PROLOGUE
MARIZ “IZZY” VILLORIA
Minsan, ang mga pangarap ay parang bituin—maliwanag pero mailap. At kung minsan, kailangan mong suungin ang dilim bago mo makita kung alin ang talagang para sa ’yo.
“Hoy, ’Nay! Seryoso ka ba talaga dito? katulong? Sa Maynila pa?” reklamo ko habang bitbit ang maleta kong halos mas malaki pa sa akin.
Si Nanay, kunot-noo pero may halong tawa, “Oo, anak. At ’wag ka ngang maarte. Basta’t trabaho, kahit katulong, malinis na hanapbuhay. Pambili ng bigas, pambili ng load, pambili ng shampoo mo na special pa!”
Napangiwi ako pero ngumiti rin. Tama si Nanay. Para sa pamilya naman ’to. Kahit maid ako sa Maynila, maid with dignity naman! Charot.
“Grabe, parang ibang planeta pala talaga ’to,” bulong ko sa sarili ko habang nasa jeep. Kaliwa’t kanan ang mga ilaw, ang daming tao, tapos may Grab, may Angkas, may hindi ko maintindihang mga app na ginagamit nila. Sa probinsya kasi, ang pinakamasosyal naming transpo ay padyak!
Kung merong award para sa “Pinakamalaking Bag na Nadala sa Jeep,” ako na siguro ’yon. Bitbit ko ang maletang halos kasing laki ko, at tuwing bababa ako ng jeep, pakiramdam ko nagdodonate ako ng relief goods.
Finally, dumating ako sa mansion ng magiging amo ko. As in, mansion na may gate na puwedeng gawing basketball court, may garden na mas malaki pa sa plaza namin sa baryo, at may chandelier na mukhang mas mahal pa sa buong bahay namin.
“Grabe. Kung sa baryo, may chandelier din kami… gawa nga lang sa tansan at Christmas lights,” bulong ko sa sarili ko.
“Hija, dito ka na. Ikaw ba ang bagong katulong?,” sabi ng mayordoma. “Ikaw ba si Mariz?” tanong nito sakin.
Tumango ako, nakangiti. “Ako po. At wag po kayo mag-alala, sanay akong maglaba, magplantsa, magsaing, pati magluto ng sinigang na walang sabaw... hehe accident lang naman po ’yon.”
Napailing siya pero natatawa. “Mukhang ikaw ang magpapasaya dito sa bahay. Sige, halika, ipakikilala na kita kay Sir.” saad nito at naglakad na kami sa kung saan man sa loob ng mansion na to, grabe! sala ba to? o lobby sa mall?
Maya maya pa ay may kung sinong anghel-- este lalaking pababa mula sa hagdan. Parang laging nasa runway ng fashion show. Polo na puti, trousers na plantsado, at wristwatch na baka presyo pa lang ay pambili na ng isang ektarya ng palayan sa probinsya.
“Sir,” tawagni Ate Linda.
Wow sya pala ang magiging boss ko? ang hot ah? ha? gaga izzy ano bang iniisip mo?!
“ito na po ang bagong maid.” ani Ate linda at hinawakan ako sa braso para iharap sa boss namin.
Tumigil siya saglit, tumingin sa akin. Straight face. Walang emosyon.
So siyempre, ako, ngumiti ng todo. “Good morning, Sir! ako po si Mariz Villoria , Izzy nalang po for short.. Hmm, wag po kayong mag alala, marunong po akong maghugas ng pinggan. At magluto ng itlog..sunog nga lang minsan pero at least luto, ’di ba?”
Tahimik lang siya. Yung tipong blank stare.
“Hmm. Probinsyana ka?” tanong niya, malamig ang boses.
“Opo, Sir! Fresh from the mountains!” biro ko pa.
Napakunot siya ng noo, tapos umiling. “Just… do your job. That’s all.” At umalis na siya.
Ako naman, napabulong, “Wow, lakas maka-iceberg ni Kuya. Titanic na lang ang kulang.”
Nakatingin lang ako sa lalaking naglalakad palabas, at sumakay sa nakaparadang magarang sasakyan.
Ang unang araw ko? ay simula pala ng riot habang nandito ako sa Mansion kasama ang mga kapwa ko Katulong, at ang Boss kong ubod ng sungit.
Maid in Manila, Loved in Secret.