❤️Girlfriend❤️

1187 Words
Joey's POV Hanggang 9:30 lang ako ngayon sa coffee shop kaya maaga na sa akin itong 10pm na uwi.. Malayo palang ay napansin ko na yung naglilipat kina Nanay Nene. Nabanggit na niya sa amin nung kailan na aalis na nga daw siya papuntang America. Binuksan ko ang gate at ipinasok yung motor.Nagtanggal na rin ako ng helemt bago ko isara yung gate. Nang isasara ko na ito, isang pamilyar na mukha ang nakita kong nakatingin sa akin.. Huh? Namamalikmata ba ako o siya talaga to? Tinapik tapik ko pa ang pisngi ko. Grabe naman kasi, siya nanaman! Para makasiguro ay lumabas ako para lapitan ito... Parang nagulat naman iyo ng makitang palapit ako sa kanya. "Ikaw nga!"  sabi ko. "Ha? Ah... eh.. oo nga, ako nga....ako ulit."  medyo nahihiyang sabi nito. "Sorry, akala ko kasi namamalikmata lang ako na ikaw ulit yun nakita ko." sabi ko dito. "ah... ganun ba, kaya pala tinapik tapik mo pa yung pisngi mo, totoo ako, hindi mumu.. " sabi nito at nginitian ako. Saglit akong natigilan..... maganda pala ito kapag nakangiti. Wait, Napansin ko talaga yun? Ok mukha  na kong tanga. "Kayo pala yung bagong lipat diyan kina Nanay Nene?" sabi ko nalang sabay iwas ng tingin, dahil medyo natagalan ako sa pagtitig dito. "Oo, Tita siya ng Tita Lena ko." tipid na sagot nito. "Ah, ok... oo nga pala, dahil magkapitbahay na tayo, ako nga pala si Joey" Pakilala ko dito, sabay lahad ng kamay. "Keila" nakangiting sabi nito at inabot ang kamay ko. Huh? Ano yun? Bakit para akong nakuryente? Binitawan ko ang kamay nito at nagpaalam na.... "Sige Keila, see you when I see you.. hahaha!" biro ko dito. "Cge Joey, nice meeting you.. for the nth time." sabi nito at sabay pa kaming natawa. Pagkapasok ko sa bahay... napaisip ako... Bakit parang ang saya ko pa?Eh mula pa kanina puros disgrasya nalang ang inabot ko sa kanya? Bakit parang ang gaan pa ng loob ko sa kanya? Ang weird ha!? "Nandiyan ka na pala!" si Rina, pababa sa hagdan. "Kakadating lang, nakaalis na pala sila Nanay Nene." sabi ko dito. "Oo, kanina din, pano mo nalaman? Kain tayo" sabi nito at naghain. Isa ito sa mga. minahal ko kay Rina, sobrang maasikaso siya. "Nakita ko kasi na may naglilipat na sa bahay niya." at tinulungan ko itong maghain. " Bakit di ka pa kumain kanina para nakapagpahinga ka na." sabi ko dito. " eh, alam mo naman na mas gusto ko kasabay ka diba?" at yumapos pa ito sa aking braso. Juicecolored, bakit ba napaka clingy nitong babae na toh. "Sus! ang sabihin mo ayaw mo maghugas ng plato." at pinisil ko ito sa ilong. "Hahahaha! You got me!" sabi nito at nakangisi pa. Pagawa mo na kasi sa kanya lahat ng pagluluto, wag lang paghuhugas ng pinggan dahil ang katwiran niya masisira ang manicure niya... Yan nga lang ang isa sa nakakairitang ugali niya, masyadong maarte, hahaha! ******** Kinabukasan... Papasok ako ako sa school, nakita ko si Keila na nagaabang ng jeep sa may labasan, masyado  siyang maraming kasabay na naghihintay, hindi ko alam kung ano pumasok sa isipan ko at niyaya ko itong sumabay sa akin. "Keila!" tawag ko dito. Gulat naman itong napatingin sa akin. "Uy, Joey, ikaw pala." nakangiting sabi nito Ayan na naman... ayan na naman yang mga ngiting yan.. "Pasok ka na rin?" tanong ko. "Uu, kaso as usual, mahirap sumakay". "Tara, sabay ka na, baka malate ka pa  hanggang mamya pa yan." yaya ko dito. . "Ha? ah, eh ano... wag na nakakahiya naman." sabi nito. "Sus! Ok lang yan, lika na" pilit ko dito. "hmmm... cge na nga, anung oras na rin eh" sabi nito. Hindi ko alam bakit ang saya ko ng pumayag itong sumabay. Bumaba ako para kunin sa likod yung isa pang helmet at ako na ang nagsuot nito sa kanya. . "Thank you" nakangiting sabi nito. Nginitian ko lang ito at sumakay na sa motor.. "Tara  sakay na!" Nang nakasakay na ito. "Ready ka na? Hawak ka ha?" "Yup! ready na." at humawak ito sa balikat ko. Napakislot ako gawa ng may kiliti ako doon. "Ay, Keila, wag na sa balikat, dito nalang" kinuha ko ang kamay nya at ipinuwesto sa bandang beywang ko. "May kiliti kasi ako sa bandang balikat." paliwanag ko dito. Pero kinakabahan talaga ako na hindi ko maintindihan. "Ah, ok cge, eh dito wala naman" sabay tusok sa tagiliran ko at napakislot din ako. "Hahaha, sa lahat naman yata may kiliti ka eh" natatawang sabi nito. Tsk! Maloko din pala to eh noh, syempre kiniliti niya ko... hehehe. "Kiniliti mo kaya ako, pero kapag nakahawak lang wala naman.... ikaw ha, praning ka din pala ha! Hahaha" nakangising sabi ko dito. "oh, hawak na ha, alis na tayo." at pinaandar ko na yung motor. Halatang hindi ito sanay umangkas sa motor, dahil kada mapapabilis ang takbo ko, napapakapit ito ng bongga at parang natatakot. "Ano nga palang course and year mo?" tanong nito. "4th year, Masscomm....ikaw?" "4th year din, Psychology" sagot nito. "Parang hindi kita madalas nakikita sa school?" sabi pa nito. "Ah, kasi nagtatrabaho ako kaya hindi ako naglalagi sa school after ng class ko derecho na ko sa trabaho." "Ah  kaya pala eh, kasi ako lagi talaga akong nasa school , gawa ng training namin." kwento nito. "Varsity player ka ng volleyball diba?" sabi ko dito. "Yup, alam mo?" takang tanong nito. "Ha? ano.. actually kahapon lang, nakwento lang nun kaibigan ko, lagi kasi nanunood sa inyo yun." "Ah, i see... sorry nga pala ulit dun sa nangyri kahapon  lalo na nung natapunan ka." sabi nito. "Naku, ok na yon, basta ingat nalang next time." Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa university. "Joey, thank you ulit ha. " "No problem. " sabi ko dito. "Kei!"  sabay kaming napatingin  ito nanaman yung babae na humahabol sa kanya kahapon, yung Lexi yata. Aalis na dapat ako pero biglang hinawakan ni Keila ang kamay ko. Biglang kumabog ang dibdib ko... "Lexi, ano nanaman ba?" sabi ni Keila. "Please, Kei, let's talk" sabi nung Lexi. "Im really sorry, hindi ko sinasadya yun." "Hindi mo sinasadya?Paano nangyari yun?Ano bigla niyo nalang naisip maglandian?Tapos ang nakakatawa pa, alam ng buong team!?" sagot ni Keila Tinignan ako nung Lexi at bumaba ang tingin nito sa kamay namin ni Keila. Hindi ko nanaman alam kung ano pumasok sa isip ko at pinag intertwine ko pa ang aming mga kamay. "Kaya naman pala ayaw mo na kong bigyan ng chance dahil nakahanap ka na agad ng ipapalit sa akin." sabi nito. "Oo Lexi, dahil si Joey sigurado akong hindi niya gagawin sa akin yang ginawa mo, kaya please lang, hayaan mo na ko." sabi ni Keila at hinatak na ako palayo kay Lexi. Nang medyo makalayo na kami ay nagbitiw na kami ng kamay. "Joey, sorry ha, pati tuloy ikaw nadamay pa." malungkot na sabi nito. "Ok lang, kung nakatulong naman sayo, why not diba?" nakangiti kong sabi dito. "So pano,  pasok na tayo baka malate pa tayo... ok lang yan!" "Sige! Bye Joey!" nakangiti ng sabi nito. "Bye Girlfriend! Hahaha!" biro ko dito at umakyat na papunta sa room ko. Girlfriend talaga? *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD