----------------------- Six months later “Good Morning…” Napaangat ang tingin ni Camerone mula sa kakatipa ng computer keyboard nang marinig ang tinig na iyon. Kasalukuyan siyang nagta-type ng isang letter of intent para sa isang art expo na gaganapin sa Cebu. Gusto niyang sumali sa exhibit na iyon dahil marami siyang bagong pinta. All of her new paintings ay may pinaghuhugutan, love, hate and choices. Sa ngayon ay okay na siya. Mula noong insidente sa China ay kailanman hindi na nagkrus pang muli ang kanilang mga landas ni Augustus. Pero ang totoo’y hindi siya kampante at patuloy pa rin siyang binabagabag ng isip niya. Paano kung totoo ngang kasal na siya sa lalaking iyon? Paano kung legal pala ang lahat ng nangyari sa araw na iyon? Paano niya matatakasan at maputol ang ugnayan niya s

