(Mariz Pov) Umaga pa lang, parang mabigat na agad ang paligid. Ang init ng araw, pero ang lamig ng pakiramdam ko. Para bang lahat ng sigla ko nitong mga nakaraang linggo ay bigla na lang nawala. Habang nag-aayos ako ng mesa sa dining hall, naririnig ko ang hakbang niya. Si Sir Gabriel. Dati, kapag nadidinig ko ang mga yabag niya, automatic na nanlalamig ang kamay ko, nanlilito ako kung saan ako titingin, at may kung anong excitement na kumikirot sa dibdib ko. Pero ngayon… wala. O siguro, pinipilit kong wala. Nagtama saglit ang tingin namin. Ako na mismo ang bumati, “Good morning, Sir.” Isang mabilis na tango lang ang sinagot niya. Walang ekspresyon. Walang dagdag na salita. Parang ako’y isa lang na hangin na dinaanan niya. Kung dati, kuntento na ako kahit isang simpleng ngiti lang niy

