Araw ng lunes kaya nagmamadaling naligo ang dalaga dahil late na naman siya. Ang bilis ng panahon naalala niya bagong transfer pa lang siya sa university ngayon ay malapit nang mag December. Ni hindi niya namamalayang mas nagkakalapit na sila ng binata. Nag-shopping sila kahapon ni Caddilac at ayun pagod na pagod siya. Binilhan siya ng mga damit na babagay sa kaniya dahil puro itim at puti lang ang mga suot niya. Matapos ayusin ang sarili ay bumaba na siya at nagpaalam sa ina. "Gotta go mommy, sa cafeteria na akong mag-aalmusal love ya," pasigaw na ani niya at nagmamadaling kinuha ang kaniyang motorbike. Wala na siyang time mag-kotse lalo na't traffic na, paniguradong lalo lang siyang male-late. Papasok na sana siya ng eskwelahan nang makita si Caddilac na nagmamadaling lumapit sa kani

