KABANATA XIV

1881 Words
Sa napansin ngang video recorder na nasa kuwarto ni Timothy, kinakabahan na si Enrique sa posibleng pagkabuko ng heredero sa mga nangyari sa kanila. 'Anong gagawin ko?' tanong sa sarili ng pulis. ... Gusto man manatili ni Timothy sa kuwarto ay minabuti nitong lumabas na para dalhin ang mga pinagkainan sa kusina. Bukod dun pinili nitong mas maging matatag, dahil alam nitong hindi na niya maibabalik ang mga nangyari na. Kaya kahit pa masakit parin ang kanyang katawan, pati na ang kanyang damdamin sa nagawa sa kanya ng lalaki, na malakas ang kutob niyang si Andres iyon, handa na nitong harapin ang anumang susunod na mangyayari. ... Sa nakitang paglabas ni Timothy sa sarili nitong kuwarto, nabuhayan si Enrique sa pagkakataong maaari nitong makuha ang video recorder sa silid na iyon. Mabilis nga ang naging kilos ng pulis at kaagad itong nakapasok sa kuwarto, pagkahawak nito sa video camera ay napabuntong hininga na lamang ito at napigilan niya ang muntikan ng pagkabisto sa katotohanan ng heredero. ... "Senorito bakit ikaw pa ang naglabas ng mga iyan, hinintay mo na lamang sana ako." medyo gulat na bulalas ni Myrna pagkakita nito sa alaga na dala ang mga pinagkainan. "Ayos lang nay, medyo ayos naman na ang pakiramdam ko." sagot ni Timothy na abala rin sa pagtingin sa paligid, kung nasa malapit lang si Andres. "Sinong hinahanap mo senorito?" tanong ni Myrna na nahalata ang paglinga-linga ng binata. "Ah wa-wala nay, sige po, babalik na ako sa kuwarto ko." "Sige senorito, mamaya ipagdadala na lang kita ng meryenda sa kuwarto." "Ok po nay." pilit na ngiting sagot ni Timothy sa nanay-nanayan at pagkatapos ay bumalik na ito sa kanyang kuwarto. ... Habang pabalik sa kuwarto si Timothy, paalis naman si Enrique sa kuwarto ng una, kaya naman nagkasalubong ang dalawa. "Magandang Hapon sir, ayos lang ba kayo?" bati at alalang tanong ni Enrique sa herederong amo. "Okay lang ako kuya Miguel, te-teka lang, anong ginagawa mo sa bahaging ito ng mansyon? Hindi ba sa bahaging iyon ang silid mo?" sagot ni Timothy at takang tanong rin nito sa hardinero. "Ah may ibibigay lang sana ako sa inyo, narinig ko kasi sa pag-uusap nila nay Myrna at ate Vilma kanina sa kusina na may problema daw kayo, kaya naisip kong bigyan kita ng mga ito." sagot ni Enrique, sabay abot nito ng mga tsokolate sa heredero. "Sa-salamat kuya Miguel." saad ni Timothy na tinanggap naman ang bigay na mga tsokolate ng hardinero. "Walang anuman senorito, hindi ko man alam ang problema mo ngayon, hangad kong mawala na kaagad ang mga iyon, at sana gaya ko na sa tuwing malungkot ay nagiging masaya ulit sa pagkain ko ng tsokolate, mabawasan man lang ng mga tsokolateng bigay ko ang lungkot na nararamdaman mo ngayon." seryosong saad ni Enrique, na pigil ang sariling yakapin ang malungkot ngayong heredero. "Sana nga kuya Miguel, sige babalik na ako sa kuwarto ko, salamat ulit sa mga ito." saad ni Timothy. Pagpasok ng herederong amo sa sariling silid, bumalik na si Enrique sa kanyang kuwarto, para na rin maitago ang video recorder na nakuha nito sa silid ni Timothy. Pagkatago nito sa video recorder, bumalik na sa pagtatrabaho bilang hardinero ang binata. ... Gaya ng sinabi ng nay Myrna nito, ginataang bilo-bilo ang dala sa kanya ng matanda bilang meryenda ng pumasok ito sa kanyang kuwarto. "Salamat nay, alam kong masarap na naman po itong luto n'yo." saad ni Timothy na kaagad ng inumpisahang kainin, ang dalang meryenda ng matanda "Syempre masarap 'yan senorito, para kahit papaano'y sumaya na ang alaga ko." ngiting saad ni Myrna. "Okay na po ako nay, kaya 'wag ka ng masyadong mag-alala sa akin." "O sige naniniwala na ako, basta ubusin mo 'yan at kakaunti lang ang naubos mo kaninang tanghalian." "Opo nay." maagap na sagot ni Timothy. "Siya sige maiwan na kita at uutusan ko na lang si Sonya maya-maya para ipakuha ang mga pinagkainan mo." "Opo nay, salamat po." ... Abala sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin si Enrique ng dumating na ang sasakyang minamaneho ni Chris. Hindi na sana bibigyang pansin pa ng binata ang dumating na sasakyan, dahil wala naman doon si Timothy, pero nakatawag pansin sa hardinero ang maingay na boses na narinig nito na hindi pamilyar sa kanya. Nang mapatingin nga si Enrique sa sasakyan, bukod kay Laura at Chris, may dalawa pang lalaki ang nakita nitong bumaba sa sasakyan. "Sino siya Lau, ang guwapo at ang hot niya." kinikilig na tanong ni Kurt sa dalagang kasambahay ng kaibigan. "Siya si kuya Miguel, bagong hardinero nila senorito." sagot ni Laura. "Beh akala ko ba ay nandito tayo para sa kaibigan natin." sungit na saad ni Aries sa nobyo. "Si beh naman selos kaagad, sorry na." saad ni Kurt na kaagad yumakap sa nobyo. "Bakit naman ako magseselos, eh mas guwapo naman ako dun at ang tanda na nun." sungit na sagot ni Aries, sabay tanggal sa pagkakayakap ng nobyo at nauna na itong pumasok sa mansyon. "Ikaw kasi teh ang landi mo rin, nagselos na tuloy si Aries." iling na komento ni Laura sa nakita. "Ay teh aminado naman akong may pagkamaharot ako, pero stick to one ako kahit ganito lang ako, tsaka nagsasabi lang ako ng totoo ang hot at ang guwapo kaya ni kuya Miguel." sagot at depensa ni Kurt. "Ewan ko sa'yo, mabuti pa sundan mo na ang boyfriend mo at pakibigay kay senorito ang pasalubong ko sa kanya." "Oo nga pala teh, buti at pinaalala mo." Narinig at nasaksihan lahat ni Enrique ang pag-uusap ng tatlo, at batid rin ng binata na mga kaibigan ng herederong amo ang dalawang kasamang dumating nila Laura at Chris. Pero kung napangiti ito sa papuri sa kanya ng nagngangalang Kurt, nainis naman ito sa mga narinig sa may pangalang Aries. 'Loko ang totoy na iyon, tawagin ba naman akong matanda eh trenta palang naman ako ah.' saad sa isip ni Enrique. ... "Anong ginagawa ninyo dito?!" gulat na reaksyon ni Timothy ng pagbuksan nito ang dalawang kaibigan. "Ay malamang friend para bisitahin ka, pero puwede ring iyong hot at guwapo mong hardinero." sagot ni Kurt na mabilis yumakap sa kaibigan. 'Iyong selosong nasa likod, kaagad pinagselosan ang hardinero mo.' dagdag pang bulong nito sa kaibigan. "Nag-alala kasi kami ng kasama ko, dahil hindi ka pumasok ngayong araw." saad ni Aries na sumunod na yumakap kay Timothy. "Kayo talagang dalawa, magbati na kayo para mas maging okay na ako." saad ni Timothy na napailing na rin, dahil sa away-bating panay nitong nasasaksihan sa dalawang kaibigan. "Mamaya friend babatehin ko 'yung junior niya, okay na ulit kami." bulong ni Kurt sa tenga ng kaibigan. "Friend naman!" saway ni Timothy sa walang prenong bibig ng kaibigan. "Ikaw talaga Kurt, ano naman bang kahalayan ang binubulong mo kay Tim." inis na saad ni Aries sa nobyo. "Galit ka na niyan? Kung narinig mo lang ang ibinulong ko sa friend ko, sigurado naman akong gusto mo rin iyon hmmp." inis ring baling ni Kurt sa nobyo. "Oh tama na iyan, mukhang nagpunta lang kayo rito para mag-away, mabuti pa ay magmeryenda na kayo at mamaya Ris, pahiram ako ng mga notes mo." awat ni Timothy sa dalawa at baling nito kay Aries. "Huy friend bakit hindi na lang 'yung mga notes ko ang hiramin mo." saad ni Kurt. Nagkatinginan naman sina Timothy at Aries, pagkatapos ay sabay na natawa ang mga ito. "Oo na kayo na ang magaganda ang sulat! Sige tawa pa hindi ko pa naririnig, kabagin sana kayo hmmp!" inis na saad ni Kurt na muli'y pinagtulungan na namang asarin ng dalawa. ... Abala sa pagkain ng fishball at kikiam si Timothy na galing kay Laura, nang mapansin nitong may tinitignan ang kaibigang si Kurt. "Oh friend ano iyang tinitignan mo?" "Friend tapatin mo nga ako, kanino galing ang mga iyon?" sagot na tanong ni Kurt sa kaibigan at turo nito sa mga tsokolateng nasa ibabaw ng mesa. "Ah bigay lang ni Laura." "Ay friend hindi ako naniniwala sa babaitang iyon galing ang mga iyan, magsabi ka nga ng totoo, galing 'yan sa manliligaw mo noh? Sino siya guwapo ba? Hot ba?" sunod-sunod na tanong ni Kurt sa kaibigan at mabilis rin itong nakakuha ng isang piraso ng tsokolate. "A-akin na nga 'yan friend, ano bang pinagsasabi mong manliligaw." sagot ni Timothy at tangkang agaw nito sa tsokolate sa kaibigan. "Naku friend eh kung galing lang 'to kay Laura, eh bakit atat na atat kang mabawi ito sa akin, dali na, sabihin mo na ang totoo, hindi ko ito isasauli bahala ka." saad ni Kurt na panay iwas sa ginagawang pagbawi ng kaibigan, sa tsokolateng kasalukuyan nitong hawak. "Sige na, sasabihin ko na ang totoo, galing iyan sa bago kong kaibigan, masaya ka na?!" inis na saad ni Timothy at lahad nito sa kanyang kamay, para ibalik na ng kaibigan ang tsokolate. "Promise friend ibabalik ko 'to sa'yo, pero sigurado ka bang kaibigan lang? Eh sa pagkakaalam ko kapag ang lalaki binigyan ng tsokolate ang kapwa lalaki, ibig sabihin lang nun ay may gusto ito sa pinagbigyan niya." "Oo nga! Ang kulit mo rin friend, akin na ang tsokolate ko." "Isa na lang, sige hindi ko na ipipilit na nanliligaw ang nagbigay sa'yo ng mga tsokolate, pero sagutin mo ito ng totoo, guwapo ba at hot rin ba 'yung lalaki?" excited at kinikilig na tanong ni Kurt sa kaibigan. Sa mga narinig nitong tanong sa kanya ng kaibigan, bumalik kay Timothy ang nakita nitong magandang katawan ni Miguel, pati na ang mga nangyari sa pagitan nila, lalong-lalo na ang naging halikan nila ng hardinero. At mga tango ang sunod na namalayan nitong isinagot niya, sa mga tanong sa kanya ng kaibigan. "Ihhhh friend sino siya? Nakita ko na ba siya? Kilala ko ba?" sunod-sunod na mga tanong ni Kurt at lalo pa itong na-curious sa nakitang namumula ngayon ang mukha ng kaibigan. "Hanggan dun na lang muna friend, akin na ang tsokolate ko." sagot ni Timothy at lahad muli nito sa kanyang kamay. "Friend naman napaka-unfair mo, nung ako niligawan ni Aries ikinuwento ko lahat sa'yo, pero ikaw kailangan ko pang pilitin ka para lang may malaman ako." tampong saad ni Kurt at wala na itong nagawa kungdi ibalik ang tsokolate sa kaibigan. "Magkaiba naman kasi iyong sa'yo friend, ikaw totoong nanliligaw sa'yo noon si Aries, samantalang ako magkaibigan lang kami nung tao at binigyan lang niya ako ng mga tsokolate." depensa kaagad ni Timothy. "Naku friend, hindi ka naman kasi nakikinig sa mga sinasabi ko, may gusto sa'yo ang lalaking iyon kaya binigyan ka ng mga tsokolate, ano pa bang gusto mong ibigay niya sa'yo, para maniwala kang may gusto sa'yo ang tao." iling na saad ni Kurt. "Wala, kasi hindi magkakagusto sa akin ang lalaking iyon, kaya tumigil ka na sa kakapilit na may gusto sa akin ang tao." "O sige na titigil na, pero huli na talaga friend, eh ikaw ba walang gusto dun sa taong iyon?" ngiting tanong ni Kurt sa kaibigan. "Ano bang klaseng tanong iyan friend, magkaibigan lang kami nung tao." sagot ni Timothy na namumula ang mukha. "Weh 'yung totoo friend, ba't pulang-pula ang face mo, so may gusto ka nga sa lalaking iyon?" ngiting muling tanong ni Kurt. "Para matigil ka na, oo may gusto ako dun sa tao." aming sagot ni Timothy sa kaibigan. "Gosh friend! Congrats sa wakas napatunayan ko ng tao ka rin pala!" asar ni Kurt sa kaibigan na niyakap rin nito ng mahigpit. "Sira ka talaga friend." saad ni Timothy. At bagamat malungkot ang binata mula ng magising ito kanina, nagpapasalamat ito sa pagkakaroon ng mabuti at palaging nandyan na mga kaibigan. ... Sa kuwarto ni Enrique, napanood nito ang lahat ng mga napag-usapan ng magkaibigan, kaya naman hindi maalis ang malawak na ngiting mayroon ngayon ang binatang pulis. 'Pagkatapos ng misyon ko, hindi na kita pakakawalan Timothy ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD