CHAPTER 9

1530 Words

(GABRIEL'S POV) Tahimik ang buong mansyon. Ang tipong katahimikan na sanay na akong kasama walang ingay, walang istorbo, walang kalat. Pero nitong mga nakaraang araw, parang nagkaroon ng sariling ugong ang mga dingding. At ang pangalan ng ugong na iyon... Mariz. Kung saan siya dumaan, laging may kaluskos. Kung hindi naglalaglag ng tsinelas, sumisigaw ng, "Ay, aray!" dahil natapilok sa sarili niyang paa. Kung hindi kumakanta ng sintunado habang nagwawalis, kinakausap ang walis mismo. At ang mas nakakainis? Nadarama kong inaabangan ko ang ingay na iyon. Kanina, habang nakaupo ako sa opisina ko, dinig ko mula sa kusina ang boses niya. "Uy, Walis Tambo, ikaw na naman ang kasama ko. 'Wag ka na magsungit ha, kasi naiinis na ako sa pagsusungit ni Coloring Book. Kala mo naman kung sino e par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD