Kabanata 4

2189 Words
Mahaba ang hiningang napatago ang dalaga sa likod ng punong kahoy at agad na kinasa ang baril niyang kare-reload lang ng bala. Naririnig pa niya ang putokan sa 'di kalayuan. Mabilis na yumuko siya at tumakbo papasok sa isang bodega. Para siyang nililipad sa alapaap sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib at pakiramdam niya'y nililitaw siya sa hangin. Alas-onse na ng gabi, kung ang iba ay payapang natutulog heto siya't nagbubuwis-buhay. Kasalukuyan silang may rescue operation sa mga minors na pilit nire-recruit para gawing s*x slave sa ibang bansa. Bagama't delikado ay hindi nila pwedeng isawalang-bahala lalo na't ngayong gabi ang transaction nito sa mga parokyanong hayok sa pera at laman. "Diyan ka lang," ani ng malalim na boses. Agad siyang napatigil at itinaas sa ere ang kamay niya. "Stay where you are, ibaba mo ang baril mo," utos nito sa kaniya. Parang lalabas na sa ribcage niya ang puso sa lakas nang kabog. Lumapit sa kaniya ang lalaki at hinablot ang hawak-hawak niyang baril. Walang alinlangang nilingon niya ito at mabilis na hinawakan ang pressure points sa katawan saka malakas na sinuntok ang leeg. Agad itong napaatras at nawalan ng balanse sa lakas ng puwersang tumama sa leeg subalit nahawakan nito ang kamay niya kaya't sabay silang natumba. Napa-igik ang dalaga sa kahoy na tumama sa likod niya. "f**k!" She grunted cursing. Nanlaki ang mga mata niya nang muntik na siyang tamaan sa hawak ng lalaki na dos por dos. Tumayo siya at tinakbo ang pagitan ng lalaki at malakas na sinuntok ito sa mukha. Sapol dahilan para dumugo ang ilong nito. "Tangina mong babae ka," nangigigil na ani ng lalaking may kalakihan ang katawan. Hindi niya pwedeng maliitin ang kakayahan nito lalo na't matangkad at napaka-toned ng katawan parang Derek Ramsay. "Magpahuli ka na lang para wala ng problema," nakangising ani ng dalaga. Ngumisi naman ito nang nakaka-loko at iniikot ang ulo. Mabilis na kinuha nito ang walang laman na drum sa gilid at ibinato sa kaniya. "Dream on b***h," malakas na anito at humalakhak. "s**t," mura niya at mabilis na tumalon papunta sa gilid. Natamaan pa yata ang paa niya. "Come here baby," parang demonyong anito saka hinila ang paa niya at mabilis na binuhat siya't malakas na ibinato sa pader. "Ugh," mahinang ungol niya. Para na yatang umiikot ang paningin niya. She can taste blood on her lips. Ramdam niya ring may umaagos na dugo mula sa noo niya. She tried to stand up but she can't. Sumasakit ang paa niya. "Tingnan mo nga naman," nakangising lumapit ito sa kaniya saka mahigpit na hinila ang mataas niyang buhok. "Bitiwan mo ang buhok ko," matigas na aniya. Tumawa ito nang malakas na ikinangisi rin niya. Malakas na iniuntog niya ang ulo niya sa noo nito dahilan para mapaatras ito at nabitawan siya. Mabilis na tumayo siya at kinuha ang malaking kahoy na naka-sandig sa pader tsaka malakas na hinampas ito sa ulo. Nagpagewang-gewang ito sa paglalakad. She wiped the blood on her lips and smiled. Nangigigil na nilapitan niya ito at hinampas ang likod. Napaungol ito sa sakit at nakabaluktot na sa sahig. "I'm just freakin' 23 you idiot. Pasalamat ka't ayokong makapatay. Pipilayan na lang kitang gago ka," nangigigil na aniya. Nararamdaman na naman niya ang hapdi sa mukha. "Bwiset ka! Sinong nagsabi sa'yong pwede mong lagyan ng design ang mukha ko?" Hinampas niya ito hanggang sa hindi na ito maka-tayo. puno na ng dugo ang damit nitong kulay puti. Napa-ayos ng tayo ang dalaga at pinulot ang 9mm pistol niya at itinuon sa lalaki. "Sayang ka kamukha mo pa naman si, Kirk Bondad pero nananakit ka ng babae eh. Dapat lang sa'yo 'yan. Guwapo ka sana wala lang utak. Nag-model ka na lang sana ng tide," umiiling na aniya habang nakatingin sa lalaki na wala na yatang malay. Hawak-hawak ang baril na lumabas siya ng bodega at nilapitan ang pinsan niyang may hawak na sniper revolver. "Caddi," mahinang aniya sa likod nito. Mabilis na nilapitan siya nito at niyakap. "I thought nadala ka nila. Hindi pa nadadakip ang leader ng lintek na sindikatong 'to," reklamo ng pinsan niya. "Hinanap kita kanina pa hindi kita makita," dagdag pa nito. "Pogi ba ang leader nila?" Tanong niya sa pinsan. Nagtatakang tumango ito. "Oh my! Huwag mong sabihing sinundan mo sila kanina?" Nahihintakutang tanong ng pinsan niya. "I did, sabihan mo na lang si Chief na siya na ang bahala. Na sa pinaka-dulong bahagi ng bodegang ito ang katawan 'nung pogi," mahinang aniya. Kumunot naman agad ang noo niya sa nakikitang ekspresiyon ni Cadillac. "Alam mo bang dating navy 'yon sa USA ha? Paano kung ikaw ang nandoon ngayon bwesit ka. Pinapakaba mo ako palagi, Daria," parang maiiyak na ani ni Cadillac. "Buhay pa naman ako at humihinga. Kaya pala napaka-lakas ng lintek na 'yun. Kailangan ko na yatang magpa-hilot ang sakit ng katawan ko," aniya. Binatukan lamang siya ng pinsan niya. "Mauna na ako," paalam niya rito saka kinuha ang kaniyang big bike. Habang nagda-drive ay pakiramdam niya mawawalan siya ng ulirat sa sobrang pananakit ng katawan. Binilisan niya ang takbo ng motor at muntik pa siyang ma-disgrasya. Nakikita niyang may malaking waiting shed sa gilid kaya't inihinto niya muna saglit ang motor subalit parang nilalamon na ang katawan niya. Nababahala siya kung ano ang mangyayari sa kaniya lalo na't hindi niya alam kung nasaan siya ngayon, ni hindi niya maaninag ang paligid dahil ang mata niya ay nanlalabo na. Pilit niyang nilalabanan subalit namimigat na ang katawan niya at tuloyan na siyang nilamon ng kadiliman. **************************************** "Napaka-ganda naman ng dalagang ito, bagay na bagay sa, Xenon ko," eksayted subalit mahina lamang ang boses na ani ng ginang. Naririnig ng dalaga ang mahihinang tawanan. Pilit niyang ibinubuka ang mga mata niya subalit napaka-bigat pa rin nito. "Parang manika madam," sambit pa ng isang tinig. Nang maigalaw niya ang mga kamay niya ay dinaluhan siya agad ng ginang. "Hello, hija gising ka na ba?" malambing na tanong ng ginang. Unti-unting iminulat ng dalaga ang mga mata niya't tinitigan ang magandang babaeng kamukha ni Anne Hathaway. "Bilis kumuha kayo ng tubig tsaka iakyat niyo na ang pagkain. Tawagan niyo na rin ulit si, Dr. Velasco at nagising na ang ating bisita," nakangiting utos ng ginang sa mga katulong. Lumabas naman agad ang tatlong babae na sa tingin niya ay ang mga kasambahay. "Ano pong nangyari? Nasaan ako? Sino po kayo?" Tanong niya sa ginang at pilit bumabangon. Agad siyang dinaluhan ng ginang at inalalayan. "Nakita ka namin sa waiting shed sa labas ng village around 4 am. Nakahandusay at walang malay. Sinamahan ko kasing mamalengke si, Manang Belen kanina buti na lang at doon ka nawalan ng malay at mahigpit ang security rito. Kamusta naman ang pakiramdam mo? Anong nangyari sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ng ginang. Agad niya itong nginitian. "Thank you po sa tulong ninyo. Hindi ko po alam kung paaano kayo mapapasalamatan sa kabutihang ginawa niyo sa'kin," buong pusong aniya. Hinawakan ng ginang ang kamay ng dalaga at ngumiti nang matamis. "Don't worry kahit sino gagawin ang ginawa ko, halika at kumain ka muna para maibalik ang lakas mo. Ilang sandali lang din at nandito na si, Doctor Velasco." Agad na tumayo ang dalaga. Nakaramdam pa siya ng pagka-hilo. "Pasensiya na po sa abala pero kailangan ko na pong umalis baka po kasi hinahanap na ako sa amin lalo na't hindi ako nakauwi," mahinang aniya. "But you must eat first, mahina pa ang katawan mo," gagad ng ginang. Ngumiti ng tipid ang dalaga. "Isabella po ang pangalan ko Tita, at maraming salamat sa tulong pero kailangan ko na po talagang umalis," pangungumbinsi niya sa ginang. bumuntong hininga si Victoria at tiningnan siya nang maigi. "Okay, mag-iingat ka okay? Halika sasamahan kita sa baba para makuha ang motor bike mo," nakangiting anito. Tumango siya at sumunod na sa ginang na lumabas ng kuwarto. Agad na namangha ang dalaga sa nakitang interior design ng bahay na sa tingin niya ay mansion naman talaga dahil sobrang laki. Mag-e-echo yata ang boses niya kung sisigaw siya. "Ang lungkot talaga ng bahay pasensiya ka na hija. Sayang talaga eh, hindi kasi umuwi rito ang anak ko. I'm sure nandoon na naman sa condo niya. Naririndi na siguro sa kaoobliga ko sa kaniyang magkaroon ng girlfriend," himutok ng ginang at huminga nang malalim. Medyo may kaparehas ang istorya nito. "Ganoon po talaga ang mga kabataan ngayon tita--" "Victoria, call me Tita Victoria sayang at hindi mo makikilala ang anak ko. Kahit na babaero 'yun wala pa talaga akong nakikitang babaeng kasama niya. Natatakot din akong baka magmana sa kapatid niyang thirty-six na bago nag-asawa which is okay lang din kasi mabait at maganda ang manugang ko," proud na ani nito halata ang kasiyahan sa mukha. Natigilan ang dalaga at magtatanong sana nang makitang nasa garahe na sila at nandoon ang motorbike niya. "Dalawin mo naman ako dito hija ha," anito. Agad na tumango ang dalaga at niyakap ang ginang. "My thank you wasn't enough Tita but I promise you I will visit you here if I have some spare time," aniya sa ginang. Sumakay na siya sa motor bike niya at pinaandar ito. Manghang nakatitig lamang sa kaniya ang ginang habang sinusundan ang kilos niya. "Lakad na po ako, thank you po ulit," paalam niya at pinaharurot ang motor. Naiwang tulala subalit nakangisi ang ginang habang nakasunod ang mga mata sa dalaga na unti-unting nawawala na sa paningin niya. "Madam, ang ganda po ni Ma'am," ani ng kasambahay niyang si Duday. "Sinabi mo pa, Duday. Lintek na, Xenon 'yun hindi umuwi tuloy hindi niya nakilala si, Isabella," maktol niya. Ilang saglit lang ay may pumasok na kotse. Naka-hawak sa beywang ang ginang habang nakatingin sa anak niyang gusot-gusot ang damit at gulong-gulo ang buhok. Parang nabigla pa ito pagkakita sa mukha niyang hindi na maiguhit sa sobrang inis. "Good morning Mommy," bati niya sa Ina at nginitian ito nang matamis. Inirapan lamang ito ng ginang. "Car cancelled," matigas na anito. Agad na nagsalubong ang kilay ng binata sa narinig mula sa Ina. "But Mom why? Akala ko ba nag-usap na tayo kahapon," reklamo ng binata. "Eh kung umuwi ka sana meron na ngayon eh hindi. Disin sana'y may nobya ka na ngayon. You missed the chance knowing a very beautiful girl, hindibl ba Duday?" ani ng ina niya at lalo pang sumama ang tingin sa kaniya. Tiningnan niya si Duday na tumatango-tango sa tabi ng Ina niya. "Sino?" Nagtatakang tanong niya. Tiningnan lamang siya nang masama ng Ina niya at tinalikuran. Tatalikod na rin sana si Duday nang pigilan niya ito. "Sino ba ang tinutukoy ni mommy?" Tanong niya rito. Nag-flip hair ito at ngumiti sa kaniya. "Alam mo ba Sir? Sobrang ganda niya. Makinis, mahaba ang buhok at maganda ang mga mata. Akala ko nga nakatitig kami kanina sa barbie doll eh tapos ayun tumayo at nagsalita ang ganda sir," puno ng paghangang aniya may papikit-pikit pa ito habang nagsasalita. "Do you know her name?" Kunot ang noong tanong niya. Ngumiti ito nang matamis at nagpa-cute sa kaniya kaya lalo pang kumunot ang noo niya. "Hindi sher eh," pabebeng aniya. Agad na napailing ang binata at pumasok na sa loob. Kung sino man ang babaeng 'yun humanda talaga sa kaniya. Cancelled pa tuloy ang bago niyang sasakyan. Dumiretso na siya sa kuwarto niya at napahilamos sa nakita. "What the f**k is this?" Naiinis na napatingin siya sa kama niya't napapikit. Ang bed sheet niya ay may mantsa ng dugo at ang unan niya ay nahulog pa sa baba. Napaka-gulo ng kuwarto niya. "MOM!" Inis na sigaw niya. Mabilis na pumasok naman ang ina niya sa kuwarto. Hinihingal pa ito. "What happened?" Nababahalang anito. "What the hell happened here in my room? Bakit napaka-kalat? May mga blood stains pa. Mom, ang daming rooms dito sa bahay bakit dito pa sa room ko?" Parang nawawalan ng lakas ang binata habang nakatingin sa kuwarto niya. "Anong klaseng bisita ba meron ka Mom bakit may mga dugo? Duday throw those sheets and pillows, I need everything new. Tawagan mo rin ang personal cleaner ni Kuya baka may virus na itong room ko," utos niya sa katulong na laging bumu-buntot sa mommy niya. "Sinasabi ko na nga ba, ito na ang kinatatakutan ko," hindi mapakaling ani ng ginang. "What now Mom?" Inis na inis na talaga siya sa drama ng Ina niya. "From now on, huwag ka na munang sumama sa Kuya mo. Oh God! Nagiging clean freak ka na rin pagkatapos hindi ka na magkaka-girlfriend. Magsusuot ka na palagi ng mask magdadala ng alcohol at higit sa lahat hindi ka na mag-aasawa," nag ha-hyperventilate na ani ng ina niya. Mas lalo pang na depress ang binata sa narinig sa Ina. "I surrender," aniya at mabilis na umalis ng bahay nila. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD