Chale's POV Tulala akong nakatingin sa anak ko habang nasa loob siya ng incubator. She's so tiny, pero kitang-kita ang features ni Bree sa kanya. Muli ang pagdungaw ng luhang pilit kong pinipigilan ng maalala ko si Bree. She's in the ICU, nagkacomplication siya sa panganganak. Mabuti nalang daw at lumalaban si Bree. I almost lost her. Tahimik akong umiyak habang nakadungaw parin kay Chelsea. Yun ang gustong pangalan ni Bree kasi sigurado daw siyang kamukha ko ang anak namin pero hindi, almost all of her features ay nakuha ni Chelsea. "Ate." Agad akong napabaling kay Stella na agad akong sinalubong ng yakap. "I'm sorry, ate. Ngayon ko lang nalaman. How's ate Bree?" Aniya na lalong ikinalaglag ng luha ko. "I almost lost her, Stella. Muntikan na." Humihikbi kong saad habang mahigpit n

