Kabanata 5

2280 Words
Huminga muna nang malalim ang dalaga bago pumasok sa bahay nila. Buti na lang at may band aid na ang noo niyang napurohan. Pagpasok niya sa sala ay nakita niya ang kaniyang ina na nakaupo at balisa. "Mom?" Tawag pansin niya sa Ina. Mabilis na lumingon ito sa gawi niya at tumayo saka niyakap siya. "Oh God! Akala ko kung napano ka na anak, bakit hindi ka umuwi kagabi? I've been calling you all night and what happened to your fore head?" Nag-aalalang aniya. Umupo sila sa couch at inayos ng Mommy niya ang kaniyang buhok. Ngumiti lamang siya ng tipid at niyakap ang ina niya. "I'm fine Mom, okay? Huwag ka nang mag-alala sa'kin," mahinang aniya sa Ina. "Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala sa'yo, Dadaria. Anak kita at kaisa-isang babae pa ng pamilya," sabi nito. "Akyat na muna ako Mommy, pagod na pagod po ako. May mission kami kagabi." Bumuntong hinga ang mommy niya at malungkot na nakatingin sa kaniya. "Nagmana ka talaga sa daddy mo napaka-tigas ng ulo," frustrated na ani ng ina niya. She just smiled at her mom and kissed her on her cheeks tsaka umakyat na papunta sa kuwarto niya. Hinubad niya ang kaniyang leather jacket, jeans and black t-shirt saka humiga sa kama. Napa-pikit siya at napaigik nang makita ang mga pasa sa bandang gilid ng tiyan niya. Napag-isip-isip niyang mag leave na muna sa trabaho dahil nababalewala na ang pag-aaral niya. Napahawak siya sa ulo nang maalalang may klase siya ngayon sa mga major subjects. Baka ma-drop na siya sa mga subjects kung first day of school absent na siya ng tatlong araw. Present ngayong araw sa susunod absent na naman. Tiningnan niya ang oras at labag man sa kalooban ay bumangon siya saka naligo at nagbihis. Suot ang uniform ng university ay kinuha niya ang kaniyang maliit na bag at inayos ang mukha. She rolled her eyes seeing her reflection. Hindi na rin siya nag-abalang mag-apply ng kung anu-anong chechebureche sa mukha niya. "Gotta go Mom, may pasok pala ako ngayon," nagmamadaling aniya. Magsasalita pa sana ang ina niya nang makitang tumatakbo na siya papasok sa kotse. Mabilis na pinaandar nito ang sasakyan at humagibis paalis. "Take care baby ko," nakangiting ani ng Ina niya. *************** Saktong break time nang dumating ang dalaga sa university. Matapos makapag-park ay dumiretso na siya sa loob. Hinarang pa siya ng guard at hinahanap ang ID niya. Tiningnan niya ang wrist watch at napahinga nang malalim. May isang oras pa siyang break bago ang next subject. Napag-isipan niyang pumunta ng cafeteria para bumili ng piattos at pumunta sa field. Nakita niya ang inuupoang bench noon kaya't nagmadali siyang maglakad. Umupo siya at napapikit ang mga mata nang may hanging dumampi sa mukha niya. Napaka- presko ng paligid. Napaka-layo nang tingin niya. Kinuha ng dalaga ang kaniyang cellphone at nagsuot ng earphone tsaka nagpatugtog. I just wanna feel alive In the starlight Natigil ang dalaga sa pakikinig nang may makita siyang pares ng sapatos sa kaniyang harapan. Tinanggal niya ang earphone at tiningala ito. Her heart skipped a beat nang makitang si Xenon ito. "What are you doing here?" Tanong niya sa binata. Nakangiti lamang ito at agad na tumabi sa kaniya. "Uy, 'di man lang nagpaalam na umupo," reklamo niya. "Bakit? May nakalagay bang bawal akong umupo rito? Sa'yo ba 'to?" Sagot nito sa kaniya. Inirapan niya ito at isinabit ulit sa tenga ang earphone niya. "Ang sungit ah, anong nangyari sa noo mo?" Usisa ng binata. Natigilan ang dalaga at hinarap si Xenon. "Natamaan ng martilyo," tipid na aniya. Akmang hahawakan ito ng binata subalit hinawakan niya ang kamay nito. "Let me see," seryosong ani nito. Umiling lamang ang dalaga at ipinikit muli ang mga mata. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ng dalaga habang nakikinig pa rin sa music. "Hinintay kita sa gate simula kaninang umaga," simpleng saad ng binata. Napaismid ang dalaga sa sagot nito. "Seryoso?" Umiling ang dalaga at kinuha ang piattos niya saka nagsimulang kumain. "Kung gusto mong kumain bumili ka ng sa'yo ha," aniya. "Damot mabulonan sana," mahinang ani ni Xenon.. "I heard it loud and clear," natatawang aniya. Nagkibit balikat lamang ang binata at tiningnan siya. "'Wag mo nga akong titigan ng ganiyan. Naaasiwa ako, tsaka nasaan na ang hinayufuck gang mo? Ba't nag-iisa ka?" aniya sa binata. "They're nowhere to be found. Namatay na yata," simpleng anito. Sumubo ang dalaga ng chips at tiningnan siya. "Baliw," aniya at inayos ang buhok. "By the way, can you help me?" Walang alinlangang tanong ni Xenon. Dadaria's brows creased. "Anong klaseng tulong?" "Tonight, may dinner sa bahay kasama ang kuya ko at ang asawa niya. Nakukulitan na kasi talaga ako kay Mommy. Idagdag mo pang may tinulongan kagabi and f**k! Ang dumi ng kama ko. Ang daming pwedeng pahigaan doon pa talaga sa kama ko. Kapag nalaman ko kung sino ang babaeng 'yun makikita niya," naiinis na sambit ng binata. "Bakit? Hindi mo kilala ang babaeng 'yun?" Nangingiting tanong ng dalaga. "If I know her hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya, cancelled pa tuloy ang bago kong sasakyan," reklamo nito. Natawa ang dalaga at parang may nabuong puzzle sa isipan niya. "Galit ka sa babaeng 'yun?" Tanong niya tsaka sumubo na naman ng chips. "Of course! Kung hindi naman sana nakilala ni Mom 'yun may sasakyan na sana akong bago," parang batang ani nito. "But I saw your car, it's jaguar right? Sa tingin ko bago pa naman 'yun. Why have one?" Kunot-noong tanong ng dalaga. Nakita niya rin ang garahe sa mansiyon nila ni Xenon magkakasiya ang benteng sasakyan. "Nah, I want a land cruiser. I need it for hiking though may nabili naman na ako noon but I want the latest." Nakagat ng dalaga ang inside cheek niya. Napaka-hilig ng binata sa sasakyan. Mukhang siya pa yata ang dahilan kaya galit ito. "Pag nakilala mo ang babae anong gagawin mo?" Tanong niya rito. "What do you think?" Balik tanong nito sa kaniya. "You'll slap her?" Taas ang kilay na sagot niya. Natawa naman agad si Xenon. "Of course not, hindi ko naman kayang gawin 'yan sa babae. I just want to tell her how a big nuisance she is in our life." "So what about the help that you want?" Interesadong tanong ni Dadaria. "Yea, about that can you help me with it? Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?" Deritsong ani nito. Napatigil siya sa pagsubo ng kinakain at tiningnan ang binata. "Babaero ka naman ah, bakit hindi ang mga babae mo ang ipakilala mo sa mommy mo?" Suhestiyon niya. "You don't know my mom, she can easily sense if that woman is only after our names. Pwede na nga siyang maging alalay ni, Frankenstein," seryosong ani nito. "Paano kung hindi ako magustohan ng mommy mo?" Paninigurado niya. "She will," sagot nito. "Paano mo nasabi?" "Nagustohan nga kita siya pa kaya?" Bulong nito. Kunwari ay walang narinig ang dalaga at ngumiti na lang. Excited din siyang malaman ang totoo. Kung ang hinala niyang si Victoria nga ang ina nito for sure kakainin nito ang mga sinabi sa kaniya. "Maganda naman siguro ang babae hindi ba?" Tanong niya. "I don't know but my Mom, she's the best critique you'll ever have. Nagchismis din kasi ang mga helper sa bahay about that woman. They said she looked like a doll." Napasandig ang binata sa bench at tiningnan siya. "But of course I'm not convinced. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ang mga mata ko mismo ang makakita," depensa nito. Napatango lamang ang dalaga at nginitian si Xenon. "Okay, anong oras mo akong pupuntahan sa bahay?" Xenon's face lit up. Mabilis na nayakap niya ang dalaga at natawa. "Thank you, I'll pick you up at seven. Wear anything you like as long as you're comfortable," masayang ani nito. Awkward na lumayo ang dalaga sa yakap nito. "Space please, kakikilala pa nga lang natin naka-base ka na," reklamo ni Dadaria. "I'm just happy. Pasalamat ka nga't nayakap mo ang pinaka-guwapong nilalang sa mundo," nakangiting ani nito. Napairap naman agad ang dalaga sa binata. "Kapal," mahinang aniya. Ilang sandali lang ay tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang next class nila. "I'll just text you the address," tipid na aniya sa binata na ngayo'y naka-tayo na at naka-pamulsa. Napaka-gwapo talaga nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at ibinigay sa binata. Nang maisulat ang cellphone number nito ay nagpaalam na ang dalaga. "So, see you later I guess?" Nakangiting tanong ng binata. Tumango lamang ang dalaga at naglakad na. "Can't wait!" Sigaw ng binata. Ikinaway lamang ng dalaga ang kamay niya at napangiti. Bandang alas kuwatro ay nagpabalik-balik nang lakad ang dalaga sa harap ng closet niya. Namomroblema pa tuloy siya lalo na sa mga damit niya. Dalawang kulay lang ang available. Hindi naman siya boyish talagang mahilig lang siya sa dalawang kulay. Nakapameywang na tiningnan niya ang kaniyang mga damit. "A white and black t-shirts without prints. A leather jackets and jeans," mahinang aniya. Napa-upo siya sa kama niya at napahawak sa ulo. "Problema pa yata 'tong napasukan ko," aniya. Nakita niyang may maliit na paperbag sa ilalim na may tatak pang sikat na brand. Naalala niyang ito ang regalo ng mommy niya noong nagbakasyon ito sa France. Mabilis na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita ang kulay yellow na dress. Fit ito sa kaniyang katawan at hanggang ibabaw ng tuhod ang taas. Mabilis na nagbihis siya at naglagay ng powder sa mukha at nag-lip tint. Inayos niya ang buhok niya't ngumiti sa salamin. "I'm good to go I think?" Bumaba siya mula sa second floor at pinuntahan ang ina niya sa kusina. "Mom?" Tawag pansin niya rito. Kasalukuyan itong naghihiwa ng mga gulay kasama ang dalawang kasambahay nila. Nakatulala lamang ang mga ito habang nakatingin sa kaniya. "Do I look okay?" Tanong niya sa ina. Mabilis na naghugas ng kamay ang mommy niya't niyakap siya. "Oh God! Akala ko hanggang sa panaginip na lang kita makikitang naka-ayos ng ganito anak. You looked stunningly beautiful," komento ng ina niya at kababakasan ang saya sa mukha. "Saan pala ang punta mo?" Tanong nito. Alanganing napangiti naman siya sa tanong ng Ina. Biglang lumapad ang ngisi nito at lumaki ang mga mata. "Tell me you have a date right? Tell me I'm not wrong, Dadaria," excited na ani ng mommy niya. Nahihiyang tumango siya sa Ina. "But it's just a friendly date okay? No malice," depensa niya. Napatakip ang Ina niya sa bibig at halata ang kasiyahan sa mukha. "Your dad will be happy to see you right now, kunan mo nga kami ng picture, Aryang please," excited na ani ng kaniyang Ina. Agad na tumalima naman ang kasambahay nila at kinunan sila ng picture. "Baka ma-late ka na sa lakad mo. Hindi kita madadaliin and I know if you'll brought someone here he's the one. I'll wait for it. I just want to let you know that I'm happy right now. Atleast my daughter is now a woman," nakangiting ani ng Ina niya. "I need to go now Mom, thank you very much. Kiss Dad for me," paalam niya sa Ina. Hinalikan niya ito sa pisngi bago lumabas ng bahay nila. Nakangiting tiningan siya ng mga kasambahay at halata ang admiration sa mga mukha. She looked so beautiful and gorgeous. Ilang sandali lang ay may humintong sasakyan sa labas ng gate nila. Tamang-tama lang din at palabas na siya. Nakangiting binuksan ito ng kanilang guard. Nahihiyang kinatok niya ang sasakyan ni Xenon. "Buksan mo naman ang pinto para sa'kin. Napaka-ungentleman mo," naiinis na aniya. "Kaya mo na 'yan," ani ng binata at ngumisi. Inis na binuksan niya ang kotse nito at hinampas sa balikat pagka-pasok. "Bwesit ka talaga, akala ko pa naman matino kang leche ka!" Reklamo niya. "Ang problema kasi sa inyong mga babae, masiyado kayong pa-importante," natatawang ani ng binata. "Aba! eh kung hindi na kaya ako tutuloy?" Pananakot niya sa binata. Agad na parang tuta itong ngumiti sa kaniya. "'To naman 'di na mabiro, alam mo namang kailangan kita 'di ba?" Malumanay na ani nito. "Buti alam mong hinayupak ka, sa likod ng maamo mong mukha bwesit ka pala talagang loko ka," nangigigil na aniya. "Galit ka na niyan?" Tanong ng binata. "Of course not, natatawa nga ako eh haler?" Irap ng dalaga at napatingin sa labas ng bintana. Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay ng binata na nakahawak na ngayon sa kamay niya. Napaka-seryoso na rin ng ekspresiyon nito. "You looked beautiful tonight. Ikaw na yata ang pinaka-magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko," madamdaming ani ng binata. Napangiti naman ng lihim ang dalaga. Ayaw niyang mahulog sa mga banat nito pero parang may kung anong meron sa dila nito na nagpapakilig sa kaniya. "Thank you," nakangiting aniya. Bumalik sa pagda-drive ang binata. "Of course it's just a joke," natatawang ani nito. Mabilis na sumama ang timpla ng mood niya at nabatukan ito nang malakas. "Aray!" Reklamo nito at hinimas-himas ang natamaang batok. "That hurts," dagdag ng binata pero sobrang lapad naman nang ngiti. Tumahimik lamang sa gilid ang dalaga dahil kapag siya hindi makapag-pigil mapatay niya ito ng 'di oras. Humanda talaga ito mamaya. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD