(Gabriel's Pov) Tahimik ang loob ng sasakyan habang bumabagtas ako pauwi ng mansion. Malalim na ang gabi, ngunit mas lalong malalim ang bigat sa dibdib ko. Sa tabi ko, nakaupo si Clarisse...isang dating kaibigan ni Andrea, na matagal ko nang alam na may lihim na pagkagusto sa akin. Kanina sa bar, siya ang lumapit. Sa dami ng iniinom ko, wala na akong lakas para tanggihan siya, kasi sa totoo lang, kailangan ko ng distraction. Pero kahit anong gawin ko mukha pa rin ni Mariz ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Ang tawa niya. Ang mga mata niyang laging kumikislap kapag nakikita ko siyang masaya habang kausap yung Patrick nayun! Ramdam ko ang init ng palad ni Clarisse nang hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho ako. "Hindi ka parin nagbabago, Gabriel," bulong niya. "Tahimik pero

