Heartless Napagdesisyunan kong hindi icheck ang aking cellphone sa Summer na iyon. Pwede naman siyang pumunta rito nang hindi ako tinitext ah? Naisip ko rin, kung may balak talaga siya ay maghahanap siya ng paraan para makausap ako lalo na't nakahalata na siguro iyon na hindi man lang ako nagrereply. I want to see him make an effort. If a person wants you in his life, he'll make an effort. I held my pride with me. Inakyat namin ang pinakamataas na bundok para lang hindi lumagapak at magpakaalipin ulit sa nararamdaman ko para sa kanya. Nanatili ako sa bahay, hindi gumagala gala, nilibang sa ibang bagay ang sarili at araw araw ay naghihintay sa taong ni anino ay hindi talaga nagpakita. Maybe I trusted him too much? Maybe just like Ken who got fooled, who lost his precious someone, ay ga

