Dream Bago pa kami makarating sa kanyang kama ay may nagdoorbell na. Sapat na iyon para mahimasmasan ako. I stopped from kissing him back. Anzai groaned with my response at nakaawang pa ang namumulang labi noong iniwan ko ito. "May tao..." sabi ko. I can see the blazing fire in his eyes. Magulo ang kanyang buhok habang ako itong hinihingal. Tinapik ko ang kanyang braso para ibaba ako. The impatient visitor keeps on ringing the doorbell! Sino kaya iyan? Bumuntong ng hininga si Anzai at pinasadahan ng haplos ang buhok. Tila may ediya na siya kung sino ang nasa labas at mukhang naaatat nang pagbuksan. Hinuli niya ang aking palad at ipinagsalikop ang aming mga kamay. Dinala niya ako sa labas at sabay kaming bumaba. "Sino?" tanong ko. "Your mother-in-law..." ani Anzai. Huh? His Mommy?

