Keila's POV
"Bye Girlfriend!" natatawang sabi ni Joey at tumakbo na ito paakyat.
Naiiling nalang akong naglakad papunta sa kabilang building kung saan nandun ang room ng first subject ko
Masaya ako na nagkaroon ako ng bagong kakilalang tulad ni Joey.
Mabait ito at magaan kasama. Para bang napakadali lang ng lahat sa kanya.
Hindi ko lang maintindihan bakit para akong kinilig ng tawagin ako nitong girlfriend.
Kung physical appearance ang pagbabasehan may pagkaboyish siya, because of the way she dress, pero hindi naman masasabi na hindi straight kung yun lang ang basehan...
Ah ewan, basta masarap siyang kasama yun lang yun.
Pagpasok ko sa classroom, nandoon na si Lexi, same course kasi kami nito at blockmate na din.
Hindi ako naupo sa tabi niya, ngi hindi ko tinapunan ng tingin... ayoko na munang stressin ang sarili ko sa kanya.
"Bes, totoo ba?" si Faye, bestfriend ko.
"Oo, totoo yun tinext ko sayo best." sabi ko dito.
"Hay, ok lang yan best, hayaan mo na, digital ang karma alam mo yan! Hahaha!" sabi ni Faye.
"hay, anu pa nga ba?wala naman na rin magagawa, kaso sayang yung pinagsamahan namin ng 2 years" malungkot na sabi ko dito
"Best, kung siya nga di nanghinayang eh, so bakit ka manghihinayang?"
"Kasi mahal ko talaga siya Best." sabi ko dito.
"I know, pero siya naman ang sumira nun eh, siya dapat ang mas manghinayang... ok lang yan." sabi nito at tinapik tapik ako sa balikat.
Tumingin ako kay Lexi, masaya pa itong nakikipagusap sa cellphone... parang hindi ko naman siya makitaan ng panghihinayang.
Ano bang naging mali sa akin? Posible ba yun, yung bigla bigla nalang mawawala yung love sayo ng isang tao, despite of all the memories you've shared?
********
After ng class namin, pinatawag kami ni coach para sa isang meeting.
"Ok team, by next week start na ng training natin .. dahil in two months time, umpisa na ulit ng university league... Lexi, Keila, since it's your last playing year, siguro naman ayaw niyong grumaduate ng hindi ulit champion diba?" sabi ni coach
"Syempre naman coach." sagot ni Lexi.
"Kaya kailangan niyong mas magtraining mabuti... 6am ang morning training then 6pm naman ang night training natin, understood?!" paalala ni coach
"Yes coach!"
"Ok, cge see you on Monday!" dismiss sa amin ni coach.
Nang palabas na ako ng gym..
"Kei, wait!" tawag ni Lexi.
Huminto ako at inantay ko itong makalapit.
"Kei, please answer me, kayo na ba talaga nung Joey!?" tanong nito.
Bumuntong hininga ako... "Ano naman sayo ngayon? Wala naman na tayo diba?Mukha naman masaya ka sa ginawa mo, so anong problema mo ngayon?"
"Best! Tara, coffee tayo." si Faye... buti nalang at dumating ito... baka di ko mapigilan ang sarili kong umiyak nanaman.
"Lets go Best!" yaya ko dito at iniwan si Lexi.
"Let's talk it over a cup of coffee ." sabi ni Best.
*******
Joey's POV
"One Java chip and one mocha, venti, ok" double check sa pc, at ginawa ko na ito.
Nang ilalagay ko na sa cup, napansin ko ang pangalan na nandun sa isang cup.
Hmmm.. Kei? napangiti ako at naalala ko si Keila.
"Uy! Nangingiti ka pa diyan!" si Yaz
"Ha? Wala, may naalala lang ako." sabi ko dito at inabot yung order.
Seryoso? Nakangiti nga ba ako? Hay... anyare sa akin?
Nang kunin yung order, nacurious ako at sinundan ko ng tingin yung kumuha ng order.
Si Keila nga! Ok, wait kalma lang, bakit ba para akong nataranta... tsk! Anong meron sa akin.
Ewan ko ba kung anong naisipan ko at ikinuha ko siya ng isang blueberry cheesecake at ipinaabot dito.
Nagulat pa ito ng iaabot sa kanya ito at nagtanong siguro kung kanino galing kaya itinuro ako nung kasamahan ko.
Kumaway ako dito at nginitian ito.
She was surprised when she saw me, but then she mouthed "Thank you", and gave me a smile.
Yung smile niyang nagpapatulala sa akin..
Nagthumbs up lang ako at bumalik na sa trabaho.
"Ay sus! May pa blueberry cheesecake si Mayor! Hahaha!" pangaasar ni Yaz.
"Hahaha sira ka talaga!" sabi ko nalang dito.
"Pero infairness, pretty ha!" tukso ni Yaz.
Alam kong ramdam na rin ng mga kasamahan ko na my kakaiba sa akin, hindi lang sila nagtatanong ng direkta... siguro dahil na rin napapansin nila yon sa amin ni Rina, ilang beses na rin naman nila nakasama ito.
Kung pagbabasehan mo kasi ang kilos namin ni Rina, mapapagkamalan mong parang kami nga, dahil na rin sa napaka clingy nito.
"Lagot ka kay Rina!" singit naman ni Pau.
"Loko, bestfriend ko lang nga si Rina no!" sabi ko dito.
"Sus! Di halata ah, hahaha!" sabi ni Yaz
at nagtawanan nalang kami.
Bago umalis ng store sila Keila ay nagpaalam pa sa akin ito kaya todo kantyaw nanaman ang mga kasamahan ko.
Pero... kinilig ako?
*******
11pm na ako nakauwi sa bahay, dahil dumaan pa ako sa office ni Rina at dinalhan ko ito ng dinner, naglalambing kasi, gusto daw niya ng tapsilog dun sa malapit sa trabaho ko, kaya binilhan ko ito, night shift kasi siya ngayon.
Pagdating ko sa bahay, napansin ko na nasa labas si Keila ng bahay nila.
Anong ginagawa nito ng ganitong oras sa labas?
Ipinark ko muna yung motor sa loob ng gate, ng pupuntahan ko na ito, nandoon si Lexi at kausap ito.
Napahinto ako sa paglapit...
Nakita kong hinawakan nito si Keila sa wrist. Pinipilit kumawala ni Keila pero mahigpit ang pagkakahawak nito.
Sa itsura ni Lexi, mukha itong nakainom.
Hindi na ako nakatiis ng makita kong nasasaktan na si Keila.
"Keila!" tawag ko dito, at lumapit ako.
"Nasasaktan na siya, baka pwede mo na syang bitawan." sabi ko kay Lexi.
"Oh, nandito pala yung Joey mo weh!" sabi nito, binitiwan si Lexi at lumapit sa akin.
"Dude, kalma lang, hindi ako makikipagaway, ayoko lang ng nasasaktan si Keila." sabi ko dito.
Humarang naman si Keila sa harap ko. "Lexi please, tama na, umuwi ka na, maguusap tayo kapag matino ka na." sabi nito.
"Ilan beses mo na sinabing maguusap tayo pero hindi mo naman ako kinakausap, pinagpalit mo pa ko agad dyan!" galit na sabi nito.
"Look Lexi, we will talk ok, pero for now, umuwi ka na muna.. please?" pakiusap ni Keila dito.
Mukha naman napakalma niya ito, kaya tumango ito, sumakay na sa sasakyan at umalis.
"Ok ka lang ba?" tanong ko dito, at tinignan yung kamay niya, medyo namumula ito. "Bakit ba kasi alas onse na nasa labas ka pa?"
Bumuntonghininga ito... "Si Lexi kasi, magwawala daw siya kapag di ko siya nilabas... kaya lumabas na ko, bago pa umeksena yun dito, nakakahiya, kabago bago namin eh."
Sumandal ako sa may gate nila at nagcross arm...
"Ano pa ba kailangan niya sayo?" tanong ko dito.
Hindi ko alam kung bakit para akong nabadtrip sa ginagawa nito kay Keila.
"Gusto niya kasing makipagusap , about sa ginawa niyang panloloko sa akin, kaso lagi ko siyang iniiwasan."
Tahimik lang akong nakikinig dito..
Kaya pala lagi nalang itong tumatakbo or nagmamadali.
"Nahuli ko kasi sila nung kateam mate namin na nagmemake out sa dorm... ang masaklap pa dun, alam ng buong team yung ginagawa nila, pero wala manlang nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa akin." nakita kong tumulo ang luha nito.
"Hindi ko pa siya kayang kausapin, natatakot ako sa posibleng isagot niya sa mga tanong ko..... 2 years... tapos ganun lang ginawa niya." sabi nito at nagpunas ng luha.
Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort...
alam ko kung ano ang nararamdaman niya, kung gaano kasakit yung makita mo yung mahal mo na may iba...
Ilan beses ko na ba naramdaman yun kay Rina... di ko na yata mabilang, pero patuloy ko pa rin naman minamahal to.
Niyakap ko nalang ito.... baka kahit sa ganitong paraan mapagaan ko ang loob nya...
"Ok lang yan, you don't need to rush, kapag kaya mo na saka mo gawin." sabi ko dito.
Naramdaman ko itong gumanti ng yakap.
"Thank you Joey."
********