Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto ang gumising kay Timothy.
"Senorito gising na hindi ka ba papasok!" malakas na tawag ni Myrna matapos ang pagkatok muli nito sa pinto ng kuwarto ng alaga.
"Nay gising na po ako! Hindi po muna ako papasok ngayon!" sigaw na sagot ni Timothy sa nanay Myrna niya.
"Sige senorito, pero ayos ka lang ba?" sagot at alalang tanong ni Myrna sa alaga.
"Ayos lang po ako, pakisabi na lang po kay Chris na si Laura na lang po ang ihatid-sundo niya."
"Siya sige senorito, bumaba ka na kaagad at ihahanda ko na ang almusal mo."
"Opo nay, salamat po."
Pagkaalis ng nay Myrna nito, muli ay napadaing si Timothy sa pagsakit ng buo niyang katawan pati na ang pagkirot ng kanyang pang-upo, at kasabay ng nararamdaman kirot at sakit, bumalik sa ala-ala ng binata ang nangyari kagabi hanggang kaninang madaling araw.
"My God! Totoong bang may nakatalik ako?! Pero papaanong nangyari ang lahat?" 'di makapaniwalang bulalas ni Timothy na naguguluhan rin sa mga sandaling iyon.
'Akala ko panaginip lang ang lahat, ano bang nangyari sa akin?' tanong sa isip ng binata.
Habang pilit parin nitong iniisip ang mga nangyari sa kanya, napansin ng binata na iba na ang suot niyang mga damit, sa damit na alam nitong isinuot niya matapos ang pagligo nito kagabi.
"My God! Daig ko pa ang puta nito, ano bang nangyari sa akin kagabi?" muling tanong sa sarili ng binata na napasabunot na sa kanyang buhok.
At dahil wala itong alam na sagot sa kanyang mga tanong, pinilit na lamang ng binata na bumangon na, dahil bukod sa naiinis ito sa kanyang sarili, nandidiri rin ito ngayon sa realisasyon na may nakakuha na sa katawan na pinaka-iingatan niya, na ipinangako niya noon na tanging sa taong mamahalin lamang niya ibibigay.
'Wala na akong pinagkaiba kay Violet.' saad sa isip ni Timothy. At kasabay ng muling pagkirot ng kanyang pang-upo sa ginawa nitong pagtayo ay naiyak na ang binata, hindi dahil sa sakit na naramdaman, kungdi sa sakit ng katotohanan na nadungisan na ang pinaka-iingatan nitong puri.
Kaya habang papunta ito sa banyo para maligo, masaganang luha ang lumandas sa mga mata ng binata.
Sa kanyang pagligo ay inilabas ng binata ang sakit ng kanyang nararamdaman, sa 'di nito naisip na mangyayari sa kanya. Lalo pa itong naiyak ng makita nito sa salamin sa kanyang banyo, ang markang naiwan ng misteryosong lalaking hinayaan niyang umangkin sa kanya ng ilang beses.
Patuloy sa pag-iyak si Timothy at ilang beses itong nagsabon at naghilod ng sarili, sa paraan iyon ay pinilit nitong tanggalin ang lahat ng mga bakas sa kanyang katawan, na naiwan ng lalaking umangkin sa kanya.
"Ang dumi-dumi ko na, bakit? Bakit hinayaan kong mangyari sa akin iyon?" muling mga tanong sa sarili ng binata na patuloy parin sa pag-iyak.
...
Habang hinihintay ni Myrna ang pagbaba ng alaga, hindi mapalagay ang ginang sa mga sandaling iyon, kilala kasi nito ang binatang heredero na siya mismo ang nag-alaga mula ng ilang buwan pa lamang ito. At hindi ugali ni Timothy ang basta na lamang lumiban sa pagpasok, kaya naman ng mag-iisang oras na ang lumipas mula ng gisingin niya ang alaga at hindi parin ito bumababa, minabuti na ng matanda na pasukin na sa loob ang binatang heredero.
...
Pagkapasok ni Myrna sa kuwarto ng alaga, bumungad sa kanya ang nakaupo sa kamang si Timothy na mugto ang mga mata.
"Susmaryosep senorito! Anong nangyari sa'yo?!" gulat at alalang bulalas ng matanda, na mabilis lumapit para yakapin ang mahal nitong alaga.
"Nay." saad ni Timothy at mahigpit itong yumakap sa itinuring ng nanay, at doon muling iniyak ng binata ang sakit na nararamdaman nito.
"Tahan na anak, nandito lang si yaya." alo ni Myrna sa alaga, habang hinihimas rin nito ang likod para mapatahan ito.
Ilang minuto rin niyang yakap si Timothy, bago humiwalay ang alaga sa yakapan nila.
"Alam ko anak na binata ka na, pero tandaan mo, palaging nandito si yaya para makinig sa kahit anong problema mo, kaya 'wag kang mahiyang magsabi kay yaya." saad at paalala ni Myrna.
"Opo nay alam ko naman po iyon, kapag handa na po ako ay ikukuwento ko rin po sa inyo, at salamat po dahil palagi po kayong nandyan para sa akin." sagot ni Timothy at muli'y yumakap ito sa nanay-nanayan.
"Walang anuman anak, kung ano man ang problema mo, ipagdarasal ko na lumipas na kaagad iyon, dahil ayokong nakikitang malungkot at umiiyak ang guwapo kong alaga." saad ni Myrna.
...
Nanatili lamang sa kanyang kuwarto si Timothy, kaya lubos na nagpapasalamat ito sa kanyang nay Myrna na naghatid sa kanya ng pagkain.
...
Habang abala sa pagdidilig sa malawak na hardin ang binata, hindi nawala ang paningin nito sa sasakyang gagamitin sa pagpasok ng herederong amo sa unibersidad.
Ngunit anino man lang ni Timothy ay hindi nakita ni Enrique, hanggang sa umalis na ang sasakyan.
Kaya naman habang nagpapatuloy ito sa pagpapanggap bilang hardinero sa mansyon, abala naman ang isip ni Enrique sa kung anong lagay ngayon ng herederong among ilang beses niyang inangkin kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Ang pag-aalalang nararamdaman ni Enrique ay nadagdagan pa, pagkarinig nito sa pag-uusap ng dalawang kasambahay na sina Myrna at Vilma, nang sandaling pumunta ito sa kusina para uminom ng tubig.
"Nag-aalala nga ako sa batang iyon Vilma, wala naman akong ideya kung anong problema niya, dahil ayaw nitong ipaalam sa akin ang dahilan ng pag-iyak niya, na dati-rati ay hindi naman niya ginagawa." saad ni Myrna.
"Hayaan mo muna si senorito ate, alam kong kapag handa na ang binata ay ikaw ang unang sasabihan niya." saad ni Vilma.
Sa mga narinig ni Enrique ay kaagad itong nagtungo sa kanyang kuwarto. Pagkapasok sa silid, mabilis nitong binuksan ang laptop, para makita kung anong nangyayari ngayon sa heredero.
Ang abala sa pagkaing si Timothy, ang bumungad kay Enrique pagkakita nito sa videong kuha sa kuwarto ng heredero. Kaagad ring nakadama ng pag-aalala ang binata, sa nakitang mugto sa mga mata ng heredero.
'I'm sorry Timothy ko, pero kung hindi natin ginawa iyong kagabi, sigurado akong may ibang gagawa nun sa'yo.' kausap ni Enrique sa mukha ng heredero na kasalukuyang kuha sa pinapanood na video.
...
Matapos kainin ang dalang pagkain sa kanya ng nanay-nanayan, pilit muling inalala ni Timothy ang mga nangyari kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Sa pag-iisip nga ng binata sa mga nangyari, naalala nito na pagkatapos niyang maligo ay naisipan nitong lumabas para magtimpla ng gatas, naalala rin nito na bago pa ito makalabas ay may kumakatok sa pinto ng kanyang kuwarto. At pagkabukas niya sa pinto ay bumungad sa kanya si Andres na may dalang isang baso ng gatas at ito rin ang huling taong naalala niya na kasama, bago pa ang pagkakaroon muli nito ng malay ng nasa kama na ito.
'Si kuya Andres ba ang lalaking 'yon?' kabang tanong sa sarili ni Timothy.
'Kung siya iyon ibig bang sabihin?' tanong muli sa sarili ng binata, atsaka bumalik sa kanya ang pag-inom nito ng gatas na dala ni Andres.
'Iyong gatas nga! Ang tanga-tanga ko! Bakit ko ba kasi ininom iyon?' sisi sa sarili Timothy ng mapagtanto nito na ang gatas marahil na nainom ay hinaluan ng kung anong gamot, kaya humantong sa pagbibigay niya ng sarili sa lalaki, na sa tingin nito'y walang-iba kungdi si Andres na siya ring nagdala sa kanya ng isang basong gatas kagabi.
'Tama nga ako na manyak ang lalaking iyon, ang tanga-tanga ko!' saad sa isip ng binata na napasabunot na sa sariling buhok, dahil sa inis na nararamdaman.
'Malamang ang tingin sa akin ng lalaking iyon ngayon ay isa na sa mga naging puta niya, at kahit pa makipagtalo ako sa kanya, madali lang niyang pasisinungalingan na hindi siya ang gumawa nun.' saad sa isip ng binata na muli'y napaiyak na naman.
...
Kita ni Enrique na patuloy sa panonood ng video na kuha ng cctv sa kuwarto ni Timothy, ang tila malalim na pag-iisip ng huli. Nasaksihan rin nito ang frustration sa mukha ngayon ng binatang heredero at hindi tanga ang pulis na dahil iyon sa nagawa nila kagabi. Kaya kahit na nagustuhan ng Kapitan ang nangyari sa kanila ng heredero, naaawa ito sa lagay ngayon ni Timothy na kita rin nitong naluluha na sa mga oras na iyon.
'I'm sorry Timothy ko, pero hindi ko pa puwedeng ipaalam na ako ang nakasama mo kagabi.' kausap ni Enrique sa mukha ng heredero na kasalukuyang pinapanood.
Ang lungkot na nararamdaman ni Enrique, dulot ng nangyayari ngayon kay Timothy ay napalitan ng kaba, sa isang bagay na sunod na nakita ng pulis na naroroon sa kuwarto ng heredero.
's**t! Anong ginagawa ng video recorder na iyon sa kuwarto ni Tim?!'