CHAPTER 6

810 Words
(MARIZ POV) Kung teleserye lang ang buhay ko, swear! Yun na yung slow-motion moment ko. Imagine nakatapak na ako sa hagdan, dala ang tray, then boom! muntik na akong sumemplang, pero ayun siya si bossing, si Sir Gabe, ang supladong walang ngiti, biglang naging knight in shining… polo shirt. As in, nahawakan niya ako. Sa braso. Mahigpit. Mainit. At parang tumigil ang mundo. “Are you okay?” sabi niya. Woaaah, may boses pala siya! Hindi pala automatic “hmp” lang o “focus” lang. At ang soft ng tone. Hindi yung parang teacher na nagagalit kasi wala kang assignment. At syempre, ang lola niyo, napa-“O-opo… I mean, yes, Sir! Okay lang ako. Hindi pa po oras para ma-ospital.” Napakagat ako ng labi habang binabalikan yung eksena. Ay Diyos ko. Sino bang maid ang nagiging leading lady sa ganitong set-up? Ako lang yata. --- Pagbalik ko sa kwarto, hindi ako mapakali. Nagpaikot-ikot ako parang turumpo. Nakatitig ako sa ceiling, tapos sa pader, tapos bumagsak ako sa kama, hawak yung unan. “Mariz, what are you doing?!” bulong ko sa sarili ko. Kung may CCTV si boss dito sa kwarto ko, baka iisipin niyang nababaliw na ako. “Okay, calm down. Hindi ka kilig. Hindi ka kinikilig. Hindi ka...” Sumigaw yung puso ko Kinilig talaga ako!! “Ay leche,” napahiga ako nang tuluyan. Pero in fairness ha, hindi biro yung pagkakahawak niya. Yung tipong kung binitiwan niya ako, diretso ospital ako. Pero hindi, eh. Parang determined siya na wag akong masaktan. At grabe, ang lapit ng mukha niya. Amoy ko pa yung pabango niya. Yung tipong kahit sampung sabon ang gamitin ko, hindi ko kayang gayahin. Ang bango, besh. Yung tipong pabango na nagsisigaw ng “I’m rich, back off” pero sabay “pero kung type kita, lapit ka.” Ewan ko ba. Pero promise, nung sandaling yun, gusto kong maulit. Tumayo ako bigla at humarap sa salamin. “Hoy Mariz, magising ka!” sabi ko, tinuturo ko sarili ko. “Hindi siya prince charming! Siya ang kontrabida. Siya yung boss na walang pakialam kung mabuhay ka o hindi. Nung nagkakape ka nga kahapon, parang gusto ka na niyang palayasin, naalala mo?!” Huminga ako nang malalim. “Pero… bakit parang iba?” Naalala ko bigla yung mukha niya pagkatapos. Yung tipong pilit niyang pinapanatili yung malamig na expression, pero halata na parang… nag-panic siya. Hindi ko nga ma-imagine ang isang Gabriel Alcantara ay natataranta. Pero nung oras na yun, parang nakita ko. At sa isip ko, Ha! Nataranta siya dahil sa akin! Ayun, napatalon ako sa kama ulit. Nagtaklob ng unan sa mukha. “Shocks, baka may gusto siya sa’kin…” Tapos natawa ako ng malakas. “Asa ka pa, Mariz! Maid ka lang! At siya? CEO. Business tycoon. Mr. Suplado ng taon.” Pero teka… hindi ba ganun din sa mga pocketbooks? ‘Yung simpleng babae, tapos biglang mai-inlove yung mayamang boss? Hindi kaya ito na ‘yun? Napahinto ako. Tumingin sa kisame. “Hoy Diyos ko, wag mo kong pinaglalaruan.” --- Kinabukasan, habang naglilinis ako ng sala, hindi ko mapigilan ang kilig. Kahit hawak ko lang ay basahan, feeling ko wand siya. Parang ako si Cinderella. At kapag dumating si Sir Gabriel, baka bigla akong maging princess. “Mariz, wag kang assuming,” bulong ko habang pinupunasan yung mesa. Pero habang ginagawa ko yun, biglang pumasok siya sa sala. Nakapolo. Seryoso ang mukha. Napahinto ako. Nagulat siya na nandun ako, tapos ako, parang natulala. Yung tipong kumislap pa yung pawis ko sa noo dahil sa ilaw. He cleared his throat. “Good morning.” Ayyyy! Good morning daw! Napakapit ako sa mesa, kunwari kalmado. “G-good morning din po, Sir!” Narinig ko boses ko. Ang taas ng pitch. Para akong hatching na sisiw. --- Habang lumakad siya papunta sa dining area, hindi ko alam kung saan ako titingin. Parang biglang nag-slo-mo ulit yung paligid. Tapos naisip ko, Mariz, this is it. The start of your lovestory. Pero bago ko pa marealize ang fairy tale fantasy ko, nagsalita siya. “Mariz, wag ka na ulit magbitbit ng tray sa hagdan. I told the driver to help.” Yun lang. Plain. Diretso. Parang walang spark. Parang hindi man lang siya apektado kagabi. At ako? Naiwan nakanganga, hawak yung basahan, parang tanga. --- Pag-alis niya, bumagsak ako sa sofa. “Ano ba ‘yan! Akala ko pa naman may something na.” Napatingin ako sa basahan sa kamay ko. Tapos kinakausap ko siya. “Hoy basahan, ikaw na lang ang soulmate ko.” Tapos natawa ako ng malakas. Pero kahit anong tawa ko, hindi ko maitatago yung kilig. Yung simpleng pag-aalala niya, kahit practical lang, parang enough na para isipin kong… baka may chance. At kung wala man? Edi okay. At least, kahit isang segundo, ramdam kong leading lady ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD