Two years later… “Thank you so much for coming Mr and Mrs. Lee.” Nakangiting wika ni Camerone habang magiliw na nakangiti sa mag-asawang Chinese. Sa araw na ito ginanap ang opening ng kaniyang maliit na art gallery sa isa sa mga pinakamataong syudad sa America, ang New York City. Mula nang hindi na siya nagkaroon ng balita kay Augustus ay dumating ang isang business proposal sa kaniya ng kaniyang high school classmate na isa ng restaurer sa nabanggit na lugar, si Paul. They met when she attended their last high school reunion at doon nga sila nagkausap tungkol sa plans nito. Hindi naman siya nag-expect na totohanin pala nito ang sinabi. Buong akala niya isang simpleng usapan lang iyon at kuwentuhan. Kasosyo sila sa art gallery pero siya ang namamahala. It’s Paul’s vacant commercial space.

