(Gabriel's Pov) Hindi ko alam kung bakit pinapayagan ko ang sarili kong mapagod sa umaga pa lang. Kung tutuusin, sanay na ako sa tahimik na bahay. Ang mansyon na ito, for years, naging simbolo ng control at routine. Walang ingay. Walang drama. Walang… Mariz. Pero simula nang dumating siya, hindi na ako makainom ng kape nang hindi may kasabay na maingay na boses mula sa kusina. At kanina, habang sumisigaw siya ng kanta na halos wala sa tono, muntik ko nang ibagsak ang hawak kong laptop. Kung ibang tao siguro iyon, matagal ko nang pinalayas. Pero siya? Hindi ko magawa. Nakita ko siya kanina, nakatalikod, nakatali ang buhok, pawisan sa harap ng kawali habang pinaglalaruan ang tuyo. At kahit obvious na palpak na nasusunog, nakangiti pa rin siya na parang walang problema sa mundo. Tapos, n

