Chapter 27

2097 Words
After giving me a first aid, Asher called Kaito to make sure that I'm okay. Kaya naman neto ako ngayon ay nakikinig lang sa pagtatalo nilang magkaibigan. "Sinong sumaksak sa 'yo? Gago ka, Asher. Bakit hindi mo inaalagaan 'to?" dinig ko nanamang bulong niya sa kaibigan pero rinig na rinig ko naman. "Tumahimik ka," suway ni Asher sa kaniya pero nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "Namukhaan mo ba kung sinong sumaksak sa 'yo? May kilala akong lawyer, pwede ka niyang tulungan. May talent din 'yon sa pagdrdrawing idedes---" Malakas siyang binatukan ni Asher kaya natigil siya sa pagsasalita. "Sabi ko huwag mo siyang kakausapin." "Oo na! Ang sakit no'n ha!" "Tapos ka na ba? Kanina ka pa nakahawak diyan. Bumitaw ka na o tatanggalan kita ng kamay?" "Ang brutal mo! Ginagamot ko lang naman 'yong sugat, eh!" Nag-make face pa siya pero hindi nalang din pinansin ni Asher. "Lumabas ka na. Hintayin mo ako ro'n," aniya. Niligpit na ni Kooper ang mga gamit niya bago tumingin sa akin at nagpaalam. I just mouthed thank you kahit na pinasakit niya lang ang tainga ko sa kakadaldal niya. "Dito ka lang , matulog ka. Alam kong hindi ka nakatulog ng maayos kagabi," he told me while fixing my blanket. "How about you? You didn't sleep last night." "Don't mind me. Magluluto lang ako, you can sleep while waiting for the food." Third Person's POV "How is she?" bungad ni Aeris nang lumabas si Asher mula sa kwarto ng kapatid nito. Kagabi pa siya nag-aalala at hindi makatulog pero hindi niya naman magawang sumilip o pumasok man lang sa loob. "Okay lang. Pinagpahinga ko na muna. Magluluto muna ako ng pagkain. Susunduin na ba natin si Waki?" tanong ni Asher sa kaniya. "Maybe not today. Kapag okay na si Ate. Hayaan nalang muna natin siyang makipaglaro sa mga kapatid niya habang nasa orphanage pa sila." "Okay, ikaw ang bahala," sagot nito habang naghahanda na ng iluluto. Nakita niyang kalasukuyang ngumunguya ang kaibigan kaya sinamaan niya kaagad ito ng tingin. "Wala ka sa condo ko, Kooper." "Hoy! Siya nagbigay nito! Ang kakapalan ng mukha ko ay for you only." "Ang daldal. Pagsamahin ko kaya silang dalawa ni Kaito? Sino kaya ang unang susuko sa kanila?" tanong sa kaniya ni Aeris habang nakatingin sa lalaking kumakain sa harapan nila. "Okay lang bang wala ka sa hospital ngayon?" tanong nito sa kaibigan. "Oo. Babalik din naman ako kaagad pagkatapos kong kainin ito." "Doctor ka ba talaga?" paniniguro ni Aeris. "Okay, don't even try to answer," putol niya nang akmang magsasalita na ang binata bago tumingin kay Asher. "Okay lang ba talaga siya?" "Oo. Puntahan ko nalang sa kwarto niya para makasiguro ka." She pouted. "Ayaw ko." "Ha?" nagtatakang tanong nito. "Bakit? Tinanong ka rin niya sa akin kanina pero ang sabi ko tulog ka pa." "Hindi ko siya kayang tingnan na ganoon ang lagay niya. Na-guguilty ako," pag-amin niya. "Hindi naman ginawa 'yon ng kapatid mo para makaramdam ka ng guilt. Kausapin mo na siya. Ikaw na ang magdala ng pagkain niya mamaya." Katulad ng sinabi Asher, pagkatapos niyang magluto at ihanda ang pagkaing niluto niya ay tinawag na niya si Aeris para siya na ang mag-akyat nito sa kapatid. "Ayaw ko. Sumama ka nalang tapos sasama rin ako," sabi nito. "Ayaw ko rin. Mag-usap kayong magkapatid. Paakyatin mo nalang ako kapag hindi siya kumain." Allesia's POV Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong lumapit sa kama ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Aeris na maingat na nilalapag ang tray sa side table ko. "Sinundo niyo na ba si Ami?" I asked her. She was even surprised because I suddenly spoke. "Not yet. Uhm, maybe tomorrow or the next day. Hinayaan ko na munang makipaglaro siya sa mga kapatid niya habang nasa orphanage pa siya." "Why? Are you still scared? He already remembers us." "Ayokong makita ka niyang ganiyan," pag-amin niya. "I'm sorry." "What are you sorry for?" nagtatakang tanong ko. She has done nothing wrong. "I'm sorry sa lahat ng nasabi ko noong nagkita ulit tayo. I'm sorry for the harsh words. I'm sorry because I hated and blamed you. Wala kang kasalanan pero sa 'yo ko sinisi ang lahat." "Aeris," I called her name. "I understand. That's a normal reaction. Totoo namang wala akong ginawa noong---" "No. Wala kang ginawa dahil kung lumapit ka sa amin, pati ikaw mamamatay. Pati ikaw mahihirapan. At may posibilidad din na hindi na tayo magkikita-kita muli kung hindi ka nakinig kay Daddy. Masyado ko lang binulag ang sarili ko sa galit at hindi ko matanggap na sa ating lahat, ikaw lang ang nakaligtas." "After you die, I have tried to take your bodies and give you a proper grave. I tried to save all the things while the house was on fire. Just like you, masyado rin akong nilamon ng galit which lead me to who I am today. To wake up early and think that you are gone is too much pain for me. But I have to endure it and I have to be strong because I want to avenge all of you. Inaral at ginawa ko ang lahat hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob. I started a war. At sa sobrang kagustuhan kong mabawi ang mga buhay niyo, I killed so many people that I thought would bring back your lives. I was so heartless. Desperation leads me into a very unexpected situation. Naging ganito ako, and the fact that I can't even die was too much for me." I stopped talking before taking a deep breath. "Can you see this bracelet?" I asked her while showing her my bracelet. "This hides my true identity. 'Yong mga sugat ko mula sa nakaraan, ito ang dahilan kung bakit walang sinuman ang nakakakita noon." I saw how he surveyed her eyes on my bracelet before biting his lower lip. "But Asher... he's different. Kakaiba siya na kahit ikaw hindi mo makita ang mag sugat ko pero siya... he can see everything to me. That's why I can't just let him go. Because who knows? Maybe he will be the reason for me to rest in this tiring world." I held my hand before looking ate her. "I already told you my story. Maghihintay ako, hanggang sa ikaw mismo ang magsabi sa akin sa mga pinagdaanan mo." "I... I went through a lot. Hindi ko alam, hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko. Isang araw nagising nalang ako, walang maalala. Walang ideya kung sino ako maliban nalang sa pangalan ko. Sobrang tagal. Sobrang tagal bago ko nalaman kung sino ako. Araw-araw kailangan kong gumising ng maaga para pumasok sa mga trabaho ko. Kailan kong mag-ipon ng pera para makapunta ako sa mga lugar na posibleng makatulong sa akin para makaalala ako." She wiped away her tears before continuing to speak. "Pero wala eh, wala talaga. Sinubukan ko ang lahat pero nagsayang lang ako ng pera kasi kahit na anong gawin ko, wala talaga akong maalala. Gusto ko ng sumuko at ituloy nalang ang buhay na mayroon ako pero naisip kong baka may naghihintay sa akin. Baka may mga iniwan ako at umaasang babalik pa ako. Baka... baka may ibig talagang sabihin kung bakit ako nabuhay ulit. Kasi baka may kailangan akong itama. Hindi ako nawalan ng pag-asa." "How did you remember everything?" I asked her. "I met this guy. Siguro gano'n talaga 'no? Sa isang pagsubok hindi mawawala ang pagmamahal," tumawa siya. "He helped me to remember my past. Kasi sa tuwing nakikita ko siya parang... para bang may bumabalik na ala-ala sa akin. Do you know what's funny? I fall in love with him. Mali. Sobrang mali." "Where is he right now? Are you still in contact?" "Noong naalala ko na ang lahat, I dumped him. Pinaniwala kong ginamit ko lang siya. Kasi hindi pwede. Hindi kami pwede. Kung may makakatuluyan man siya, hindi ako 'yon. Kasi hindi ko naman alam kung kailan babawiin 'yong buhay na binigay sa akin ngayon." "Nagkita na ba kayo ulit?" "Yes. Sa company mo. Hindi ko inaasahan na isa siya sa makakasama sa in-attendan namin ni Kaito na board meeting. At bakit pa ba ako nagulat? Nasa New York palang alam ko na kung ano ang estado ng buhay niya. Tagapagmana siya samantalanag ako, wala. Kaya kahit gustong-gusto ko siyang lapitan noon at humingi ng tawad, hindi ko ginawa. Pinigilan ko ang sarili kong huwag tumingin sa kaniya. Kasi gano'n naman talaga dapat, 'di ba? Kasi kung hindi ko gagawin 'yon, mahihirapan lang ulit akong lumayo sa kaniya." "Aeris..." "Do you want me to be honest with you? Isa sa dahilan kung bakit gusto kong paglayuin kayong dalawa ay dahil ayaw kong magaya ka sa sitwasyon ko. Kasi sobrang hirap ate... sobrang hirap ma-in love sa sitwasyon natin." I never spoke again. I just pulled her to hug me while she told me everything she went through. Hearing those words from her broke my heart. Hindi ko inaasahan na sobrang dami niya ring pinagdaanan... at mas sobra pa kaysa sa akin. When she calmed down she said she would call Asher to help me with my food. Tumango nalang ako at ngumiti sa kaniya bago ko siya hinayaang lumabas. Asher quietly entered my room until he sat down next to me to feed me. "Have you eaten?" I asked him, breaking the silence. "Tapos na," he answered. "May masakit pa ba sa 'yo?" "Okay na ako," I told him. "Promise." "Sabi mo eh." "Are you doubting me?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Oo." "Wow," I said in disbelief. "You're the reason why I'm like this," taas-baba ko siyang tiningnan bago inirapan. "Sorry, ha? Eh ikaw nga itong bigla-bigla nalang aalis tapos pagbalik puno na sugat sa katawan." "It's because of you stupid. Sino bang may sabi sa 'yong tumalon ka sa building na 'yon? Ang dami mong pwedeng takbuhan doon mo pa talaga napili." "Malay ko ba? Sa sobrang panic ko hindi na ako makapag-isip ng maayos. Buti nga nakatakas pa ako bago nila ako itali, eh." "O talaga? Nakatakas ka nga pero muntik mo namang patayin ang sarili mo. Masyado mong pinabilis 'yong dapat na gagawin palang nila sa 'yo." "So sinasabi mong papatayin talaga nila ako?" gulat na taong niya. "Ano ba sa tingin mo? Makikipaglaro lang sila sa 'yo?" "Sia, ano ba," napipikon na niyang sinabi. "Pwede bang aminin mo nalang. Ang dami-dami mo pang sinasabi." "Going to the Bridge of Suffer isn't really my plan. Isang linggo," I told him. "Isang linggo dapat akong mawawala. And that is equivalent to 700 years there." "Bakit ka pumunta sa sinasabi mong bridge?" nagtatakang tanong niya. "Because you're in danger. I can get out right away when I do that," I honestly said. "Kung sakali mang... hindi nangyari sa akin 'yon. Babalik ka ba ng walang mga sugat? Babalik ka ba ng maayos?" "Oo naman. Lamig lang ang makakalaban ko roon." "Sana hindi mo nalang ako niligtas," I heard him whisper. "Are you stupid?" kunot-noong tanong ko. "At anong gusto mo? Pagbalik ko nakaburol ka na?" "Sorry..." "Come on, bakit lahat kayo nanghihingi ng tawad sa akin?" "Kasi dahil sa akin kaya ka nagkaganiyan." "It's not because of you. It's because of me and my impulsive decision. At kahit na anong gawin mo, kahit na nasa bingwit pa ako ng kamatayan, ililigtas at ililigtas kita. Uunahin at uunahin kita. Kayo ng mga kapatid ko. You know why? Because I made a promise. Na poprotektahan kita. Kasi kapag hindi ko ginawa 'yon... pagsisihan ko lang." "Sia..." "Kaya kahit sabihin mong huwag kitang unahin. Na huwag isipin. Na huwag akong mag-alala sa 'yo, hinding-hindi ko gagawin 'yon. Kaya kasalanan mo. You made me like this. Kaya magsawa kang makita ang mukha ko sa tuwing may nangyayaring masama sa 'yo." He let go of the spoon he was holding before looking up at me. "You won't leave me without my knowing, right? You'll let me know before you disappear, 'di ba?" Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "I don't hold my time but yes, by the time I'm gone, you'll be with me. Ikaw ang huling makakakita sa akin." He nodded before bitting his lips. "Can I ask you a favor?" he asked. "Or can I... use my wish card for today?" Marahan akong tumango sa kaniya. "Can you... can you please stay with me?" I kept the smile on my lips before nodding again. He doesn't have to say that. Dahil alam ko sa sarili ko na 'yon din ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD