Chale's POV Hindi mapuknat ang mga ngiti sa labi ko habang nagmamaneho ako. Nakatulog na si Bree habang hawak-hawak ko ang kamay niya. I feel it, alam kong okay na kami. Mas lalo pa akong napangiti ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "You awake?" Tanong kong nasa kalsada padin ang tingin. "Yeah." Sagot niya na saglit kong ikinatingin sa kanya bago muling ibalik ang tingin sa kalsada. "I miss us being like this." Ani ko ng ilapit ang kamay niya sa labi ko at masuyo iyong halikan. "Me too." Napatingin ako kay Bree at nakangiti din pala siyang nakatingin saakin. "Pwede bang wag muna tayong umuwi?" Aniya. "Where do you want us to go?" Tanong ko naman. "Anywhere without Danielle." Sagot niya na ikinangiti ko. She's really jealous. "Okay, wife." Ani ko. We arrive at my resthouse jus

