Chale's POV Pinagbabalat ko ng mansanas si Bree ng hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya. Kagagaling lang namin sa pediatric room at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng hindi na siya umiiyak. Naawa daw siya sa anak namin bakit daw ang daming tubo ang nakakabit sa kanya. Sinisisi niya pa ang sarili dahil napaanak siya ng wala naman sa tamang buwan. "I'm sorry, wife." Aniyang nangilid na naman ang mga luha. Agad ko namang itinigil ang ginagawa ko at tumabi sa kanya sa hospital bed at saka siya niyakap. "No, wife. Why are you saying sorry?" Tanong ko ng hawakan ang kamay niya at halikan ang likod nun. "Kasi yung anak natin." Aniyang napayuko. Agad ko naman siyang hinawakan sa baba saka iniangat ang mukha niya. She's crying again. Agad kong hinalikan s

