Sa ikalawang araw ni Miguel sa trabaho sa mansyon ng mga Valdes ay maaga itong bumangon. Matapos maligo ay bumaba ito ng kusina para magtimpla ng kape. Ilang minuto habang nagkakape siya sa kusina, halos magkakasunod na nagising na rin ang tatlong babaeng kasambahay sa mansyon.
"Magandang umaga po." bati ni Miguel sa mga kasambahay.
"Magandang umaga rin hijo." bati pabalik ni Myrna sa hardinero.
"Magandang umaga papa Miguel." kinikilig na bati naman ni Sonya sa hardinerong unang kita palang niya kahapon ay pinangarap na nitong maging nobyo.
"Naku Sonya ang aga-aga kalandian ang inaatupag mo, mabuti pa ay tulungan mo na ako sa paghahanda ng almusal ni senorito." saway ni Vilma sa dalagang kapwa kasambahay.
"Ate Vilma naman, anong masama kung makipaglandian ako kay papa Miguel, hindi ba papa Miguel wala ka pa namang nobya?" maagap na katwiran ni Sonya kay Vilma at muli ay bumaling ito sa guwapo at makisig na hardinero.
"Hehe wala pa Sonya, ikaw, baka naman may nobyo ka na pala at magalit kapag nakitang nag-uusap tayo." sagot ni Miguel sa babaeng kasambahay.
"Ihh wala pa papa Miguel, siguro ikaw na ang hinihintay kong Mr Right at ikaw na ang maglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake ko hihihi." maagap na sagot ng kilig na kilig na si Sonya.
"Hahaha nakakatuwa ka naman Sonya, sige maiwan muna kita at sisimulan ko na ang trabaho sa hardin, ate Vilma, nay Myrna." natatawang saad ni Miguel at paalam nito sa tatlong kasambahay.
"Sige mabuti pa nga hijo at baka tuluyan ng masiraan ng bait sa iyo si Sonya." sagot ni Myrna sa hardinero at biro pa nito sa kerengkeng na kasama nila sa kusina.
"Ang galang na bata, hindi ba ate." komento ni Vilma sa kaaalis lang na si Miguel.
"Tama ka Vilma." sang-ayon ni Myrna.
"Hindi lang iyon ate, nay Myrna, guwapo na at macho pa, kaya naman ang swerte ko kapag nagkatuluyan kami ni papa Miguel." nangangarap na saad ni Sonya.
"Oo maswerte ka talaga, pero tulungan mo na ako at malas ang dadapo sa'yo kapag hindi ka pa lumapit dito." naiiling na saad ni Vilma.
"Si ate Vilma naman napaka-kj, malay mo naman magustuhan ako ni papa Miguel, maganda naman ako, seksi, kaya may pag-asang maging kami balang-araw." nangangarap na saad ni Sonya.
"Ikaw talagang babae ka, samahan mo na si Vilma, para pagkatapos ninyo ay samahan mo akong mamalengke mamaya." saad ni Myrna.
"Opo nay Myrna." mabilis na sagot ni Sonya, bago pa ito muling makatanggap ng kurot sa nanay-nanayan nila dito sa mansyon.
...
Paggising ni Timothy ngayong umaga ay masigla siyang bumangon, kaya matapos maisuot ang kanyang salamin, kaagad nitong naisip na bagamat inatake siya ng insomnia kagabi, nakatulong ang pag-inom niya muli ng gatas para dalawin siya ng antok. Matapos maghilamos ay muli nitong isinuot ang kanyang salamin at ng makita sa orasan na alas-siete palang ng umaga, mabilis itong naghubad ng mga damit tsaka kaagad rin naghanap ng swimming trunks na isusuot, dahil naisipan nitong magswimming sa kanilang pool at mamaya pa naman alas-diyes ang pagpasok niya sa unibersidad.
Matapos makapagsuot ng itim na swimming trunks, kaagad rin itong kumuha na isang goggles na inerokemenda sa kanya ng kanyang ophthalmologist. Kaagad na ring lumabas sa kanyang kuwarto si Timothy at excited na muling lumangoy na isa sa paborito nitong gawin.
"Oh dahan-dahan senorito, ayaw mo bang kumain na muna?" nakangiting bungad ni Myrna, sa alagang batid nito ay nagmamadali ng makalangoy.
"Mamaya na nay, pakisabi na lang po kay Laura kapag nagising na siya na samahan niya ako sa pool, para may kasama po ako sa paglangoy." sagot ni Timothy sa matanda at habilin rin nito, at bago ito tuluyang pumunta ng pool ay isang halik sa pisngi ang iginawad nito sa itinuring na niyang nanay.
"Sige senorito, hayaan mo ay ipagigising ko na siya kay Vilma." medyo malakas na sagot ni Myrna para marinig siya ng lumabas ng alaga.
"Salamat po!" sigaw pabalik ni Timothy na narinig ang sagot ng matanda.
...
Sa paglabas ni Timothy na nakagayak para magswimming, nakita iyon ni Andres na kagigising palang, kaya naman mabilis rin nitong sinundan ang una, para muling masilayan nito ang pinagnanasahan niyang katawan ng herederong amo.
...
Habang abala sa pagdidilig sa malawak na hardin si Miguel, ilang metro lang ang layo niya sa pinto kung saan lumabas si Timothy. Kaya naman hindi nakaligtas sa kanya ang paglabas ng huli na nakasuot lang ng swimming trunks. At sa nakita nga ni Miguel, hindi nito namalayan na sinundan niya ng tingin ang papunta ngayon sa pool na si Timothy. Sa naramdamang tubig na bumasa sa kanyang katawan, dulot ng hose na ngayon ay nakatuon na sa kanya, tsaka pa lamang natauhan ang binata sa ginawang pagtitig sa maputi at makinis na katawan ng herederong amo.
'Anak ng! Pati yata ako ay natulad na kay Andres.' saad sa isip ni Miguel at pagtingin nga nito sa kanyang harapan ay halata ang pagkabukol ng kanyang alaga.
'Tama nga si Andres, kahit lalaki ay maaakit kung ganung klase ng tanawin ang bubungad sa'yo.' saad pa ni Miguel at muli ay napatingin, sa nasa swimming pool ng si Timothy.
...
Habang patuloy sa masayang paglangoy si Timothy, natigilan ito ng mapansin ang presensya ng driver na si Andres.
"Sige lang sir, ipagpatuloy mo lang ang paglangoy, wala kasi si ma'am kaya naisipan kong maglinis na lang ng pool pagkatapos ninyo." paliwanag ni Andres sa amo, bago pa ito makahalata sa tunay na pakay niya.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon kuya Andres, sa pagkakaalam ko ay kasali sa trabaho ni kuya Miguel ang paglinis rin dito sa pool sa garden." saad ni Timothy na minabuti ng umahon sa pool.
"Ayos lang sa akin sir, para na rin may ginagawa ako, heto ang tuwalya ninyo." sagot ni Andres at ng makita ang pag-ahon ni Timothy, hindi na ito nag-aksaya ng pagkakataon at mabilis na iniabot rin ang tuwalya ng herederong amo.
"Salamat kuya Andres, sige na, maaari mo ng linisan ang pool." saad ni Timothy matapos abutin sa kaharap ang tuwalya, na wala paring kaalam-alam sa ginagawang pagtitig at pagnanasa sa kanya ni Andres.
Ibayong pagpipigil ang ginagawa sa mga sandaling iyon ni Andres, sa isip nito, tunay ngang ang sarap sigurong mahalikan ang maputi at makinis na katawan na ngayon ay malapitan niyang natatanaw. Kaya naman hanggang sa tumalikod si Timothy ay nanatili lang na sinundan ng tingin ito ng naglalaway na si Andres, na lalo pang tinigasan sa nakitang matambok na puwet ng binatang amo.
'Sisiguraduhin kong magpapakasasa ako sa'yo, kapag nakakuha ako ng tiyempo.' saad sa sarili ng libog na libog na si Andres.
...
Habang patuloy sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin, panaka-naka rin binabantayan ni Miguel ang magkasama sa pool na sina Timothy at Andres. Batid man ng hardinero na hindi gagawa ng maling hakbang si Andres, laban sa herederong amo sa lantarang lugar, pinili nito ang hindi alisin ang paningin sa dalawa.
Sa nakita ni Miguel na pagbalik sa loob ng mansyon ni Timothy, doon palang napanatag ang binata. Ilang minuto matapos nun, sunod na nakita nito ang papalapit na presensya ni Andres papunta sa kanya.
"Ano, tama ako hindi ba? Tangina pre, para kang natuod kanina sa pagsunod mo ng tingin sa katawan ni Timothy, pero sorry ka na lang pre, gaya ng napuntang atensyon sa'yo ng pinagsawaan ko ng si Violet, matapos kong magpakasasa sa masarap na katawan ng baklang iyon, doon palang maaari mong magawa ang mga gusto mo rin sa kanya hehe." saad ng natatawang si Andres.
Inaamin ni Miguel na tama ang sinabi ng kaharap, kanina ay may kakaibang epekto rin sa kanya ang nakita niyang hubad na makinis at maputing katawan ni Timothy, patunay dun ang pagbukol ng malaki niyang alaga sa suot na pantalon. Ganunman isinawalang bahala nito ang bagay na iyon, hindi maaaring siya ang matukso sa anak ni Sergio, bagkus dapat si Timothy ang mahulog sa kanyang pain, at ang balak nito sa herederong amo ay sapat ng dahilan para mapigilan naman ang masamang balak ni Andres.
"Tama ka pre na nakakalibog nga ang bakla nating amo, payag rin ako kahit tira-tira lang ang mapunta sa akin. Siguro naman kapag ako ng kakantot sa putang iyon, masikip parin hindi ba hehe." pagtatapat ni Miguel at sakay nito sa kayabangan at kahalayan ng kausap.
"Mabuti naman at nagkakaintidihan tayo pre, pero susubukan kong hindi mapaluwag ng husto ng malaking kargada ko ang butas ng baklang iyon, para naman mag-enjoy ka parin kapag ikaw naman ang kumantot sa putang iyon. Tangina! Kung alam mo lang ang pagpipigil ko kanina, nasa harapan ko na pero hindi ko pa masunggaban, pero alam ko na malapit ng mangyari iyon, at sisiguraduhin kong nanamnamin ko ang bawat minutong nagpapakasasa ako sa masarap na katawan ng putang baklang iyon." saad at muling pagyayabang ni Andres.
"Hindi naman kita masisisi pre, sige goodluck sa pag-angkin mo sa baklang iyon." sakay muli ni Miguel sa kabastusan ng kasama.
"Salamat pare, sabi ko na at magkakasundo tayo, sige maiwan na kita, at hahanap muna ako ng pansamantalang paglalabasan ko nitong t***d ko." saad at paalam ni Andres kay Miguel.
"Tarantado, ang libog mo ang magpapahamak sa'yo." saad ni Miguel habang nakatingin sa papalayong si Andres.