Chapter Five
Naglalakad na ako palabas ng private parking lot ko para pumasok sa loob ng university ng may biglang bumati sakin.
"Hi nerdy." nagulat ako sa taong bumati mula sa likod ko kaya naman humarap ako para makita ang bumati sakin.
'Anak naman ng pusa oh, siya na naman pala? Ang lalaking nakabunggo ko nung first day of class hays kung minamalas ka nga naman'
"Ikaw na naman?" Mataray kung sabi sakanya.
Paano ba naman yung lalaki na naman na mayabang ang nakita ko sa dinami dami ng students dito siya pa ang unang bumungad sakin. Pinaparusahan talaga ako ng diyos.
"Ang taray mo talaga no?" Ngising sabi niya sakin.
Pakialam ba niya kung mataray ako. Ganito naman talaga ako lalo na sa mga taong hindi ko kaclose?!!
"WA-LA-KANG-PA-KI-A-LAM." Mataray na sabi ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako para maglakad ng bigla niya na lang akong hilahin at halikan.
Watdapak,!
Piste! Bwesit talaga. Hindi ko na napagilan yung palad ko at dumapo na lang bigla sa mukha niya.
PAKKK..
"Bakit mo ko hinalikan huh?" Sigaw ko sa kanya.
"Wala lang masarap naman diba?"
Aba't ang bastos talaga nitong lalaki na to mayabang na manyak pa. Piste!!
"Aba't tarantado ka ha. Anong akala mo sakin katulad ng mga babae na easy to get. Gago ka pala e bwesit ka nakakasama ka ng araw bwesit." galit na saad ko sa kanya
Tumalikod na lang ako at nagsimula ng maglakad nakakainis na lalaki yun. Bakit naman kasi sa lahat ng taong pwede kong makita ay yung bwesit pa na yun, may araw ka din sakin makakaganti din ako sayo.
Habang nasa classroom na ko may bigla na lang pumasok at nagtitilian yung mga kaklase kong babae akala mo nakakita ng gwapo tsk.
"Shut up class!! Why are you late Mr Monteverde?" Inis na sabi ng professor namin sa kakapasok lang.
Napatingin ako sa pinto ng classroom kung sino yung sinasabihan ni Mam Che. Yung professor namin na striktang mataray pero mabait.
"It's none of your business." sabi niya sa professor namin.
'Aba't walang disiplina tong lalaki na to'
"You don't have a good manners and decipline." Inis naman na sabi ng professor namin.
"I'm not wasting my time to talk to you." sabi niya pa sa professor namin.
Lumakad naman siya sa gawi namin sabay upo sa may bandang likuran namin pero mga dalawang upuan ang layo. Ang bastos talaga ng kumag na to.
Napaka bastos talaga non kahit kailan. Kissing monster na nga wala pang disiplina sa mga nakakatanda nakakabwesit lang diba?
"Ang bastos talaga ni Dharenz 'no bes walang sinasanto at ginagalang." sabi ni Kyla.
Totoo yan bes agree ako sayo kissing monster pa yan..
"Oo nga e wala man lang kadisi-disiplina sa katawan." sagot naman ni Shane habang nakataas ang kilay.
"Hindi ko alam sa ugali nyang lalaki na yan. Nakakagago lang diba?" Singit naman ni Mitch at galit na galit ang lola mo.
"Campus King kasi e kaya mayabang." sabi naman ni Jenny kahit hindi mo na ipaalala Jen ayts-_- himala nagsalita ang bruha na to.
"Oo nga e." Sabi naman ni Jane at Aira.
"Hayaan niyo na nga siya pakialam niyo ba sa kumag na yon." galit ko ding sabi.
Kapag pinag-uusapan kasi siya naaalala ko yong nangyari kanina sa parking lot e. Naiinis lang ako.
"Bakit galit na galit ka yata sa kanya?" Sabi ni Shane.
'Naku sobrang galit na galit ako sa kumag na yan. KISSING monster kasi yan'
"Wala naiinis lang ako sa pag uugali niya." Pagsisinungaling ko.
Ayokong sabihin sa kanila ang rason no dahil sigurado akong aasarin lang ako ng mga to.
Wala akong naintindihan sa topic ni Mam Che samin. Ewan ko ba kung saan na naman lumilipad ang utak ko.
"Class dismissed." Sigaw ni Mam Che at lumabas na ng classroom.
Yan tuloy highblood na naman ang professor namin..
BELL RING..(Break time)
"Classmate listen." sigaw ng classroom president namin.
Tumingin naman kaming lahat sa kanya at tumango.
"Wala daw si Professor Nel kaya vacant tayo hanggang 12 noon. You may go now classmates." sabi ng class president namin.
Aba't may nasabi din siyang maganda ngayon tsk!!
"Ok." Sagot naming lahat.
Tumayo na ang lahat habang kami ay inayos muna namin ang mga gamit namin. Three hours ang vacant namin ngayon.
Ang saya saya Kuya Wil hahaha..
"Tara na punta na tayo sa cafeteria." aya ni Mitch samin pero ayokong kumain ngayon hindi naman ako nagugutom e.
"Kayo na lang muna ang mag breaktime. Pupunta muna ako sa library may tatapusin lang ako." pagpapaalam ko sa kanila.
"Don't be stressed yourself bes." sabi ni Shane sakin.
"Ok lang ako masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon." saad ko sa kanila.
Sa totoo lang masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam baka sa pagod na siguro to at kulang sa tulog.
Lipas kasi ako sa pagkain at kulang sa tulog dahil sa work ko sa kompanya tapos nag-aaral pa ako. Ang saklap diba wala na kong pahinga.
"Sige punta na kami ng cafeteria ha. Bibilhan ka na lang namin ng snack mo para mamaya.." pagpapaalam nila sakin.
Tumango na lang ako at nagsimula ng maglakad papuntang library. Papasok pa lang sana ako sa pinto ng may bumuhos na harina sa ulo ko.
"Hahahaha." si Yassie at ang mga alipores niya na naman at tuwang tuwa pa sila kaya nakakarindi lang.
"Ano bang kasalanan ko sayo Yassie?" Simpleng tanong ko sa kanya habang pinapagpag ang ulo ko na puno ng harina.
"Wala naman, simple lang naman ang gusto ko. Layuan mo lang ang boyfriend ko at hindi na kita guguluhin pa." mataray na sabi niya sabay ngiting aso.
"Huh? Ano bang pinagsa-sasabi mo Yassie?" Nalilitong tanong ko at sinong boyfriend naman kaya yun.
Nakakapagtaka yung sinasabi nitong babae na to?!!
"Nagmaang maangan ka pa kilala mo si Dharenz hindi ba? Yung nabunggo mo ng ilang beses o talagang nagpapapansin ka lang sa boyfriend ko." mataray na sabi ni Yassie.
Ah yun ba yung kumag na yun. So siya pala ang girlfriend ni Dharenz?!!
"Wag kang mag alala wala akong balak sulutin o landiin yung boyfriend mo OK. Sayong sayo na siya isaksak mo pa sa baga mo at pasensya din kung nabunggo ko siya ha, dahil sa tatanga tanga naman kasi yung boyfriend mo bulag yata kasi yun kaya hindi niya nakita na dumadaan ako." mataray din na sabi ko na may pang aasar hindi naman ako bully nerdy nga ako e.
"At ang boyfriend ko pa talaga ang may kasalanan ha pero atleast alam mo kung saan ka dapat lulugar." mataray na sabi ni Yassie sakin habang naka crossarms pa siya.
Tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad sa hallway. Pupunta ako sa locker para makapagpalit na naman ng bagong uniform. Ayoko lang talaga ilabas yung tunay na ugali ko baka hindi ako makapag pigil makapatay ako ng wala sa oras.
"Grabe 'oh kawawa naman yung nerd nabully na naman."
"Oo nga e, grabe talaga si Yassie."
"KYAHHHHHH.."
"Nandyan na naman ang badboys."
Lumingon ako at nakita ko yung sinasabe nilang badboys. Yon yung lalaking nakabangga ko nun e siya din yung kissing monster sa parking lot/mayabang at bastos kong classmates.
Siya ba yung leader nila? Tsk!! Maangas lang tingnan pero mukhang tanga naman, pero teka lang namamalikmata lang ba ako sa nakikita ko ngayon o hindi. Yung isa kasi nilang kasama ay kamukha ng daddy ko at mala carbon copy pa.
Hindi naman siguro dahil lang siguro to sa harina makaalis na nga. Maglalakad pa lang sana ako ng may biglang humawak sa braso ko.
"What happen to you?" tanong ng isang boses na nag aalala.
Kaya naman lumingon ako sa humawak ng braso ko, siya na naman pala nakakainis naman na buhay to oh, nang dahil sa kanya kaya ako nabuhusan ng harina e.
"Pwede ba bitawan mo ko wala akong pakialam sayo. Look ng dahil sayo kaya ginawa ng maarte at retokadang girlfriend mo ang lahat ng to." binitawan niya naman yong braso ko at nagsimula na kong maglakad papunta sa locker room.
Pagkarating ko sa locker room agad kong binuksan ang locker ko at kinuha yong extra uniform ko at dumeretso ako sa shower room para makaligo at makapagpalit ng uniform ko.
Pagkatapos kong maligo at makapagpalit. Hindi na ko pumunta ng library dumeretso na lang ako sa secret garden.
Nang makapunta na ko umupo ako sa ilalim ng puno at naglagay ng headset sa magkabilang tenga ko. At sumandal sa puno.
Crashing, hit a wall
Right now I need a miracle
Hurry up now, I need a miracle
Stranded, reaching out
I call your name but you're not around
I say your name but you're not around
I need you, I need you, I need you right now
Yeah, I need you right now
So don't let me, don't let me, don't let me down
I think I'm losing my mind now
It's in my head, darling I hope
That you'll be here, when I need you the most
So don't let me, don't let me, don't let me down
Don't let me down
Don't let me down
Don't let me down, down, down
Don't let me down, don't let me down, down, down
Running out of time
I really thought you were on my side
But now there's nobody by my side
I need you, I need you, I need you right now
Yeah, I need you right now
So don't...
Habang nakikinig ako ng kanta. Hindi ko namalayan na may pumapatak na palang mga luha sa mga mata ko.
'Mom/Dad nahihirapan na ko sa sitwasyon ko ngayon sana nandito kayo para magcomfort at para alam niyo na rin ang mga nangyayari sakin ngayon. Matapang naman ako e at kaya ko naman ang sarili ko kaso miss na miss ko lang talaga kayo sana makita ko na si kuya Clifford SANA..'
Nabigla ako ng may nag abot ng panyo sakin kaya naman tumingala ako at tiningnan ko kung sino yun, siya yung kasama nung kissing monster kanina at hindi nga ako namamalikmata kanina dahil kamukha niya talaga ang daddy ko at mala carbon copy nga ang mukha nito sa daddy ko lalo na kapag malapitan.
"Kunin mo na wag kang mag alala hindi naman ako kasing sama ni Dharenz kung yun ang iniisip mo." sabi niya sakin.
Mukhang mind reader pa ata to bakit alam niya yung sinasabi ng utak ko.
"Mind reader ka ba bakit alam mo yong iniisip ko?" tanong ko nababasa niya kaya yung nasa isip ko.
"Yun kasi ang nakikita ko sa mga mata mo nung makita mo ko." Natatawang sagot niya hahaha ganun na lang ba katalas ang paningin nito.
"Bakit nandito ka pala? Paano mo nalaman yung lugar na to? If you dont mind.." ngiting tanong niya ulit.
"May nagsabi lang sakin na may secret garden dito sa university na to. Pumupunta lang ako dito kapag gusto ko ng tahimik na lugar. Nakakaaliwalas kasi ang mga puno at mga halaman sa paningin ko. Yun bang nakakagaan ng pakiramdam kapag nakakakita ng mga living nature." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Same pala tayo ganyan din ako kapag nakakakita ng mga nature.. hmm by the way, what is your name?" tanong niya sakin.
Ang gaan ng loob ko sa lalaki na to.
"Eliza, how about you?" sagot ko
"Ah.. nice name huh?" Nakangiting sabi niya sakin. "Ako naman si Lucky Tan pinsan ko pala yung friend mo na si Jenny Lee." pagpapakilala niya sakin kaya naman napatango-tango na lang ako.
"Pinsan mo pala siya hehe. Minsan lang magsalita yung isang yun e pero seryoso yun kung seryoso na din ang usapan." Ngiting sabi ko.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa buhay buhay namin. Bakit kaya ang gaan ng loob ko sa kanya? Hindi ko maipaliwanag sa loob loob ko dahil nakakatuwa siyang kasama.
Tumayo na kaming dalawa sa bermuda grass sa ilalim ng isang puno dahil maglunch break na. Inalalayan niya naman ako tumayo.
"Dito na ako princess yan na lang tawag ko sayo. Ok lang ba sayo?" tanong niya sakin. Bakit naman princess? Lakas din ng sapak nito e. "Parang sa loob loob ko kasi, gusto kitang tawagin na princess e." Kamot-kamot ulong sabi niya sakin.
"Oo naman ok lang sakin. Ikaw ba pwede ba kitang tawagin na kuya ko?" Nakangiting saad ko sa kanya.
"Oo naman syempre." sabi ni Kuya Lucky sabay ngiti niya sakin carbon copy talaga siya ng daddy ko.
"Thank you sa time mo kuya. Alam mo ang gaan gaan ng loob ko sayo promise. Hindi ko alam kung bakit?" Nakangiting sabi ko pa sa kanya.
"No problem basta nandito lang ako ha kapag nalulungkot ka, kahit naman ako ang gaan gaan ng loob ko sayo hindi ko rin alam kung bakit?" Seryosong sabi niya pa sakin.
"Sige dito na ko kuya. Salamat sa oras mo." Tumango nalang siya at nagsimula ng maglakad.
Kahit papano nabawasan yung pagkalungkot ko at pangungulila ko sa mga parents ko. Nagsimula na din akong maglakad papuntang cafeteria kasi nga lunch break na nasaan na kaya yong anim mahanap nga muna.