“Doc, doc Crystalle!” Isang tumatakbong nurse ang lumapit kay Cyrstalle ng mga sandaling iyon habang siya ay naghuhugas ng kamay. Kalalabas niya lang sa operating room mula sa goiter operation. Pagkapasok niya ngayong araw para sa panggabi na duty ay nagkaroon kaagad siya ng pasyente na operahan. “Why are you running?” kunot-noong tanong ng doktora. “May 50-50 po na pasyente sa emergency room. Kapamilya niyo raw po.” “What?” Mabilis na ibinalik niya ang suot na white gown at kinuha ang stethoscope na nasa mesa niya. Patakbo rin siyang sumugod sa emergency unit. Pagbungad niya sa pinto ay napamulagat ang kaniyang mga mata nang Makita si Dana at ang nakaratay na si Augustus na tagaktak ang dugo sa sahig. “Oh! His heartbeat is fading. Dalhin mo kaagad to sa laboratory para matukoy ang

