bc

The Heart of a Ruthless Lawyer

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
serious
mystery
city
office/work place
small town
enimies to lovers
war
like
intro-logo
Blurb

Kasimira Morgan

Babaeng na babalot ng takot at pangamba. Nag tatago sa isang Isla malayo sa karamihan para itago ang mga magulang na hinahabol ng mga autoridad. Naniniwala ang dalaga na walang kasalanan ang mga magulang kaso mas pinili nilang mag tago dahil malinaw sa pamilya morgan na ang hustisya ay para lamang sa mga mayayaman.

Mabuting tao ang mga morgan kaya ng minsang may napapadpad na isang binata sa isla ay agad nilang tinulungan. Lorcan Valerio nag pangap bilang isang toristang nahulog sa bangka at napadpad sa Isla. Isang kinakatakutan ng lawyer dahil wala pang itong kasong napatalo. Walang kinakatakutan, ipag lalaban nya at ipapanalo ang kasong hawak kahit guilty ang kliyente basta milyong ang binayad. Lahat ng kilos at galaw ng binata ay bayad, naniniwala ang binata na ang bumubuhay sa mundo ay pera.

At ang plano ni Lorcan Valerio ay ma ilabas sa publiko ang pamilya morgan para maikulong at humimas ng silda. May tyansa nga bang mag bago ang pasya ng binata kung ang pana na ni kupido ang humimas sa puso nito?

Nababago nga ba ng pag ibig ang pananaw ng isang tao tungkol sa buhay?

chap-preview
Free preview
Mira & Lorcan
"Maawa kayo, pakiusap!" Nag-susumamo ako sa mga kapulisan na huwag arestuhin ang mga magulang ko. Pero parang wala silang mga puso nang suotan nila ng posas ang kamay ng dalawang matanda. Parang binibiak ang puso ko sa sakit na makitang nakayuko ang dalawa at tahimik na humihikbi habang nakaupo sa kahoy na upuan. Nanlalambot ang tuhod ko habang lumalapit sa kanila, saka ako lumuhod sa harapan nila. Nang magtagpo ang mga mata namin, hindi ko na napigilan ang humagulgol. "Gagawa po ako ng paraan. Hindi kayo makukulong, pangako," matapang kong wika sa pagitan ng mga hikbi. Tumango naman ang dalawa sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinalikan ang mga ulo nila. Lumabas ako ng bahay at hinanap ang pulis na sa tingin ko’y may mataas na katungkulan, ang nag-utos na arestuhin ang mga magulang ko. Nang makita ko siya, agad akong lumapit. "Ms. Morgan, ano—" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang bigla akong lumuhod sa harapan niya. Alam kong sa ginawa ko’y para ko na ring ibinaba ang prinsipyo ko sa buhay. Pero kahit na, ang mahalaga ngayon ay huwag matulog ang mga magulang ko sa presinto. "Maawa po kayo, matanda na po ang mga magulang ko. Hindi na po nila kayang mabuhay sa kulungan," pagmamakaawa ko habang patuloy ang pag-iyak. Hindi ko magawang tumingin sa kanya; nakayuko lang ako habang nakaluhod. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat, na tila nagbigay sa akin ng kaunting pag-asa. "Tumayo ka na po diyan. Wala po akong magagawa. Sinusunod ko lang ang batas," aniya habang umiiling. Mas lalong lumakas ang hikbi ko sa narinig kong iyon. "Hindi. Hindi ako tatayo hangga’t may posas ang mga magulang ko," parang batang wika ko sa kanya. Yumakap ako sa binti niya at isinubsob ang ulo ko sa tuhod nito. Hindi ko na alam ang dapat gawin, wala na akong maisip na paraan. May kamay akong naramdaman na humawak sa braso ko at pilit akong hinihila palayo, pero nakapikit na lang ako habang patuloy na humihikbi. Hanggang sa hindi ko namalayang yakap-yakap ko na pala ang sarili kong tuhod. "Tama na. Tumayo ka na diyan. Hindi susi ng posas ang luha. Kahit umiyak ka pa ng isang drum, wala yang magagawa." Lumingon ako sa nagsalita. Para akong sinabugan ng paputok sa galit nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Nanlalambot ang tuhod ko ngunit matapang kong hinarap ito. Hindi ko napigilan, isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. "Kulang na kulang pa ang sampal na ’yan sa ginawa mo sa akin, at sa pamilya ko!" Hindi malinaw sa akin kung bakit niya nagawa sa amin ’to. Napakuyom ako sa kamao ko, halos bumaon ang mga kuko ko sa palad ko sa tindi ng gigil. "Anong nagawa namin sa’yo? Ha?!" Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at tinatanggap lahat ng mga salitang binibitawan ko. Lalo ’tong nagpatindi ng nararamdaman ko. Para siyang ibang tao ngayon, hindi ito ang Lorcan na nakilala ko. Hindi ko na rin mapigilan ang mga hikbing kusa na lang lumalabas. "Nagtiwala ako sa’yo. Pinapasok kita sa buhay ko. Pinapasok kita dito," sabay turo ko sa tapat ng puso ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang pag-iyak. Basang-basa na ang mukha ko, parang gripo ang luha ko na walang tigil sa pag-agos. "Kaya doble ang sakit na binigay mo sa akin. At nagsisisi ako. Dahil sa putang nararamdaman ko para sa’yo, napahamak ang pamilya ko!" Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration, habang inaalala kung paanong ipinagtanggol ko siya noon—na ngayo’y pinagsisisihan ko na. "Tama si Lucio. Hindi dapat ako nagtiwala sa’yo!" Tumalim ang mga mata niya nang mabanggit ko ang pangalan ng kababata kong si Lucio. Pero binalewala ko ito. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsasalita habang umiiyak. "Sa loob ng halos dalawang buwan na kasama ka namin, sana kahit papaano, naramdaman mo ang totoong buhay. Kasi kung may dapat kaawaan sa atin ngayon? Ikaw ’yon. Hindi ako. At lalong hindi ang pamilya ko." "Maging masaya ka sana sa ginawa mo sa amin." "Hahaha, sabagay wala namang duda, baka tumatalon ka na sa saya dahil nadagdagan na naman ang milyones mo." Mapakla ang tawa ko. Baka nga wala kaming mamahaling sasakyan, mga kumikislap na dyamante, o milyones sa bangko, pero alam ko, alam ng lalaking ito na masaya kami at puno ng pagmamahalan. "Pero tandaan mo, mula sa gabing ito wala ka nang puwang sa pamilya ko. At lalong-lalo na sa buhay ko. Hindi ka pa panalo, dahil lalaban kami sa’yo... Attorney Lorcan Valerio."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
103.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.2K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
41.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
48.9K
bc

The Forgotten Wife

read
43.5K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.6K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook