Joey's POV
Friday ngayon at wala akong pasok sa coffee shop, kaya naisipan kong tumambay muna dito sa school kasama sila Beks at ibang thesis group mates namin, para na rin pagusapan ang posibleng maging topic namin.
"Himala Joehayna, at natambay ka dito ngayon?" sabi ni Nicolas.
"Leche ka Kulas! isa pang tawag sa akin niyan, bugbog ka na talaga!" sabi ko dito.
"Ew! Kulas?! Pwede ba Beks, its Nicol." malanding sabi pa nito.
"Pwede rin ba Beks, its Joey!" at ginaya ko ang pagsasalita nito.
Kaya nagtawanan pati mga kasama namin.
"Joey, birthday ko tom. ha! Sama ka" yaya ni Ara, classmate ko na ito mula pa 2nd year at isang cheerleader.
"Saan ba and anong oras? May pasok kasi ako tom. eh." tanong ko dito.
" Sa Vbar, sa may BGC, gabi pa naman yun, may practice pa naman kami eh., kahit humabol ka lang." sabi nito. "Sama mo na rin si Rina if walang pasok."
Hmmm.. pwede, sana walang pasok si Rina...
"Ikaw ba Beks, pupunta ka ba?" tanong ko kay Nicolas.
"Nemen, nandun yata ang mga varsity noh! daming boylet, right Ara?!" sabi nito.
"True! basketball and volleyball varsities nandun siyempre." pagsangayon ni Ara.
"Oh my Gosh! Nandun si papa Philip!" tili ni Beks.
Binatukan ko nga ito... "Nyeta ka ang landi mo talaga!"
"Che! May sapi ka nanaman ng mga reyna ng mga amazona!" sabi nito at hinimas yung parteng binatukan ko.
"Kesa naman syo! Sinapian ng reyna ng kalandian!" sabi ko dito.
at nagtawanan na naman.
Ganito na kami nito kapag magkasama... laging nagaasaran.
Nang mapatingin ako sa may gawi ng gym, nakita kong palabas si Keila.
"Teka lang Beks ha!" paalam ko dito.
"San punta!?" tanong nito.
Hindi ko na ito pinansin at tumakbo na ko papunta kay Keila.
Nagulat pa ito ng makita ako...
"uy, Joey!" sabi nito.
"Hi!" bati ko dito.
Ngumiti naman ito. "San ang punta mo?" tanong sa akin nito.
"Hmmm... wala naman, nakita lang kita kaya nilapitan kita.. nakatambay kasi kami nung mga kagroupmates ko dun." at itinuro ko yung pwesto namin.
"Ah... akala ko may pupuntahan ka talaga eh." sabi nito.
"Ikaw? Wala ka bang klase?" tanong ko.
"Tapos na, ngpaalam lang ako kay coach na kukunin ko na yung mga gamit ko sa dorm." sabi nito.
" Ah... gusto mo tulungan na kita, wala namn akong trabaho ngayon eh." offer ko dito. Ewan ko ba bakit gusto ko siyang makasama.
Lately napapansin kong hinahanap hanap ko ang presence niya at medyo nawawala ang atensyon ko kay Rina.
Siguro dahil na rin sa busy si Rina masyado sa trabaho at magkataliwas ang sched namin.
"Sure ka? baka makaabala ako sayo ha." sabi nito.
"Syempre hindi noh, kung gusto mo lang naman." para kasing bigla akong nahiya, baka isipin din nito na gustong gusto ko talaga siyang samahan..... which is gusto ko naman talaga, hahaha!
"Well, if you insist, why not diba? Pero, im warning you, nandoon si Lexi ha." paalala nito sa akin.
"Hahaha... di naman ako warfreak eh, yung ex mo warfreak kapag nakikita ako." biro ko dito. "Oo nga pala, nagkausap na kayo?" tanong ko dito.
Umiling lang ito....
"I see.... so pano, kunin ko lang yung motor ko, antayin mo nalang ako dito." paalam ko dito.
Ngumiti lang ito at tumango.
Keila's POV
Nang makita kong palapit si Joey, biglang bumilis yung t***k ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag yung saya na naramdaman ko ng makita ko ito.
Everytime na nakakasama ko siya, nawawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Lexi... siguro dahil sa ok kasama si Joey. Nakakalibang din ang mga kwento niya.
Mayamaya lang ay nakabalik na ito dala ang kanyang motor.
"Tara, turo mo nalang sa akin ha." sabi nito, habang isinusuot ang helmet sa akin.
Sobrang lapit namin sa isat isa... hindi ko maiwasan tignan ito lalo na ang mga mapupungay niyang mata.
Ngayon ko lang napansin na mahaba rin pala ang kanyang mga pilikmata na lalong nagpapungay dito.
"Keila!" tawag sa akin nito.
Sh*t! Nakakahiya!
Nang tignan ko ito, abot tenga ang ngiti.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?"patay malisyang tanong ko dito.
Umiling lang ito, pero nakangisi pa rin.
"Tara na!" yaya nito.
Dahil nasa loob lang din naman ng vicinity ng university ang dorm, ilang mins. lang ay nakarating na din kami agad.
"Dito nalang kita aantayin ha." paalam nito.
"Sure ka? Pwede naman dun sa loob." sabi ko dito.
"Hindi na, baka nandun yung warfreak mong ex, hahaha!" biro nito sa akin.
"Hahaha! Sira ka talaga! cge kaunti nalang naman yung kukunin ko." sabi ko dito at pumasok na sa loob.
"Kei!" si Joyce, team captain namin.
"Cap. kukunin ko lang yung mga naiwan kong gamit." sabi ko dito.
"Baka naman pwede pa natin tong ayusin?" sabi nito.
"Dont worry Cap, tapos na yun, nangyari na eh, kalimutan nalang, pero hayaan niyo na ko sa desisyon ko, and nagpromise naman ako kay coach, hindi makakaapekto ito sa team." paliwanag ko dito.
Hinawakan ako nito sa kamay...
"im really sorry sa nangyari, sana naintindihan mo rin kami, ayaw lang namin makielam, pero believe me, hindi kami nagkulang sa paalala kay Lexi at kay Ann."
Pilit akong ngumiti dito.... "Alam ko naman yun Cap., pero masakit lang kasi talaga yun nangyari, 2 taon ng buhay ko, sa kanya lang halos umikot." hindi ko nanaman naiwasan lumuha.
Bwisit!. Lagi nalang, kada mapapagusapan to, hindi ko maiwasan maiyak, hindi ko alam kung dahil ba nasasaktan pa ko or dahil nagmukha akong tanga!
Pinunasan ko ang luha ko at umakyat na sa kwarto namin ni Lexi.
Pinaglalagay ko nalang lahat sa bag na dala ko yung mga damit na naiwan ko at ilang libro.
Bago ako tuluyan lumabas ng kwarto, tinignan ko muna ito. Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot.
Mamimiss ko tong kwarto na to... 3 years din akong nagstay dito ah.
Nang makababa na ako, nandoon na yung ibang kateam ko...
"Kei, sure ka na ba talaga?" si Trish, isa din sa mga kaclose ko ng sobra sa team.
"Ano ka ba, hindi ako aalis ng team, dito lang sa dorm, wag kang OA dyan ha!" biro ko dito, to lighten up the mood.
Ramdam ko kasi na nagiguilty pa rin ang mga ito.
"Guys! Cheer up! Tapos na yun ok, wala kayong kasalanan dun." sabi ko sa mga ito at ngumiti.
Ngumiti din ang mga ito.
"Ang lakas din naman ng loob mong pumunta dito eh no!" boses mula sa labas.
Teka, boses ni Lexi yun ah.... si Joey!
Napatakbo kami pareparehas sa labas.
Nakacross arm lang si Joey at nakasandal sa motor. Cool na cool pa ito.
Lumapit ako sa dalawa.
"Bawal ba?" tanong ni Joey.
"Oo, at ayokong nakikita kang umaaligid aligid sa girlfriend ko." sabi ni Lexi.
"Ex-girlfriend sa pagkakaalam ko." sabi ni Joey.
"Lexi, please!" sabi ko dito.
"What? Totoo naman diba, wala pa tayong formal break up, kaya tayo pa rin?" sabi ni Lexi. "Saka alam kong hindi mo ko basta basta ipagpapalit sa isang katulad lang nito." sabay duro kay Joey.
Nagulat nalang ako ng bigla akong hatakin ni Joey at halikan sa aking labi... siguro it lasted for 8 seconds.
8 seconds.... 8 seconds tumigil ang pagikot ng mundo ko...
Nagulat din si Lexi at ang mga kateammates ko.
"Ano pang pruweba gusto mo para maniwala ka?" sabi ni Joey dito. Kinuha ni Joey ang dala kong bag at sinuot sa akin ang helmet.
"Tara na Babe!" sabi nito sabay smirk kay Lexi.
Babe? Seryoso Joey?