Disappointed "Gaano ba kalaki ang tiwala mo roon na hindi ka noon sasaktan?" tanong ni Dad, pagkatapos ng namayaning katahimikan kanina. Despite of the presence of the woman, ayaw ko paring magconclude. Nagseselos ako at para iyong virus na kumakalat sa buong sistema ko but I don't want to make a big deal out of it. Paano kung... kung mali pala ang hinala ko? Gusto kong makita sa mismong mga mata ko ang lahat bago akusahan ng kung anu-ano si Haze. "I'm one hundred percent sure," sabi ko. "Wow... You're trusting him too much." Nagulat si Kuya Blue na ngayon ay nakaupo sa balikat ng aking sofa at nakahalukipkip doon. "Mabait naman sa kanya, Dad. Maalaga at seloso," ani Kuya Red, nakapamulsang nakatayo. Tinaliman siya ng tingin ni Kuya. "Kaya paboritong paborito ka ni Elle dahil ang s

