Araw ng sabado kaya kailangan pumunta ng dalaga sa headquarter nila para mag-report. Sakay sa kotse niya ay mabilis na pinandar niya ito at nagtungo na agad. Ilang minuto lang din at nakita na niya ang malaking kawayan na gate. Kung titingnan mo ay napaka-simple lang nito. May mga kapit bahay na simple lang din ang pamumuhay at ang bodega nila ay may mga palay. Walang sino man ang kume-kwestiyon kung bakit araw-araw ay may mga kotse at motor na makikita sa labas ng establishemiyento. Ang alam lang nila ay mga supplier at mga bibili lang ang pumupunta. May nakatuka naman para sa mga taong bibili ng bigas. May rice mill din ito sa gilid. Pagpasok mo sa bodega ay mayroon doong malaking lift na kasya ang mga kotse na siyang nagga-guide sa kanila pababa. Meron silang under ground parking lot at

