"Hi," ani Xenon agad na napatingala ang dalaga at napangiti.
"Hey!" Balik bati niya rito.
"May I join you?" Dadaria shrugged her shoulders giving Xenon the authority to do so.
"So you're alone? By the way I'm Xenon Sarin," tumaas ng kaunti ang kilay ni Dadaria. Masyado na kasing obvious na nag-iisa siya nagtanong pa. She hid her awkward smile.
"Hey bro, hi beautiful!" Nakangising ani ni Maki. Pigil tawang nginitian ito ng dalaga. Ang sama kasi nang tingin ni Xenon dahil sumunod pa ang mga kaibigan niya.
"Morons," mahinang ani ni Xenon. She bit her inside cheek dahil ang totoo ay hind na siya komportabe. Halos lahat ng atensiyon ng mga estudyante ay nasa kanila na and she hated it so much.
"So what's your name baby girl?" Nakangising tanong ni Grandi.
"Don't mind him he has STD," pabirong sabat ni Miguel. Nagsiupoan naman agad ito sa table niya. Nailang tuloy siya dahil halos lahat ng atensiyon na sa sa kanila. May naririnig na rin siyang bulong-bulongan.
"STD?" Tumaas ang kilay niya. Kahit hindi na sabihin ng kaibigan nito alam niyang posible talaga silang magka-STD lalo na't napaka-palakero ng mga aura. Mukha pa lang alam mo na kaagad na mukhang kama.
"Yea, stupid tardiness disease," iiling-iling na ani ni Maki. Inis na pinukpok ni Grandi nang hawak nitong C2 si Maki.
"Don't mind them baby girl I'm harmless," anito at sinuyod siya nang tingin.
"What's your name baby girl?" Tanong ni Maki. Tumikwas pa tuloy ang kilay niya sa endearment nito. Kung masapak niya ito kahit once lang tatawagin pa kaya siyang baby girl?
"I'm Isabelle Dadaria Slavinski," tipid na aniya. Ilang na ilang na talaga siya. Isama mo pa 'tong katabi nilang kanina pa nakatitig. Obvious naman siguro sa reaksiyon niya na hindi siya komportable sadyang napaka-tigas lang ng mga mukha nito kaya walang pakialam.
"Ang isa riyan pasimple pa. 'Pag si, Isabelle na tunaw diyan," tukso ni Maki kay Xenon na parang pinapakiramdaman lang ang ikinikilos niya. Agad na umasim ang mukha ni Dadaria sa sinabi ni Maki.
"f**k, not Isabelle please. Dadaria, na lang," she grunted. Agad na napanganga ang mga ito sa pagmura niya. Nagtaka naman si Dadaria.
"I see you're not used on girls cussing?" Bored na tanong niya. Nagsiilingan naman agad ang mga ito. Mga plastic talaga. Mga biased sila pwede mag-mura tapos 'pag babae kunwari hindi sanay?
"Actually, my girls cussed me a lot and it's freakin' turning me on," proud na ani ni Grandi. Miguel on the other side silently looked at Xenon. Na kung pwede lang manapak ay nasapak na sila. Nginitian niya ito at umubo.
"Ahem, brothers we need to go. Nag-text si coach kailangan niya tayong makita na except for, Xenon of course," alanganing ngiti na ani Miguel. Agad na napa-padyak si Grandi at bumusangot ang mukha ni Maki.
"Why?" Ungot pa nito.
"Shut up, Grandi. Baka gusto mo ng one hundred push ups and two hundred curl ups. Sige ka ubos lakas mo wala ng matitira sa mga babae mo," mapaglarong ani ni Miguel. Agad na umamo ang mukha nito at napakamot sa ulo niya.
Mukhang tumalab naman ang sinabi ni Miguel at tumahimik na ito. She bit her lips and stood up too.
"I need to go too male-late na kasi ako sa next class ko," nakangiting aniya at tumalikod na. Akmang sasabay ang binata sa kaniya ng walang lingong likod na naglakad na siya. Napangisi si Xenon sa likod ng dalaga na unti-unting lumalayo na.
"Challenging right?" Nakangising ani ni Miguel. Nakatingin lamang si Xenon habang naglalakad ang dalaga, napailing siya sa nasaksihan kanina.
"Spare her, she's not just like any woman you bedded," ani ng binata at tinalikuran ang mga kaibigan niya.
****************
"Mga palakero, Akala siguro wala akong alam sa mga da-moves nila," iiling-iling na aniya, napangiti naman nang maalala ang binata.
"Xenon Sarin," she murmured.
Bumalik na siya sa room nila at naka-pamulsa sa jeans niya. Nakaka-panibago dahil napaka-tahimik ng mga ito at nakangiti sa kaniya. Walang imik na umupo siya sa upoan niya katabi 'nung Watada na ngayon ay napaka-laki na nang ngisi sa kaniya.
"Hi Dadaria," bati ng babaeng humila ng buhok niya kanina. Tinaasan niya ng kilay ang babaeng nakangiti sa kaniya. Maganda ito napaka-unusual naman ata at nakipagkaibigan ito sa kaniya. Tiningnan niya lang ito at nagbuntong-hininga.
"Don't worry I'm harmless," nakangiting aniya. Tinitigan niya ito nang maigi at tinanguan.
"Oh by the way I'm Hannah, Hannah Olivares," inilahad nito ang kamay sa kaniya. Tinanggap naman niya ito at umub-ob na sa desk niya. She even heard her classmates murmuring. She doesn't even care. Mabilis na tumayo siya nang marinig ang bell. Tapos na ang klase niya ngayong araw. Buti na lamang at ang professor na lang nila ang pumupunta sa room hindi 'yung magpapagod pa sila. Bored na naglalakad ang dalaga papunta sa parking lot at dumiretso sa sasakyan niya. Hindi pa man siya nakasakay ay may nagsalita na sa likod niya boses pa lang alam niyang isa ito sa kaibigan ni Xenon ang mga hinayufuck boys.
"Wow! A lamborghini huh," nakangising ani ng binatang katabi niya. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Hey! It's me Maki," anito nang nakangisi.
"And I don't care," bored na sagot ng dalaga tsaka nginitian niya lang ito at dumiretso na sa kotse niya at walang pasabing pinasibad ito. She doesn't feel like talking anyway tinatamad siya.
"And it's nice meeting you," malakas na ani ng binata na nakataas pa ang kamay sa ere habang nakatingin sa kotseng papalayo na.
"So sad bud, akala ko pa naman lahat ng babae magugustohan ka," tinapik ni Grandi ang balikat niya habang nakakalokong ngumisi.
"Quiet challenging isn't she?" Tanong ni Miguel.
"Ni hindi nga ako kinausap. Damn! Who's that girl," palatak ni Maki.
"O, bro bakit busangot ang mukha mo riyan?" Tanong ni Grandi kay Xenon.
"I told you to spare her," seryosong ani ng binata.
"Whoah! Kakaiba yata ang pinagsasabi mo ngayon tinamaan ka ba ni kupido?" Namamanghang tanong ni Grandi. Xenon just shrugged his shoulder and went inside his car.
"She's mine," tanging sabi nito at mabilis na pinaharurot ang kotse. Naiwan naman ang tatlo na umiiling.
"Sa tingin niyo titino na kaya ang kumag?" Tanong ni Maki.
"Ewan alam mo namang lately palagi ng magkasama si Xenon at Kuya niya na sobrang weird. Delikado kung na-contaminate na ng pagka-cleanfreak ang kaibigan natin," nag-aalalang ani ni Grandi na sinang-ayunan naman ng dalawa.
******************
"Anak kailan ka pa ba magdadala ng nobya rito sa bahay? Naiinip na ako," nagtatampong ani ng mommy niya. Kaya ayaw na ayaw niyang umuwi rito sa bahay nila dahil napaka-kulit ng mommy niya.
"Diyos ko naman, Xenon 'wag naman sanang umabot ka pa ng thirty-six bago mag-asawa baka patay na ako 'nun," litanya ng ina niya. He closed his eyes and breathed heavily.
"Mom, I swear mag-aasawa agad ako 'pag nakita ko na ang babaeng para sa'kin," naiinis na aniya. Walang araw na hindi siya pinaalalahanan ng mommy niya na maghanap na ng girlfriend.
"Magtapat ka nga, Xenon bakla ka ba?" Tanong ng mommy niya. Sasabog na yata ang ulo niya sa pinagsasabi ng Ina niya.
"Mom, promise bukas dadalhan kita ng babae rito to prove you I'm not gay," frustrated na aniya. Agad na lumapit sa kaniya ang Mommy niya at ngumiti nang matamis.
"Talaga? Promise 'yan anak ha. Alam mo kasi napaka-lonely na ng buhay ng Mommy mo. Kailangan ko na naman ng bagong apo," magiliw na anito. Mabilis na napatayo ang binata.
"Mom, ang sabi mo girlfriend ngayon naman apo ano ba naman 'yan?" Yamot na aniya. Mabilis na pinalo ng ina niya ang kaniyang balikat.
"Baka sakali lang naman anak," nakangiting aniya. Xenon heaved a very deep sigh.
"Alis po muna ako," paalam niya sa Ina. Agad na sumama ang timpla ng mood nito.
"At saan ka na naman pupunta?" Nakataas ang kilay na ani nito.
"hindi ba gusto mong may girlfriend ako? Now, I'm gonna find one," inis na aniya. Lumapad naman agad ang ngisi ng ina niya.
"Good, may bagong sasakyan ka bukas," nakangiting anito. Agad na lumaki ang ngisi niya't hinalikan ito sa pisngi. Ano pa kaya kung bibigyan niya ito ng apo baka bigyan na siya ng private jet with an island.
"Gotta go Mom, I will take care of myself," nakangiting aniya. Agad na nag-approved sign ang ina niya. Kahit na sobrang weird ng mommy niya hinahayaan niya na lang ito minsan dahil sobrang mahal niya ito. Akala niya talaga dahil nag-asawa na ang Kuya Marco niya okay na ang lahat. Mabilis na pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan papunta sa isang exclusive club. Bumaba siya agad sa sasakyan niya nang makapag-park na sa parking lane.
Pumasok na siya sa loob at umupo sa bar counter. Maraming babae ang lumalapit sa kaniya subalit kalaunan ay umalis na rin dahil hindi niya ito pinapansin. Nagsimula ng maging crowded ang danc floor dahil sa EDM na pumailanlang sa loob ng club. Mabilis na umangat ang tingin niya nang makita ang babaeng naka-suot ng headphone at naka-pikit. Pakiramdam niya ay nawala lahat nang iniisip niya. Nakatitig lamang siya sa magandang mukha nitong seryoso at ramdam na ramdam ang musika.
"Kapatid 'yan ng boss namin sir," ani ng lalaking bartender. Mas itinuon niya ang tingin dito. Hindi niya kasi masiyadong maaninag ang mukha dahil sa iba't-ibang lights.
"Do you know her name?" Tanong niya rito.
"Si, Ms. Dadaria 'yan sir," nakangiting ani nito. He just looked at the woman above playing with the gadgets. Parang mas lalo pang lumalim ang paghanga sa dalaga kahit na kanina niya pa ito nakita at nakilala. Para itong magnet na pilit siyang hinihila.
"Ang ganda Sir no? Pero napaka-palaban niyang si Ma'am. 'Nung minsan may nag- wild dito ibinalibag niya ayun tulog," puno ng paghangang ani ng bartender. Tumango lamang siya. Hinintay niyang matapos ito at lumabas. Tinungga niya ang huling alak at nag-iwan ng bill bago lumabas at sinundan ang dalaga. Nakita niya itong nakaupo sa ducatti at inaayos ang buhok. Agad na nilapitan niya ito. Hindi pa man siya nakalapit ay napaatras siya ng mabilis na may nakatutok na sa kaniya na swiss knife.
"Hey," mabilis na aniya. Dadaria sighed and looked at him.
"Akala ko kung sino na," walang paki na aniya. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti.
"What do you want?" Tanong nito. He just shrugged his shoulders and put his hands on his pocket.
"I saw you playing there you're good," komento niya.
"Thanks," tipid na aniya.
"Bakit ka pala nandito sinusundan mo ba ako?" Direktang tanong ng dalaga. A small smile crepted on Xenon's lips.
"Yea," sagot nito. Agad na tiningnan siya ng dalaga at tumawa.
"Very honest I see, hindi mo yata kasama ang hinayufuck gang mo?" Tanong ng dalaga. Natawa naman agad ang binata sa narinig na term mula sa kaniya.
"Do I need to be with them always?" Balik taong ng binata sa kaniya. Agad naman siyang ngumisi at napailing.
"Right, so stupid of me," nakangiting aniya.
"When did you learn about it?" Tanong ng binata tinutukoy nito ang pag-d-dj niya.
"When I was still 5 years old," sagot nito.
"Ikaw bakit pala napadpad ka rito?"
"To escape my Mom," simpleng saad niya. Tumaas ang kilay ng dalaga sa narinig.
"Escape your Mom?" Parang 'di makapaniwalang tanong ng dalaga.
"Yea, she's always bugging me about having a girlfriend, and I know it's absurd. Na-trauma kasi sa kuya ko na 36 na bago nag-asawa," napapailing na ani ng binata at ngumiti.
"That's funny, your Mom is a great mother," komento ng dalaga.
"Because she is," ani ng binata. Naalala tuloy ni Dadaria ang Ina niya na palaging problemado dahil sa kaniya.
"Wala ka bang girlfriend? Kasi sa tingin ko sa guwapo mong 'yan hindi ka mahihirapang magkaroon ng girlfriend. Marami ang magkukumahog sa'yo," seryosong ani ng dalaga.
"Kasama ka ba roon?" Tanong ng binata. Agad na natigilan ang dalaga at tumawa nang malakas.
"Of course not, wala akong planong magkaroon ng boyfriend," ani ng dalaga. Agad na natigilan ang binata sa sagot niya.
"Why?" Tanong nito.
"Ayaw ko lang kailangan pa ba ng rason kung bakit?" Nakangiting sagot nito sa kaniya. He laughed at her.
"You're smart," puri niya rito. ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ng dalaga at tiningnan ito. Kaagad na sumeryoso ang mukha nito.
"Anyway, I need to go," ani ng dalaga at pinaandar ang motor niya.
"Nice talking to you. Kung may maitutulong ako sa problema mo don't hesitate to approach me," nakangiting aniya at pinaharurot na ang motor nito. Xenon was left very amazed.
Tbc
zerenette