Higad Isinuot ko ang biniling damit ni Anzai para sa akin. It's a white body hugging dress with v-shape neckline. Above the knee iyon at pinaresan ko ng killer black heels. Itinali ko ang aking buhok at naglagay rin ng kaonting make-up. I even stared at my cleavage at nakita ang malalim na paninitig ni Haze sa salamin na ngayon ay nagsusuot na ng coat sa kanyang white shirt sa loob. Nilingon ko siya. Magulo pa ang kanyang buhok habang binubutones ang bawat isa noon. Ngumuso ako at nagtungo sa kanya. Tumigil siya sa pagbubutones at tiningnan agad ang aking cleavage. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang panga, saka bumaba ang aking mga kamay sa butones. "I can't wait to punch someone later..." he said, magkasalubong ang kilay habang nasa aking dibdib parin ang mga mata. I chuckled.

