang mag-aalala senorito payag ako kung anuman ang gusto mong gawin sa katawan ko." ngising saad ni Miguel at gamit ang isa nitong braso ay mabilis na hinila palapit ang katawan ni Timothy, para lalo pa nitong makita ng malapitan ang guwapo at maamong mukha ng huli. "A-ano ba bitawan mo akong manyak ka!" inis na utos ni Timothy na sinusubukang makawala sa mahigpit na hawak ni Miguel. "Manyak pala ah, sige papakita ko sa'yo, kung gaano ako kamanyak." natutuwang saad ni Miguel, na hindi nito alam kung anong nagtulak sa kanya sa sandaling iyon. At gumawa ito ng hindi niya lubos maisip na gagawin sa kapwa nito lalaki. Habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak sa kanya ng hardinero, hindi binigyang pansin ni Timothy ang sinabi ni Miguel. At ang sumunod na ginawa ng bastos nilang hardinero ang ikinatigil ng mundo niya. Hindi maipaliwanag ni Miguel ang kakaibang dulot sa kanya ng mga labi ng herederong amo, na ngayon ay kasalukuyan niyang hinahalikan. Wala man itong nakuhang pagtugon sa tila ba natigilang binata, ganunman ay nagpatuloy siya sa pagpupumilit na mapasok at sakupin ang para sa kanya'y malambot, matamis at mukhang hahanap-hanapin niyang mga labi ni Timothy. Tila natuod nga si Timothy sa 'di nito inaasahang gagawing kapangahasan sa kanya ng hardinero. Sa edad niyang disi-otso ay wala pa siyang karanasan sa pakikipaghalikan, ganunman, inaaamin niya na may hatid na kakaiba sa kanyang katawan ang ginagawang pag-angkin sa kanyang mga labi ni Miguel. Ang kapangahasan ni Miguel sa pag-angkin sa mga labi ni Timothy ay nagpatuloy pa, nang maramdaman ng una ang tila ba pagtugon ng huli sa ginawa nitong pagbuka sa kanyang bibig. Hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon si Miguel, na lalo pang naging mariin ang ginagawang paghalik at pag-angkin sa masarap ng mga labi ng herederong amo. At sa sobrang panggigigil nito dulot ng malambot at matamis ng mga labi ni Timothy, nakuha pang kagatin ni Miguel ang mga labing iyon ng among heredero. Ang naramdamang hapdi na dulot ng pagkagat sa kanya ni Miguel sa pagitan ng kanilang halikan, ang nagpabalik sa realidad kay Timothy at kung ano ang kasukuyang ginagawa nila ng hardinero. Kaya naman mabilis nitong naitulak ang dibdib ni Miguel, para tuluyang magkahiwalay ang mga mukha nila. Pagkahiwalay nila sa halikan ni Timothy, kaagad natuon ang paningin ni Miguel sa mukha ng una, lalo na sa mga magang labi na katatapos lang niyang angkinin. At sa nakita ngang namumulang mukha at magang mga labi ng herederong amo, isang ngisi ang pinakawaalan ni Miguel. Nakita naman ni Timothy ang nakangising mukha ni Miguel, at sa isip ng binata, napakalaki niyang tanga at hinayaan nitong mapagsamantalahan siya ng alam niyang bastos na hardinero. At para makabawi ito kahit papaano sa pagkapahiya at pambabastos sa kanya ni Miguel, isang malakas na sampal ang iginawad nito sa nakangising mukha parin ng hardinero. Napahawak naman sa nasaktan pisngi si Miguel, dulot ng inaasahang sampal sa nagawang niyang kapangahasan kay Timothy, ganunman para sa binata ay sulit na sulit iyon, kung ang kapalit naman ay ang matamis na mga labi ng heredero na ilang minuto rin niyang natikman, at ngayon ay pabalik na ng mansyon. 'Patay ako nito, mukhang mas mahihirapan ako sa mga plano ko kay Sergio.' saad sa sarili ni Miguel na ang tingin ay na kay Timothy parin na papasok na sa loob ng mansyon. ... Pagkapasok sa sariling kuwarto, kaagad na napaupo sa kama si Timothy, at kasabay ng paghawak nito sa kanyang mga labi ay bumalik sa kanyang isipan ang nangyaring halikan sa pagitan nila ni Miguel. 'Hindi, kalimutan mo na ang nangyari, wala lang 'yon.' paulit-ulit na tatak sa isipan ni Timothy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD