KABANATA XVII

1569 Words
Araw ng Sabado at mamayang gabi na ang party na idadaos sa mansyon nila Timothy, na mismong pinangunahan at ideya ng heredero, matapos nitong mapapayag ang bilyonaryong ama tungkol sa bagay na iyon. Kaya naman kasama ang binata sa abala sa paghahanda sa magaganap na party maya-maya. "Excited na ako senorito para sa party mo mamaya, first time kong makakaranas ng bonggang party." maligalig na saad ni Laura na katabi ang herederong amo at kasamang abala sa pagbe-bake ng mga cupcakes na hinaluan ng kaunting alak. "Ako rin Lau, alam mo naman si dad, kapag nagpapaalam akong dumalo sa mga party ng mga schoolmates natin, palaging hindi ang sagot niya." sagot ni Timothy na kasalukuyan ng inilalagay sa malaking oven ang mga cupcakes. "Oo nga senorito, pero hindi mo naman masisi si sir Sergio at nag-aalala lang siya para sa'yo." "Tama ka naman Lau at alam ko rin naman iyon, pero minsan hindi ko maiwasan na mainggit sa'yo na bagamat simple lang ang buhay na meron ka, kahit papaano ay malaya kang nakakapaggala kahit kailan mo gusto." saad ni Timothy. "Hay senorito kung naiinggit ka sa akin, mas naiinggit naman ako sa'yo, sikat ka sa school, maraming nagkakagusto sa'yo, guwapo ka na mayaman pa, o diba sabi nga ni Daniel Padilla, ne seye ne eng lehet hahaha." sagot naman ni Laura at biro nito sa herederong amo na itinuring siyang kaibigan. "Puro ka talaga kalokohan Lau, mabuti pa ay ihanda mo na ang susuotin mo para mamaya sa party, hindi ba binigyan kita ng pambili para dun?" naiiling na saad ni Timothy at pag-iiba nito sa usapan nila ng kaibigan. "Oo senorito, mamaya makikita mo ang ganda ko kapag suot ko na ang nabili kong damit, kaya salamat talaga at napakabuti mo sa akin." sagot ni Laura na pigil ang sariling maiyak. "Walang anuman Lau, syempre kaibigan kita at deserve mo iyon dahil mabuti ka ring kaibigan, kaya tama na ang iyak at sige ka papangit ka niyan." "Ikaw kasi senorito, sigurado ka bang hindi mo na kailangan ang tulong ko?" saad ng tumahan ng dalaga. "Oo, tapos na rin ito ilang minuto mula ngayon. At parating na rin niyan si Kurt, kaya bumalik ka na sa kuwarto mo at sigurado akong aasarin ka na naman nun." "Hay dahil sa sinabi mo senorito, talagang babalik na ako sa kuwarto at ayokong masira ang araw ko ng kaibigan mong matalas ang dila." sagot ni Laura. "Hahaha pareho kasi kayo ng ugali, ewan ko ba sa inyong dalawa, dapat ay magkasundo kayo pero palagi kayong nag-aasaran kapag magkasama kayo." "Speaking of the gay Devil papasok na siya ng mansyon, sige na senorito maiwan na kita." paalam ni Laura sa amo at mabilis na itong bumalik sa sariling kuwarto. ... "Ay Friend ang bango ng naaamoy ko, don't tell me nagpakitang gilas ka naman sa pagbe-bake." bungad ni Kurt ng makalapit ito sa kinaroroonan ng kaibigan. "Ikaw talaga friend, syempre kailangan kong mag-offer ng kakaiba sa party ko, alam mo naman marami sa mga dadalo mamaya, ikukumpara ito sa mga party na nauna na nilang napuntahan." depensang sagot ni Timothy. "Ay bet ko ang sagot mong 'yan friend, atsaka sigurado ako, kung pabonggahan lang ng party ang pag-uusapan, 'di hamak na walang tatalo sa party mo mamaya, eh kumpara sa yamang meron ka, sunod sa babaitang si Audrey na peke ang dalawang boobs na sigurado akong bida-bidahan na naman mamaya, dun palang alam na ng lahat na ang layo ng party niya last weekend, kumpara sa gaganapin mamayang gabi." mahabang saad ni Kurt na animo'y gigil na gigil. "Sira ka talaga friend, pati hinaharap nung babae isinama mo pa talaga." naiiling at pigil sa sarili ni Timothy na matawa sa mga narinig nito sa matalik na kaibigan. "Naku friend, kilala mo ako, kapag sinabi kong fake ang boobs nung babaitang iyon one hundred percent na totoo iyon, tama na nga ang usapin tungkol dun, mas interesado ako sa kung anong mabangong naaamoy kong nasa loob ng oven mo." "Mamaya makikita mo rin ang mga 'yon at dahil best friend kita, ikaw ang huhusga kung pasado para mamayang party ang mga binake ko." sagot ni Timothy sa kaibigan. ... Matapos madiligan ang mga halaman at walang ng gagawin pa si Enrique, sapagkat natapos na ito kahapon sa pagtabas ng mga damo sa malawak na hardin ng mga Valdes, sunod na tumulong ang pulis undercover sa pagbubuhat ng mga mesa at upuan palabas sa hardin, na mismong venue mamaya sa gaganaping party. "Salamat kuya Miguel sa pagtulong sa pagbubuhat ng mga ito." saad ni Timothy ng makita ang kanilang hardinero, na isa sa abala sa pagbubuhat ng mga kagamitan. "Wala 'yon senorito, gaya ni Chris ay nandito lang ako kapag kailangan ninyo ng tulong." ngiting sagot ni Enrique na pawisan na dulot ng kanina pa ito tumutulong sa pagbubuhat, kaya naman gamit ang laylayan ng suot na damit ay mabilis nitong pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Sa ginawang iyon ni Enrique, tumambad tuloy kay Timothy ang pawisan at magandang katawan ng barakong pulis na nagpapanggap bilang hardinero. At sa nasaksihan nga ay napalunok na lamang ng laway ang heredero. "Okay ka lang senorito?" tanong ni Enrique sa tila natigilang heredero. "Ah o-okay lang ako kuya Miguel, sige babalik na muna ako sa loob." utal na sagot ni Timothy na kaagad ring nahiya sa sandaling iyon. Nagtataka namang pinagmasdan ni Enrique ang pabalik sa mansyon na heredero. At nang tuluyang makapasok sa loob si Timothy, muli'y ipinagpatuloy ng binata ang ginagawang pagbubuhat. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may nakakitang iba sa pangyayaring iyon. At sa isip ng binata, mukhang ang lihim na iniibig nitong heredero ay nagkakagusto na sa kasamahan nitong trabahador sa mansyon. ... Matapos ang hiyang naramdaman ni Timothy nang matigilan ito sa pagtitig sa katawan ng kanilang hardinero, pinili ng binata na samahan ang mga kasambahay sa kusina, na abala naman sa mga iba't-ibang pagkain na ihahanda para sa party. "Tapos ka na ba sa mga bi-nake mo senorito?" ngiting tanong ni Myrna ng mapansin ang presensya ng alaga. "Opo nay, iniwanan ko muna dun si Kurt, para tignan naman sandali kung maayos na ang mga kagamitan sa hardin, at dahil malapit na po silang matapos sa pagbubuhat, naisipan ko pong tignan ang mga niluluto ninyong masasarap dito sa kusina." sagot at kuwento ni Timothy, sabay bola na rin nito sa nanay-nanayan. "Napakabolero mo talaga senorito, mana ka talaga sa daddy mo, oh siya mabuti pa ay tikman mo na ang ilan sa mga natapos na naming lutuin ni Vilma." naiiling ngunit masayang saad ng matandang kasambahay. "Hindi 'yon bola nay, kaya nga tumataba ako dahil sa sarap ng luto ninyo nila tita Vilma." depensa ng heredero at giit nitong nagsasabi ito ng totoo. "Ay senorito tumpak ka diyan, ang sasarap ng luto nila ate at nanay, pero mali ka sa sinabi mong tumataba ka, Diyos ko kung mataba kana sa sexy mong taglay, paano pa ang katawan ko!" singit ni Sonya ng marinig nito ang tinuran ng herederong amo. "Oo nga senorito, eh maganda pa ang katawan mo sa anak ko, hay naku ang batang iyon gusto yatang magaya sa katawan ko." sang-ayon at saad ni Vilma. "Salamat ate, tita, at kayo rin naman ang seseksi rin, at namana ko lang ito kay nanay, hindi ba nay?" saad ni Timothy at balik nito sa sinabi ng dalawa, sabay muling bola at baling nito sa nanay-nanayan. "Naku bolero ka talagang bata ka, baka mamaya niyan maniwala kami, lalong-lalo na si Sonya." sagot ni Myrna sa alaga. "Nay naman ang sexy ko kaya, hindi ba senorito?" maagap na sagot ni Sonya at baling nito kay Timothy. "Oo ate at mamaya bibigyan ulit kita ng mga pinamili kong pampaganda ng kutis, para tuloy-tuloy na ang pagkinis ng balat mo." "Sabi mo 'yan ah senorito, naku siguradong magugustuhan na ako ni papa Miguel." masayang saad ni Sonya at bulalas nito. Sandali namang natigilan si Timothy sa narinig sa dalagang kasambahay, ganunman mabilis itong nakabawi. "May gusto ka pala kay kuya Miguel, ate?" usisa ni Timothy. "Oo senorito at hindi lang ako, pati na ang mga kababaihan at mga kabaklaan sa village sa labas, eh kasi naman tuwing umaga palaging nag-jojogging si papa Miguel, at dahil dun ang mga ibang higad nakisabay na rin sa pagtakbo." maagap na sagot at kuwento ni Sonya. "Talaga ate? Ang dami na pala ng fans ng bago nating hardinero ano?" komento ni Timothy sa mga narinig. "Oo senorito, kaya lang kahit anong papansin ko at ng mga higad sa labas, stick to one talaga si papa Miguel." sagot at 'di na napigilang kuwento ng kasambahay. Sa sunod na narinig ni Timothy, lalong nagkainteres ito sa mga nalamang bagay tungkol sa hardinero, na inaamin niyang maging siya ay napukaw na rin nito. "Stick to one? Ibig sabihin kasi ate may nobya na si kuya Miguel?" 'di na napigilan pang usisa ng heredero. "Tama ka senorito may nobya na si papa Miguel, kaya hanggang pagpapansin na lang ako pati na ang mga higad sa labas." sagot ni Sonya na bahagya pang nalungkot sa sandaling iyon. Gaya ng dalagang kasambahay, nakaramdam rin ng lungkot si Timothy. Sa isip ng binata, napakalaki niyang tanga para isiping may kahihinatnan ang nararamdaman nito sa hardinero nila. Ganunman, pinili ng binata na iwaksi ang nararamdamang lungkot, dulot ng mga nalaman nito. "Hindi bale ate, sigurado akong mas may karapat-dapat para sa'yo, lalo na at lalo kang gaganda at kikinis sa mga pampagandang ibibigay mamaya." pilit na ngiting saad ni Timothy. Ang mga salitang iyon ay salitang itinatak rin ng heredero sa kanyang sarili. 'Mabuti ng hangga't mas maaga magising akong walang patutungguhan ang nararamdaman ko para sa kanya, siguro naman mas may karapat-dapat na tao akong mamahalin, na mamahalin rin ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD