(Mariz Pov) Minsan, gusto ko talagang sabunutan ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong mas nakakahiya, yung muntik na kaming maglaplapan ni Sir Gabriel kagabi, o ’yung halos hindi ko ma-straighten ang paglalakad ko kaninang umaga dahil parang may sariling isip ang tuhod ko. Grabe. Ang kapal ng mukha ko kagabi! Paano ko naisip na okay lang yung titigan namin na parang teleserye moment? Eh hello, maid lang ako! Siya? Isang Gabriel Alcantara..mayaman, gwapo, kinakatakutan ng mga taga rito sa mansyon kahit wala namang nakakatakot sakaniy? “Hoy, Mariz!” sigaw ni Ate Linda mula sa kusina. “’Wag kang ngingiti-ngiti d’yan mag-isa, para kang nasapian!” “Ay hindi po, Ate Linda!” Mabilis kong tinakpan ang mukha ko. Syempre, nararamdaman kong namumula na naman ako. Jusko, kung makapang-asar si At

