KABANATA XV

1381 Words
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Enrique, habang patuloy itong nanonood at nakikinig sa pag-uusap ng magkaibigan, at lubos na ipinagpapasalamat nito na naging posible iyon, dahil sa nailagay niyang listening device sa kuwarto ni Timothy kanina. Naputol ang panonood ng binata ng marinig nitong tumunog ang kanyang cellphone, at pagkakita nito sa screen, bumungad ang pangalan ng tumatawag at ito'y ang kanyang superior. "Captain Valiente, anong nabalitaan kong pinakulong mo raw ang isang driver ni Sergio?" bungad ni Police General Feliciano. "Sir totoo ang nakarating sa ninyo." sagot ni Police Captain Valiente. "Kung ganun, bukod sa tangkang panggagahasa ng driver na iyon sa heredero ni Sergio, tapatin mo ako Captain Valiente, 'yun lang ba ang dahilan kaya mo ipinakulong ang lalaking iyon o may iba pa?" "Sir, dahil lang sa tangkang panggagahasa ng lalaki sa heredero ni Sergio, kaya ko ipinakulong ang driver sir." "Mabuti kung ganun Captain Valiente, dahil gaya ng mga nauna mong napagtagumpayan bilang police undercover, malaki ang tiwala ko sa'yo na mapagtatagumpayan mo rin ito." "Maraming salamat sa pagtitiwala sir, gaya ng mga nauna kong misyon, ipinapangako ko na matatapos ko ito at makukulong si Sergio Valdez." "'Yan ang gusto kong marinig Captain Veliente, bueno, aasahan ko ang report mo matapos ang ikapitong araw mong pagsasaliksik diyan sa mansyon." huling saad ng Heneral at ibinababa na nito ang tawag. Matapos niyang makausap ang Heneral ay napabuntong hininga na lamang ang Kapitan. 'Tama ang Heneral, hindi ako narito para kay Timothy, kailangan ko ng umpisahan ang paghahanap ng mga ebidensya laban kay Sergio.' saad sa isip ni Enrique. At inumpisahan na nga ng Kapitan, na pag-aralan ang lahat ng mga kuha ng walong cctv sa kabuuan ng mansyon. Bukod sa kuwarto ng heredero ni Sergio, ang mga kuwartong may mga cctv ay ang sa sala, sa opisina ni Sergio, sa library, sa bodega, sa garahe, at sa kuwarto ng mag-asawang Sergio at Violet. Sa mga bahaging iyon ng bahay, napili ni Enrique na umpisahan sa sala ang kanyang paghahanap mamaya, dahil ito ang pinakamalawak at dalawang cctv pa ang nakalagay sa lugar. ... "Tim nandyan na ang sundo namin ni Kurt, paano mauna na kami at bukas magkita-kita na tayo sa uni." saad ni Aries pagkapasok muli nito sa kuwarto ng kaibigan. "Oo Ris, heto salamat ulit sa mga notes mo." sagot ni Timothy at abot nito sa mga notebook ng kaibigan. "Ang bilis ng oras friend, kailangan na naming umalis ni beh, bukas pumasok ka na at hindi pa tayo tapos sa pag-uusap natin tungkol sa manliligaw mo." saad at muling biro ni Kurt sa kaibigan. "Ewan ko sa'yo friend, sabi ng magkaibigan lang kami nung tao, at oo papasok na ako bukas." iling na sagot ni Timothy. "Masanay ka na sa kaibigan mong 'yan Tim, may pagkatsismoso." saad ni Aries para asarin rin ang nobyo. "Oo nga Ris, sige salamat sa pagpunta ninyo at pakisabi kay Manong Phil na dahan-dahan sa pagmamaneho." sang-ayon ni Timothy at bilin nito sa kaibigan. "Oo naman Tim, walang mangyayaring masama sa beh ko basta kasama niya ako." maagap na sagot ni Aries. "Ano ka ba naman beh, baka mainggit si friend sa pagiging sweet mo." nagpipigil sa kilig na saad ni Kurt na kaagad yumakap sa nobyo. "Ako maiinggit? Nasanay na ako sa lambingan ninyong dalawa, at Ris ayaw lang ipahalata ni friend na kinikilig siya." "Tama ka Tim, sige mauna na kami ni beh at matulog ka ng maaga mamaya, para maging okay na bukas." sang-ayon ni Aries at payo nito sa kaibigan. "Sige, ikaw ng bahala sa friend ko, ingat." sagot ni Timothy at masaya ito para sa dalawang kaibigan na nag-iibigan. ... Oras ng hapunan nilang mga trabahador sa mansyon ng mapansin ng lahat na kulang sila ng isa. "May nakakaalam ba sa inyo kung nasaan si Andres?" tanong ni Myrna sa mga kasama. "Ako nay, hindi ko po alam." maagap na sagot ni Enrique sa matanda. "Ganun din ako ate, kanina akala ko nga ay umalis siya para sumunod kila sir Sergio sa Tagaytay, pero kaagad kong nasiguro na hindi iyon ang dahilan, kasi nasa garahe naman ang sasakyan ni ma'am Violet." saad ni Vilma. "Wala rin po akong alam nay, mula paggising ko hanggang sa bago ko ihatid si Laura ay hindi ko rin nakita si kuya Andres." sagot naman ni Chris. "Lalong wala rin po akong alam nay Myrna." sagot rin ni Laura, pero ang totoo'y abala ang isip nito, kung nasaan ngayon ang lalaking ilang beses rin niyang nakatalik. "Nasaan kaya ang binatang 'yon, mabuti pa Vilma, mamaya tignan mo ang kuwarto niya at baka naroon ang sagot kung bakit bigla na lang itong umalis." saad at utos ni Myrna sa kapwa kasambahay. "Sige ate." sagot ni Vilma sa matanda. ... Matapos kumain ng hapunan sa kanyang kuwarto, sinimulan na ni Timothy ang pagrereview sa mga notes na kinopya nito sa kaibigan. Sa talinong taglay ng binata, hindi man ito nakapasok kanina, madali naman nitong naitindihan ang mga naging aralin nila ngayong araw. Nasa kalagitnaan siya ng pagrereview ng marinig nito ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid, at kasunod rin nito ang boses ng taong nasa labas na kaagad nitong nakilalang galing sa nay Myrna nito. "Pasok po nay!" "Abala ka yata sa pag-aaral senorito." kumpirma ni Myrna sa nakitang ginagawa ng alaga, pagkapasok niya sa kuwarto. "Opo nay." "O siya hindi na kita iistorbuhin, pinagdala lang kita ng gatas at para kuhanin ko na rin ang mga pinagkainan mo." "Salamat nay, sana inutusan n'yo na lamang po si Lau." "Ayos lang iyon senorito, mas gusto kong ako ang magsisilbi sa alaga ko." "Salamat po nay, palagi po kayong nandito mula pa noon." saad ni Timothy at sandali itong tumigil sa ginagawa, para mayakap ang nanay-nanayan. "Walang anuman senorito at hindi kita iiwan hanggang nabubuhay ako." saad ng matanda na kaagad sinuklian ang pagyakap ng alaga. "O tama na ang drama natin, mamaya magpahinga ka na at matulog ng maaga." biro ng matanda sa herederong alaga. "Opo nay, kayo rin po magpahinga na rin kaagad." maagap na sagot ni Timothy at bilin rin nito sa matanda. ... "Ate nakita ko ito sa kama ni Andres mabuti pa ikaw na ang bumasa, sa palagay ko ay nakasulat diyan ang dahilan nang biglaan nitong pag-alis, kasi ate wala ng laman ang mga kabinet na nasa kuwarto niya." saad ni Vilma at abot nito sa papel na batid nitong may sulat ni Andres. "Siya mabuti pa nga." saad ni Myrna at kaagad nitong binuksan ang papel na iniabot ni Vilma, para basahin na rin ito. Matapos basahin ni Myrna ang sulat... "Tama ka Vilma, galing nga kay Andres ang sulat na ito, may emergency raw sa probinsiya nila sa Tarlac at kinailangan niyang umalis kaagad at hindi na nito nagawang makapagpaalam man lang, iyong susi ng sasakyan ay nasa maliit na drawer sa kuwarto niya." paalam ni Myrna sa kapwa kasambahay sa laman ng sulat ni Andres. "Naku! Ano kayang emergency iyong tinutukoy niya ano ate?" alalang reaksyon ni Vilma. "Hindi ko rin alam Vilma, wala naman siyang nailagay sa sulat, mabuti pa ay pakikuha mo na iyong susi sa drawer at bukas ibibigay ko na lang kay senorito." "Sige ate." ... Gaya ng plano ni Enrique, nang makasiguro ito na tulog na ang lahat ng mga kasama sa mansyon, inumpisahan na nito ang paghahanap ng mga ebidensyang maaaring magamit laban kay Sergio Valdez. Sa tatlong oras na maingat na paghahanap at paghahalughog ni Enrique sa sala, ni isang ebidensya ay wala itong nahanap. 'Mukhang wala akong mahahanap rito.' saad sa isip ng binata. Ilang minuto pang nagbakasali ang binata sa muling paghahanap sa mga sulok-sulok ng sala, ngunit bigo talaga ito na makakita ng ebidensya. Sa bigo ngang may matagpuan sa lugar, tumigil na si Enrique sa ginagawa at kaagad na itong bumalik sa kanyang kuwarto. ... Pagdating sa kuwarto ay kaagad nitong tinawagan ang pinsang si Brix. "Brix, napalitan mo na ba ang kuha ng mga cctv?" bungad ni Enrique, pagkasagot ng pinsan sa kanyang tawag. "Ayos na kuya, ni isang bakas ay walang makikita si Sergio na nandoon ka sa mga video, pati na rin si Andres." sagot ni Brix. "Mabuti kung ganun, sige tatawag na lang ulit ako sa susunod." pagtatapos ni Enrique sa tawag. Matapos markahan ng ekis ang salang bahagi ng mansyon na nakalagay sa isang papel, minabuti na ni Enrique ang maligo para makapagpahinga na rin ito. ... Matapos maligo si Enrique ay bumalik na ito sa kanyang kuwarto, pero hindi inaasahan ng binata ang taong dadatnan niya sa kanyang silid. "Senorito, anong ginagawa mo rito?!" At lalong hindi inaasahan ni Enrique ang susunod na gagawin ng herederong amo, at ito'y ang halikan siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD