Isang puting halter dress ang isinuot ni Camerone ng araw na iyon. She made her own make-up lightly. Matapos niyang lagyan ng lip gloss ang kaniyang labi ay napangiti siya sa salamin at tumawa ng napakalakas. Yung tonong pang-witch na kontrabida sa mga buhay ng mga Disney princesses. Well, that’s natural. Masaya siya eh. Maisasakatuparan na niya ang maitim niyang balak. She brought a small envelop kung saan naroon ang mga fake documents na gagamitin niya. Well, hindi naman ito makikita ni Augustus dahil may dala siyang tote bag. “Ting!” Napasinghap siya nang marinig ang door bell, kaagad siyang nagspray ng pabango at hinagip ang dadalhing bag pagkatapos ay patakbong lumabas ng pinto. Pagkabukas niya ay napatda siya at napamaang. It was her groom in his god-like splendor. He wore a black

