Napalunok ang dalaga nang makita ang pamilyar na bahay. Napailing siya at natawa sa sarili. Tama nga ang hinala niya. Tiningnan niya ang binata, napaka-gwapo talaga nito. Napaka-tangos ng ilong ang pilik mata nitong namimilantik sa haba, ang kilay na makapal at pormado pa, ang kulay brown nitong medyo kulot na buhok na mas lalong nag-e-emphasize ng features nito.
"We're here," mahinang ani ng binata. She just smiled a little. Bumaba na ang binata at inalalayan siya.
"Napaka-gentleman mo yata ngayon ah," natatawang ani niya.
"Ayaw kong matulad sa Kuya ko," nakangiwing ani nito. Agad na napakunot ang noo niya sa reaksiyon ng binata.
"What's wrong about your Kuya?" Takang tanong niya.
"He's a mysophobic clean freak," simpleng saad ng binata. Napatango-tango naman ang dalaga.
"Let's go? They're waiting inside," aya ng binata sa dalaga. Tumango lamang siya at pilit sinusupil ang ngiti lalo na nang makita ang mga kasambahay ng Mommy ni Xenon. Kinindatan lamang ng dalaga ang mga nakakita na sa kaniya at ngumisi.
"Good evening everyone," masayang bati ng binata. Lahat nang atensiyon ng apat ay nakatuon sa kanilang dalawa. Nakita niya ang lalaking napaka-pormal pero sobrang gwapo katabi nito ang napaka-gandang babae at si Victoria na nakanganga habang nakatingin sa kanila katabi nito ang babaeng may edad na rin.
"Dadaria?" Masayang ani ng magandang babae. Ngumiti lamang siya maging sa Ina ni Xenon na parang hindi makapaniwala.
"Ate Marija," mahinang sambit niya. Nilapitan siya ni Marija at bineso-beso. Nakangiting lumapit sa kaniya si Victoria.
"Oh God! What a coincidence ikaw ang girl friend ng anak ko?" Mangiyak-ngiyak na ani ni Victoria.
"Itong damuhong ito hindi man lang nagsabi sa akin?" Inis na ani ng Ina ni Xenon at hinampas ang braso ng binata. Puzzled pa rin siya habang nakatingin sa tatlong babaeng nag-uusap na ngayon sa harap niya at tila kilala na ang isa't-isa.
"What do you mean Mom? Magkakilala kayo?" Tanong ng binata. Kunot pa rin ang noo nito.
"I am pertaining to Dadaria, siya ang babaeng nandito sa bahay," natutuwang ani ng ginang.
"Come, sit down at nang makakain na tayo. Oh my, pakiramdam ko nilulutang ako sa hangin," iiling-iling na ani ni Victoria at hindi mapalis ang ngiti. Nilingon ni Dadaria ang binata na naumid na yata ang dila. Magkatabi silang umupo at hindi pa rin siya matingnan ng deritso nito.
"Anyway, Dadaria this is my husband Marco. Love, siya si Dadaria ang kapatid ni Miguel iyong boss ko sa bar," nakangiting sambit ni Marija napaka-ganda talaga nito. Tipid na ngumiti ang asawa nito.
"At ito naman ang aking best friend forever. Moommy ni favorite manugang kong si Marija," nakangiting pakilala ni Victoria sa katabi nito. Ngumiti naman ito at inilahad ang kamay sa kaniya.
"Hello hija, ang ganda mo naman ako si Nanay Apple," masayang ani nito. Ngumiti rin pabalik ang dalaga.
"Naumid na yata ang dila ng anak mo Mommy," tukso ni Marija kay Xenon.
"Paano ba naman kasi napaka-ganda ng girl friend kahit ako mahihiyang magsalita mako-conscious sa amoy ng hininga," litanya ng Ina ng binata at nagsitawanan. Hindi na yata maipinta ang mukha ng binata sa pamamahiya ng Ina niya.
"Stop it mom," he grunted. Natawa ang dalaga sa inakto ng binata. Ilang sandali lang ay nagsimula na silang kumain. Napaka-daldal ni Nanay Apple, Marija at Victoria ramdam niya ang mainit na pag-welcome nito sa kaniya.
"Naku! Dadaria anong nagustohan mo kay element eh puro pasikat lang ang alam niyan sa school?" Interesadong tanong ni Marija. Napalunok ang dalaga at napangiti.
"Siguro sa kahanginan niya, hindi ko na kinaya baka kabagin kasi ako kaya ito nagpadala na lang," kunwaring no choice na ani ng dalaga. Nakaramdam naman agad siya nang pagsipa sa paa niya sa ilalim ng dining table. Nakangising nilingon niya ang binata na walang reaksiyon ang mukha.
"Gwapo talaga iyang anak ko hija, pero alam mo na pagpasensiyahan mo na ang tikling na pangangatawan niya. Kiss-kiss lang muna kayo tsaka na ang jugjugan 'pag may maipagmamalaki ng abs iyan," litanya ng Ina ni Xenon. Agad na nabilaukan ang binata at pigil-pigil ng dalaga ang tawa niya baka sipain na naman siya.
"Mom, stop it pinapahiya mo ako eh," yamot na reklamo ng binata.
"Eh sa totoo naman isa pa kung alam mo lang Dadaria ang hirap ko noon sa pagpapatuli sa kolokoy na iyan kung alam ko lang na magiging babaero iyan sana ipinaputol ko na lang ng tuloyan," deri-deritsang saad ni Victoria. Xenon groaned in frustration and embarassment. Lalo pang lumakas ang tawanan nila sa loob. Maging siya ay hindi na mapigilang huwag matawa.
"Eh, itong asawa ko Mommy kamusta naman?" Tanong ni Marija.
"You better not say Mom," banta ni Marco. Mas lalo namang lumapad ang ngisi ng ina nila.
"Ay! Hindi ko pa pala nakwento iyon saiyo anak? So ayun nga pumunta na kami kay, Doctor Trinity babae kasi ang magtutuli sa kaniya since bata pa naman siya noon, siguro around seven years old," pagsisimula ni Victoria.
"Mom," a warning tone was heared.
"Ipagpatuloy mo Mommy, excited akong malaman tsaka tayo-tayo lang din naman," sabat ni Marija at sinamaan nang tingin ang asawa niya.
"Please love, it's my past don't talk about it," seryosong ani ng Kuya ni Xenon. Nakangisi lamang si Xenon habang nakatingin sa Kuya niya na hindi na talaga komportable sa kanilang topic.
"Continue Mommy," nakangising ani ni Xenon. Marco mouthed f**k you at him but he just smiled and shrugged his shoulders.
"So ayun na nga, actually may video ako noon kaso na-confiscate ni Marco kaya hindi ko alam kung nasaan na. So nakahiga na siya sa bed tapos nakita ni Doctor Trinity ang pototoy niya. Sinabihan ba naman ako ni dok, Mrs. Sarin hindi halatang pang grade two ang pennis ng anak niyo pang high school na yata ito eh," ani ni Victoria at agad na nagsitawanan sila. Tila mauupos naman na kandila si Marco habang nakaupo. Niyakap ito ni Marija at hinalikan sa pisngi.
"Huwag ka ng mahiya riyan love, proven and tested naman iyon," saad ni Marija. Mas lalo pa tuloy silang nagtawanan. Masasabi talaga ni Dadaria na napaka-swerte ni Xenon sa pamilya niya. Kitang-kita ang pagmamahal ni Marco sa asawa nitong si Marija at ganoon din naman ito sa asawa niya. Napatingin si Dadaria kay Xenon na nakangiti. Something kicked her heart, parang may kung anong emosyong dumaan sa dibdib niya na hindi niya mapangalanan. Lumingon si Xenon sa kaniya at ngumiti.
"Are you enjoying the food?" Tanong nito sa kaniya. Tumango siya at sinuklian ang ngiti nito. Ni hindi niya namalayang nagkatitigan na pala sila.
"Uyy, aba'y may magiging manugang ka na ring bago prendshep ah," tukso ni Nanay Apple tsaka lang sila natauhan. Nahihiyang napayuko ang dalaga at nginitian si Xenon na nakatingin lang sa kaniya at nakangiti na rin. Hindi maiwasan ng binata na huwag mahulog sa ngiti ng dalaga. She's the most beautiful woman he laid his eyes on.
Matapos silang kumain ay pumunta sa labas ng bahay si Dadaria nakita niya si Marija na nakaupo sa bench at nakatingala sa langit.
"Hi," bati niya rito.
"Hello ganda," balik bati nito at pina-upo siya sa tabi nitong may espasyo pa.
"Ang ganda ng gabi 'di ba?" Tanong ni Marija.
"Thank you at ikaw ang napili ni, Xenon. You're good for each other," komento nito. Natigilan siya at bumuntong hininga.
"Hindi ko siya boy friend ate," pagtatapat niya.
"Alam namin kaya nga tinutukso namin kayo baka sakaling makalusot," nakangiting ani nito. Napangiti naman siya, napaka-light talaga ng aura ni Marija.
"Alam na ba niya?" Tanong ni Marija. Noong una ay hindi niya makuha ang sinasabi nito kalaunan ay naintindihan niya.
"H-hindi," alanganing ani niya. Marija smiled a little.
"Sa nakikita ko hindi malayong magustohan niyo ang isa't-isa. But in a relationship napaka-hirap kung puno kayo ng sikreto," ani ni Marija.
"I don't have a plan on crossing the line," tipid na aniya. Tumango lamang si Marija.
"Iyong asawa ko may psychological disorder, he's a clean freak actually. Napaka-hirap pakisamahan, maarte, suplado idagdag mo pang tigang much," sambit ni Marija. Natawa naman agad siya sa sinabi nito.
"Ayaw ko sa kaniya kasi hindi ko siya type kahit napaka-gwapo ng hinayupak. Ten years ang age gap namin pero hindi halata kasi may lahi sila alam mo naman ang mga porenjer. Napaka-layo ng attitude niyang magkapatid pero super close iyan sila at nagkakasundo kapag tungkol sa company nila ang pinag-uusapan. Lagi akong pinag-iinitan niyan hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw na ayaw ko sa kaniya. Hanggang sa nagising na lang ako mahal ko na siya. Lalo na sa una akala ko wala lang hanggang sa ayun na nga nasasaktan na ako ng walang dahilan at siyempre kakaiba ang kamandag ko na in love rin pala sa akin ang damuho kaya ito kami ngayon," kwento nito. Nakikinig lamang si Dadaria.
"What I am trying to imply is that it's so good to be in love. Kung alam mong mahal ka naman ng tao why don't you take that risk? Afterall, you must always remember that your biggest fear is regret. Walang sinumang tao na naging masaya matapos pagsisihan ang bagay na sana ay nagawa niya noong na sa sitwasyon pa siya," mahinang ani ni Marija. Her words strucked her, but she can't afford to put Xenon's life in danger.
"Ayoko siyang ipasok sa magulo kong mundo," sambit niya.
"We have our choices in life Dadaria and it's all up to you," nakangiting ani nito. Nilingon niya ito at nginitian.
"Thanks ate," tipid na aniya.
"Pasok na ako sa loob ha, baka hinahanap na ako ng asawa ko. Alam mo na sobrang in love sa akin hindi mabubuhay kapag hindi nasisilayan ang aking kagandahan," pabirong ani ni Marija. Napailing na lamang ang dalaga habang nakatingin kay Marija na naglalakad paalis ng pool area. Umayos siya nang pagkaka-upo at ipinikit ang mga mata tsaka pinakiramdaman ang paligid niya.
"Hey," ani ng isang baritonong boses. Nilingon niya ito at nginitian it's Xenon.
"Hey, " balik ani niya. Umupo ito sa tabi niya at tumitig lamang.
"Enjoying the night?" Tanong nito. She slightly nodded her head.
"Napaka-bait talaga ng pamilya mo," komento niya. Para namang may naalala ang binata.
"Ikaw pala ang tinutukoy ni Mom na tinulongan nila?" Kunot na kunot ang noo ng binata habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa binata at tumango.
"Yup," she said popping the p sound. Tumango-tango lamang ang binata.
"I'm sorry napurnada ko pa ang sasakyan mo," natatawang ani ng dalaga napangisi naman agad ang binata.
"I'ts fine I can buy my own car," parang wala lang na ani nito.
"Yabang," she stated smiling.
"Anyway, what happened to you that night?" Takang tanong ng binata. Tila naumid yata siya sa tanong ng binata. Tumingala siya sa langit at ipinikit ang mga mata at nag-iisip ng palusot.
"Nalasing ako tapos motor ko ang dala ko kaya ayun muntik nang madisgrasya pero nakakaya naman at heto buhay pa, all thanks to tita V," pabirong ani niya at tinawanan lamang. Tiningnan niya ang binata nang wala siyang makitang reaksiyon sa mukha nito. Ni hindi na nagsalita.
"Hoy, okay ka lang?" Tanong niya sa binata. Nagulat siya nang biglang yakapin siya ng binata.
"U-uy," uutal-utal na aniya. Parang lalabas na yata ang puso niya sa sobrang kabang nararamdaman.
"Take care always, kung hindi mo na kayang mag-drive call me so I can drive you home," mahinang ani ng binata habang nakayakap pa rin sa kaniya. Natigilan siya at ngumiti nang mapait. Sobra-sobra pa ang pinagdadaaan niyang sakripisyo at panganib tuwing na sa misyon siya. Natatakot siyang baka isang araw hindi na niya kayang humindi sa binata. Hangga't kaya niya pipigilan niya ang sarili na huwag mahulog dito.
"I will," tipid na aniya at ngumiti nang tipid.
"Dapat kasi hindi ka umiinom, babae ka hindi ka dapat naglalasing," litanya ng binata habang nakatingin ng deritso sa pool.
"Ayan na naman kayo sa discrimination niyo sa aming mga babae," ani niya.
"It's not about discriminating, Bella. It's all about your safety," sagot ng binata. Dadaria rolled her eyes at him.
"Huwag mo nga akong titigan," naiilang na reklamo ng dalaga. Heto na naman kasi parang hihigopin na naman siya sa klase nang tingin nito.
"Sige ka, baka ma-in love ka niyan sa akin," natatawang ani niya sa binata.
"I think I am," seryosong ani ng binata. Naiwan sa ere ang ngiti ng dalaga at napalunok. Awkward na napangisi siya at tumayo.
"Halika na nga, uwi na ako baka hinihintay na ako ni Mommy. Huwag mo akong gino-good time hindi nakakatuwa," litanya niya at tumalikod na. Seryosong nakatingin lamang ang binata sa kaniya. Nawala ang ngiti ng dalaga habang naglalakad at napahawak sa dibdib niya. Napaka-lakas nang t***k nito na para siyang mabibingi.
"No, Dadaria. Don't be selfish, control yourself," usap niya sa sarili niya. Ilang sandli lang ay nasa likod na niya ang binata. Nakapamulsa ito na naglalakad at nakasunod sa kaniya. Naghara-kiri na naman ang puso niya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maiwasan ang binata.
TBC
zerenette