"Pasensya na senorito, hindi na kita nasamahan dahil napuyat ako kagabi." hinging paumanhin ni Laura, pagkakita nito sa nakabihis ng herederong amo na batid nitong tapos na rin maligo.
"Okay lang 'yon Lau, bakit ka nga pala napuyat?" sagot ni Timothy at tanong pabalik nito kay Laura.
"Ah eh, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi." kabang sagot ni Laura sa amo.
"Ah pareho pala tayo, sa susunod uminom ka ng gatas makakatulong 'yon, ganun kasi ang ginagawa ko kapag 'di ako makatulog."
"Sige senorito tatandaan ko 'yon, oo nga pala, halina kayo sa hapag at kanina pa naihanda ni nanay Myrna ang almusal ninyo." saad ni Laura at sinamahan na ang amo sa hapag.
...
Matapos kumain ay bumalik na sa kuwarto si Timothy para kuhanin ang bag, nang sa ganun ay pumasok na rin ito sa Unibersidad. Paglabas nga niya sa mansyon ay nandoon na si Laura na palagi nitong isinasabay, dahil sa iisang University lang sila nag-aaral, kaagad na rin siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ni Chris, na driver naman na nakatoka para ihatid-sundo siya.
Matapos pagbuksan ni Chris ang amo, mabilis na rin nitong tinungo ang driver seat ng sasakyan. At gaya ng alam niyang maraming nagkakagusto sa binatang amo, ang araw-araw na nakakasama niya sa ilang oras si Timothy habang hatid-sundo niya ito sa school ay napakalaking bagay na para sa binata na may lihim rin na pagtingin sa herederong amo.
Bukod sa guwapong mukhang meron si Timothy, lubos na nagustuhan ni Chris ang napakabuting pusong meron ang una. Nang malaman ng binata kay Sergio na ang kaisa-isang anak ng amo ang kanyang ipagmamaneho, buong akala ni Chris ay matigas ang ulo at pasaway ang herederong bubungad sa kanya, pero kabaligtaran pala ito. Kaya naman sa magdadalawang taon na paninilbihan niya kay Timothy, hindi namalayan ng binatang driver na unti-unti na itong nahuhulog sa amo.
"Kamusta ang gising mo senorito?" tanong ni Chris sa amo pagpasok niya sa sasakyan.
"Ayos lang Chris, 'di gaya nitong katabi ko na napuyat daw, at sa tingin ko ay dahil iyon sa kakachat niya sa nobyo niya." sagot ni Timothy kay Chris at asar naman nito kay Laura.
"Hi-hindi senorito, napuyat talaga ako." maagap na sagot ni Laura sa amo at giit rin nito sa kanyang kasinungalingan.
"Siya naniniwala na ako, pero hindi ba ang tagal na ninyo ng boyfriend mo? Bakit hindi mo man lang ipinakikilala sa'kin?" saad at mga tanong ni Timothy sa katabi.
"Alam mo na ang sagot d'yan senorito, ayokong masabunutan ni nanay." sagot ni Laura.
Habang nag-uusap ang dalawang ihahatid niya sa school, napapailing na lamang si Chris, sapagkat hindi ito makapaniwala sa kanyang nalaman kaninang madaling araw.
...
Pansamantalang iniwanan ni Miguel ang ginagawang pagtatabas ng damo sa malawak na hardin ng mga Valdez, oras na kasi ng tanghalian nilang mga empleyado sa mansyon.
Habang abala sila sa pagkain ng mga kasama, nalaman na ni Miguel ang sagot kung bakit hindi siya nasamahan ni Violet kagabi. At sa nalaman ngang isang linggong mawawala ang babaeng amo, pati na ang pakay niyang si Sergio, mamaya ay hahanap ng pagkakataon ang binata para mapuntahan ang ilang bahagi ng malaking mansyon na hindi pa niya kabisado. Abala siya sa pag-iisip sa bagay na iyon ng mapansin nito na lumapit na naman sa kanya si Andres.
"Wala pala ang putang si Violet pre, 'di bale may bago naman akong puta ngayon." mahinang saad ni Andres kay Miguel at saglit pa itong tumingin kay Vilma.
Sa narinig ay napatunayan ni Miguel na posibleng magawa nga ng manyak na katabi ang balak nito sa herederong amo, kapag hindi niya pinagbutihan ang pagbabantay kay Timothy. At hindi man sigurado, kahit papaano'y may ideya na ang binata sa tinutukoy ni Andres.
"Pare, baka naman malaman ng nanay niya, tiyak malilintikan ka." huli ni Miguel sa kanyang kutob na bagong nilalabasan ng libog ni Andres.
"Pare iyon nga ang mas exciting, tangina! Kung nakita mo lang kung paano ako luhuran ng dalagang iyon kaninang madaling-araw, kahit papaano'y naipalabas ko ang pagnanasa ko kay Timothy." sagot ni Andres.
Sa sagot sa kanya ni Andres, tama nga ang hinala ni Miguel na ang tinutukoy ng una ay ang dalagang anak nila Pekto at Vilma, na kung hindi rin siya nagkakamali ay kasing-edad lang ng herederong amo.
"Basta pare mag-iingat ka, at bilib talaga ako sa'yo." kunwaring payo at uto ni Miguel sa manyak na katabi.
"Hehehe, talagang ganyan pare, basta may mapapasukan, kailangang pasukan, pero pre gusto ko na talagang pasukan ay ang birhen pang herederong amo natin, nalaman ko rin kay Laura kanina na pati sa school maraming may gusto sa baklang iyon, pati na ang kasama natin na si Chris ay patay na patay pala sa kanya." saad at kuwento ni Andres sa mga nalaman nito.
Natigilan naman si Miguel sa nalaman kay Andres, ngayon nadagdagan pa ng isang tao ang kailangan niyang bantayan ang kilos, laban kay Timothy.
"Relax ka lang pre, hindi natin problema si Chris, bago ko ipasa si Timothy sa mokong na iyon, syempre sa'yo muna, pero pagkatapos mo sa kanya, ipaubaya mo na rin sa mokong, eh sa kuwento sa akin ni Laura ay tinamaan talaga ang torpeng iyon sa amo natin." saad muli ni Andres na mali ang pagkakaintindi sa naging reaksyon ng katabi.
"Salamat pre, akala ko ay nakalimutan mo na." ngising sagot ni Miguel.
...
Gaya nga ng inaasahan ni Timothy, excited na ang mga kaklase at kaibigan niya sa mangyayaring party sa mansyon nila sa Sabado. Nalaman rin ng binata na pupunta sa party na iyon ang captain ng basketball team ng University nila.
"Oh friend, pagkakataon mo na 'yon para masolo si papa Eduard." asar ni Kurt sa kaibigang si Timothy.
"Friend, crush ko lang si Eduard at kahit pa may gusto rin siya sa'kin, hindi ko gagawin ang nasa isipan mo ngayon." saad ni Timothy at napailing na lang ito.
"Defensive ka naman masyado friend, atsaka anong masama kung mangyari ang iniisip ko, nasa wastong edad naman kayo pareho." depensa naman ni Kurt.
"Ikaw talaga friend, kilala mo ako, sa taong mahal ko lang gagawin ang bagay na iyon." saad ni Timothy.
"Hay ewan ko sa'yo friend, malabo na nga ang mata ang manhid-manhid mo pa, eh paano ka maiinlove kung bawat lalaking lalapit sa'yo ay hindi mo binibigyan ng pagkakataon?" saad ng naiiling na si Kurt.
"Grabe ka naman friend ganun na ba ako? Eh baka naman masyado mo lang binibigyan ng malisya ang bawat lalaking lalapit sa akin? Gaya na lang nung napulot ni Eduard 'yung panyo ko noon, kaagad mong pinilit na style lang 'yun ng tao para makipagkilala sa akin." depensa ni Timothy sa kaibigan.
"Eh sa totoo naman ah! Ngayong crush mo na siya, ayaw mo parin maniwala na gusto ka naman niya, my God friend! Hindi mo ba napapansin ang lagkit ng tingin niya sa'yo kapag nanood tayo ng game nila." giit ni Kurt at bigay ideya nito sa kausap.
"Sige ipagpalagay na natin na may gusto nga sa akin si Eduard, eh bakit umiiwas siya sa akin?"
"Simple lang friend, dahil alam kong gaya ng pagtanggi mo sa ilan pang nanligaw sa'yo noon, natatakot lang siya na mabasted rin sa'yo." sagot ni Kurt.
"Mali ang sagot mo friend, kung talagang gusto niya ako, hindi siya matatakot na panindigan ang nararamdaman niya. At kung kilala mo talaga ako friend, alam mo na isa sa pagiging matapang ang gusto kong katangian sa isang lalaki."
"Infairness friend may punto ka diyan, pero kung tipo mo ang matapang, bakit hindi mo pa sinasagot si Buboy? Eh matapang iyon, matapang ang amoy dahil pinanliligo niya ang pabango hahaha." sagot ni Kurt at natatawa nitong biro kay Timothy.
"Friend! Ikaw talaga, gusto mo pa yatang makipag-away dun sa tao." nababahalang saad ni Timothy.
"Kayong dalawa, sino naman ang pinagdidiskitahan ninyo." naiiling na saad ni Aries pagkalapit nito sa dalawa.
"Iyang boyfriend mong matalas ang dila, ginawang biro na naman si Buboy." sumbong ni Timothy kay Aries.
"Friend!" saway ni Kurt sa paglaglag sa kanya ng kaibigan, at nakayukong bumaling naman ito sa kanyang boyfriend na si Aries.
"Ikaw talaga Kurt, iyang bibig mo ang magpapahamak sa'yo." iling na saad ni Aries at isang pisil sa pisngi ang iginawad nito sa boyfriend.
"Hehe sorry na beh, atsaka kapag inaway ako ng walking cologne na 'yon, andyan ka naman para ipagtanggol ako' di ba?" saad ni Kurt na mabilis ipinatong ang ulo sa balikat ng kanyang boyfriend.
"Oo naman beh, pero hindi ibig sabihin nun ay palagi ka na lang maghahanap ng away, 'di mo gayahin si Tim na matalino at kasundo pa ang lahat." saad ni Aries.
"Salamat Aries, ewan ko ba sa kaibigan kong 'yan, kaya naman kahit alam kong magwawala iyan sa party sa Mansyon sa Sabado, panatag ako dahil kasama ka niya." baling ni Timothy kay Aries at asar naman nito kay Kurt.
"Hoy friend at ikaw beh, bakit pinagkakaisahan n'yo na naman akong dalawa." sagot ni Kurt sa mga narinig nito sa mga kasama.
...
Naglalakad na papunta sa sasakyan si Timothy habang kasama niya si Kurt, nang mapahinto sila dulot ng narinig nila.
"Tim!"
Paglingon nga nilang dalawa ng kaibigan, ang pagod at hinihingal na si Eduard ang bumungad sa kanila.
'Friend ang yummy talaga ni papa Eduard.' bulong ni Kurt sa kaibigan.
"Bakit mo'ko tinawag Eduard?" takang tanong ni Timothy sa lalaki.
"Uhm narinig ko kasi sa kaibigan ko na may party raw sa inyo sa Sabado, gusto ko lang malaman kung totoo 'yon." sagot ni Eduard na napakamot na lang sa batok, dahil sa hiya sa tuwing lalapit ito kay Timothy na lihim rin nitong gusto.
"Ah oo may party nga sa mansyon sa Sabado, nga pala congrats sa laro ninyo kanina." sagot ni Timothy at ngiting bati nito sa kausap.
"Salamat Tim, nanood ka pala." ngiting saad ni Eduard.
"Oo naman papa Eduard, palaging pinapanood ni Tim ang mga laro ninyo kasi-." singit ni Kurt sa usapan.
"Ah oo nanood nga kami ni Kurt, pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko at may pagkamadaldal." saad ni Timothy na mabilis ring natakpan ang bibig ni Kurt, bago pa nito maituloy ang hindi dapat marinig ni Eduard.
"Okay lang, sige salamat sa panonood sa laro namin, aasahan ko rin na panoorin mo ang laban namin sa Biyernes." ngiting saad ni Eduard.
"Oo naman, galingan mo sa laro ninyo sa Biyernes." maagap na nakangiting sagot ni Timothy.
"Sigurado 'yon, lalo na at alam kong manonood ka sa araw na 'yon, sige mauna na ako." ngiting sagot ni Eduard at nagpaalam na ito.
Pigil naman ni Timothy ang kiligin dulot ng sinabing iyon ni Eduard, kaya naman natanggal na rin nito ang kamay na nakatakip sa kaibigan.
"Ihh friend aminin mo kung ako kinilig, mas kinilig ka sa banat na iyon ni papa Eduard. Tsaka friend, siguro naman alam mo na ngayon na gusto ka rin ng tao, my God ang swerte mo kapag nagkatuluyan kayo."
"Oo na aaminin ko ng kinilig ako, pero friend pigilan mo naman ang bibig mo at nakakahiya dun sa tao." amin ni Timothy sa naramdaman at pakiusap rin nito sa kaibigan.
"Hehehe sorry na friend, so ngayong inamin mo ng kinilig ka kay papa Eduard, may pag-asa ba siya kung sakali?" hinging paumanhin ni Kurt at excited nitong tanong sa kaibigan.
"Tignan na lang natin kapag nanligaw na siya, o sige na nandyan na ang sundo ko at tigilan mo na ang pagtawag ng papa kay Eduard, baka magselos si Aries."
"Sus baka ayaw mo lang tawagin ko siyang papa, kasi gusto mong ikaw lang ang tumawag sa kanya, 'wag ako friend." asar ni Kurt sa kaibigan.
"Ewan ko sa'yo friend, sige na aalis na kami." naiiling na sagot ni Timothy at matapos siyang pagbuksan ng driver ay pumasok na ito ng sasakyan.
Nakaramdam naman ng lungkot at selos si Chris sa mga nasaksihan at mga narinig nito sa amo. Ganunman, pinili nitong iwaksi ang damdaming iyon, ano nga ba naman ang laban niya sa lalaking batid nitong mukhang nagugustuhan na ng herederong amo.
Halata naman ni Laura ang nararamdaman ni Chris. At kahit papaano'y nalulungkot rin ito para sa itinuring na niyang kuya, na kapwa tagapaglingkod nito sa pamilya Valdez.