Chale's POV Masaya kaming nag-uusap ni Bree habang magkahawak ang kamay na papasok ng bahay ng mapahinto ako. Dad was sitting in the living room, in OUR living room. Agad ang pagkunot ng noo ko at ang pagtataka sa mukha ko. "Wife are you okay?" Tanong ni Bree na ikinatingin ko sa kanya bago ibalik and tingin kay Dad. Para din itong natigilan ng makita ang bisita namin. "Mauuna na ako sa taas. Kausapin mo muna ang daddy mo." Ani Bree bago ako mabilis na halikan sa labi at mauna ng umalis. Tumango pa ito kay dad bago nagtuloy-tuloy sa taas. Huminga naman ako ng malalim at lumapit kay dad. Napatikhim pa ako bago umupo sa tapat niya. "Dad." Putol ko sa katahimikang nakapalibot saamin. "I just came here for my wife. She wants you in OUR house." Anito na ipinagdiinan pa ang salitang our

