Alas-nuebe ng gabi ng isa-isa ng magsidatingan ang mga bisita sa mansyon, para sa party na inihanda ng heredero.
Kaya naman, naging abala ang binata sa pagkikipag-usap sa mga bisita na halos mga schoolmates rin nito.
"Wow Tim! Gaya nga ng post ni Kurt sa IG, itong party mo ngayong gabi ang pinaka-Lit so far sa mga napuntahan ko na." komento ni Dianne na kaagad ring bumeso sa heredero.
"Thanks Dianne, like all the others, please enjoy the party." ngiting sagot ni Timothy sa babae, na batid nitong isa sa kaibigan ni Audrey.
"I will for sure." sagot ng babae at matapos magpaalam kay Timothy, mabilis ng nakihalibulo ito sa mga bisitang nauna nang nasa mansyon at nag-eenjoy na sa party.
"Hindi ba tama ako friend, narinig mo na mismo sa kaibigan ni Audrey na bongga talaga ang party mo ngayong gabi." muling giit ni Kurt na mas maganda ang party ngayong gabi ng matalik na kaibigan.
"Oo na friend, pero hindi naman ako nakikipagpaligsahan kahit na kanino kaya nagpa-party tayo, gusto ko lang talagang mapagbigyan ang matagal ng kagustuhan ng mga schoolmate natin at syempre para maranasan ko rin ang isang party na halos mga kaedaran ko ang mga makakasama ko." sang-ayon ni Timothy sa kaibigan at paliwanag nito sa totoong dahilan ng party na kasalukuyang idinadaos ngayon sa kanilang mansyon.
"Alam ko naman 'yun friend, kaya nga lahat ay kasundo ka ng mga schoolmates natin, dahil kahit na alam nilang ikaw ang pinakamayamang estudyante sa Uni, kilala ka rin ng lahat na hindi mo ipinagyayabang ang estado mo, bukod dun ay pantay ang pagtingin mo sa lahat ng mga estudyante, kaya nga ang daming dumalo ngayong gabi, at ang suwerte ko na naging kaibigan kita." maagap na sagot Kurt at muling tukoy nito sa mabuting ugali ng kaibigan.
"Salamat friend at suwerte din ako na ikaw ang bestfriend ko." ngiting sagot ni Timothy at niyakap nito ang kaibigan.
"Ang cute ninyo talagang mag-bestfriend, pero kailangan ko ng hiramin sayo Tim ang bhe ko." putol ng kararating lang na si Aries sa yakapan ng magkaibigan.
"Friend, kasabay ni bhe si papa Eduard, OMG friend ang guwapo niya lalo ngayon." nagpipigil sa kilig na bulong ni Kurt sa kaibigan, bago ito tuluyang humiwalay sa yakapan nila ni Timothy.
"Hi." ngiting bati ni Eduard kay Timothy ng magkaharap sila ng huli.
Inaamin ni Timothy na tama ang narinig nitong bulong sa kanya ng kaibigan, 'di maipagkakaila na kaiba sa unipormeng palaging suot ni Eduard kapareho ng lahat ng mga estudyante sa Uni, o kaya naman kapag nakasuot ng basketball jersey ang lalaking nasa harap niya, para sa heredero ay lalong lumabas ang angking kaguwapuhan at kakisigan ni Eduard na nakasuot ngayon ng itim na long-sleeved polo na nakabukas lahat ng butones at ipinatong sa suot rin nitong puting t-shirt.
"Hi din, I'm glad na nakapunta ka at sana kagaya nila ay ma-enjoy mo rin ang party ngayong gabi." bati pabalik ni Timothy at kahit pa naiilang, ipinagpasalamat nito na nakaya niyang hindi mautal habang kausap ang guwapong kaharap.
"Masaya rin akong nandito ngayon at I'm sure na mag-eenjoy ako Tim, so perhaps okay lang kung samahan mo ako." ngiti at 'di na nagpaligoy-ligoy pang saad ni Eduard.
"Sure Eduard, halika at samahan na natin ang iba." ngiting sagot ni Timothy na kahit papaano'y kaagad na napalagay sa piling ng guwapong binata.
Sabay ngang nagpunta ang dalawa sa mga kasalukuyan ng abalang nag-eenjoy na sa pag-inom, pagtikim ng iba't ibang pagkain at pulutan at syempre ang pag-sabay sa pag-indak at pagsayaw sa musikang pinapatugtog ng kilala at magaling na DJ.
"I must say na sa lahat ng party na napuntahan ko na, pinakamarami sa tingin ko ang nandirito ngayon sa mansyon ninyo." komento ni Eduard sa pagitan ng usapan nila ni Timothy.
"Sorry ano 'yon? Hindi ko kasi masyadong narinig! " medyo malakas na saad ni Timothy.
Naintindihan naman kaagad ni Eduard iyon, malapit na kasi sa kinatatayuan nila ang mga abalang sumasayaw sa maingay at upbeat na musikang pinapatugtog naman ng DJ.
"Ang sabi ko ang dami ng mga bisita mo sa party." saad ni Eduard at pinili nitong sabihin iyon sa tenga ni Timothy.
Natigilan naman si Timothy sa ginawang iyon ni Eduard, pero kaagad rin itong makabawi at naging malinaw na sa binata ang ibig tukuyin ng kausap.
"Oo nga, masaya ako at marami ang nakapunta at sa tingin ko ay nagustuhan naman nila ang party." sagot ni Timothy at gaya ng kausap, pinili ng binata na sa tenga rin ni Eduard sabihin ang mga iyon para maintindihan siya nito.
"Gaya nila, nagsisimula na rin akong mag-enjoy sa party mo, at hindi lang 'yon, sobrang nagustuhan ko ang cupcake mo." saad pabalik ni Eduard sa tenga ni Timothy.
Sa narinig ay pinamulahan ng mukha si Timothy, alam man nitong ang cupcake na binake niya ang tinutukoy ni Eduard, pakiwari ng heredero ay may ibang ibig pang sabihin ang guwapong binatang kaharap. Pansin rin ni Timothy na lalo pang gumwapo si Eduard kapag nakangiti ang binata.
Kita ni Eduard ang pamumula ng mukha ni Timothy, at masaya ang binata na kahit pa may ilangan sila ng kasama kanina, batid nitong nagkapalagayan na sila ngayon ng loob kahit papaano.
"Salamat kung ganun, paano maiwan na muna kita at i-enjoy mo lang ang party." saad ni Timothy na pinili na munang samahan ang iba, bago pa ito tuluyang maging kahiya-hiya kay Eduard.
Nabahala naman si Eduard sa narinig, kaya naman mabilis nitong nahuli ang isang kamay ni Timothy, bago pa tuluyang iwasan siya ng huli.
"Tim, sorry kung iba ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko, but I really mean it na masarap ang gawa mong cupcake, at masaya naman ako na kasama kita ngayong gabi, please stay with me." sinserong hingi ng tawad at saad ni Eduard, habang kasalukuyan parin nitong hawak ang kamay ni Timothy. Minabuti rin ng binata na bahagyang lumayo sa maingay na parte ng party, para makapag-usap sila ng maayos.
Inaaamin ni Timothy na gaya ng lalaking hawak ang isa niyang kamay ngayon, masaya rin ito na kasama niya ang binata. At sa narinig nitong pakiusap ni Eduard na manatili ito para samahan siya, pinili ng herederong binata na pagbigyan ang pakiusap sa kanya ng lalaki, na pareho rin ng kagustuhan niya sa mga sandaling iyon.
"Salamat ulit, at dahil nagustuhan mo ang mga binake ko, sige pumapayag na akong samahan kita." ngiting sagot ni Timothy na pinili ang magbiro, para gumaan kahit papaano ang naging seryosong usapan nila ni Eduard.
Napangiti naman si Eduard sa sandaling iyon, at lubos itong nagpapasalamat na nanatiling sinamahan siya si Timothy.
"Hindi lang gusto, sobrang gusto ko ang mga cupcakes na gawa mo, kaya kung kapalit nun ang makasama kita hanggang matapos ang party, minu-minuto kong uulitin na sabihin na sobrang nagustuhan ko ang mga binake mo." saad ni Eduard at mabilis nitong hirit kay Timothy.
"Hahaha ikaw talaga Eduard, 'di na ako nagtataka na marami ang naging nobya mo, dahil sa galing mong mambola." natatawa at naiiling na saad ni Timothy.
Tila nahawa naman si Eduard na may ngiti sa mukha ngayon, dahil sa narinig at nasaksihan nitong tawa ni Timothy.
"Saan mo naman narinig ang sabi-sabing iyon Tim? Wala pa kaya akong naging nobya." tanggi ni Eduard sa narinig nito sa kausap.
"Ako pa ang lolokohin mo? Sabi kaya ng mga kaklase ko babaero ka at naniniwala ako sa kanila, lalo na at alam kong ang mga guwapong kagaya mo, kadalasan ganun." saad at 'di na napigil na bulalas ni Timothy.
Kung ibang tao lang ang magsasabi na babaero siya, baka nagalit na si Eduard, pero ganoon man ang tingin ni Timothy sa kanya, masaya naman ang binata sa narinig nitong papuri galing sa kausap.
"Ibig sabihin guwapo rin ako sa paningin mo?" ngiting tanong ni Eduard sa kausap.
Sa narinig ay tsaka pa lamang napagtanto ni Timothy ang nasabi nito kanina, kaya naman sa hiya ay kaagad itong umiwas ng tingin sa kaharap.
"Oo Eduard, inaamin ko na guwapo ka nga, pero kung babaero ka naman, hindi ko rin magugustuhan ang kagaya mo." amin ni Timothy at pinili nitong tumingin sa mukha ng kausap pagkatapos.
Sa pagtatama ng mga mata nila ni Timothy. Pansin ni Eduard na tila ba napalitan ng lungkot ang sayang nakita nito kanina sa mga mata na una, at para sa binata ay hindi nito nagustuhan ang makitang ganoon ang para sa kanya'y guwapong prinsipe.
"Hindi man ako sigurado, ayaw kong makita na nalulungkot ka, dahil kung ako ang masusunod, mas gugustuhin kong makita na palagi kang masaya." sinsero at seryosong saad ni Eduard, kasunod nun ay hinawakan ng binata ang kaliwang pisngi ni Timothy.
Hindi alam ni Timothy kung bakit ang pagbibiro niya kay Eduard ay bigla na lamang napalitan, nang sumagi sa isipan nito ang tungkol sa nalamang may nobya na si Miguel, matapos na mahagip ng kanyang mga mata ang kanilang hardinero na kasalukuyang kausap at pinalilibutan ng mga babaeng nandirito ngayon sa party, na naging dahilan nga ng mga salitang binitawan nito sa kausap, na ang totoo'y para dapat sa hardinero. At sa naramdaman ngang pagdampi ng kamay ni Eduard, napapikit na lamang ang binata.
"Tahan na Tim." mabilis na naikulong ni Eduard sa kanyang bisig si Timothy, matapos nitong makita ang luhang naglandas sa maamong mukha ng binata ng pumikit ito. At nagpatuloy sa pagpapatahan si Eduard, kahit pa wala itong kaide-ideya, kung bakit bigla na lamang nalungkot ang gumanti na rin ng yakap na si Timothy sa mga sandaling iyon.
Sa puwesto ni Enrique, pigil nito ang sarili na tiim bagang na ngayon, para ihiwalay ang herederong amo sa lalaking kayakap nito. Magmula pa kasi kanina ng makita ng barakong pulis na magkasama ang dalawa, tila ba parang Lawin ang mga mata nito na hindi na inalis ang paningin sa mga ito.
At ayaw ng maghintay pa ng barakong pulis na tuluyang sumabog ito sa selos. At hindi rin nito hahayaan na higit pa sa pagyayakapan ang mangyayari sa dalawa. Kaya naman tuluyan ng nakalimutan ng barakong pulis ang tungkol sa kanyang misyon, na tuluyan na ring nahulog sa herederong anak ng lider ng Mafia na tunay na pakay niya sa mansyon ng mga Valdez.
Sa isang iglap lang, napaghiwalay ni Captain Enrique Valiente ang yakapan nila Timothy at Eduard, at ngayon, hawak nito sa likuran ang heredero at siya na ang kayakap nito.