Chapter 6
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mga mata. Another beautiful day for me.
Sana walang sagabal ngayong araw na to?
Syempre nasa mood ako ngayon kaya gusto ko ng tahimik at payapang lugar pero parang hindi naman tahimik ang university para sakin?
Sa sobrang dami ba naman ng mga chismosa,bully at kung ano-ano pang mga trip ng mga tao sa university na yun e haist (._.) kakabadtrip lang mag isip.
Gusto kong umabsent ngayon kaso hindi pwede dahil may mga ipapasa akong mga work activity.
Nag-stay muna ako ng limang minuto bago tumayo ng kama. Assual inayos ko muna ang kama ko bago ako dumeretso ng banyo.
Matapos ang isang oras ay tapos na kong maligo,magbihis at mag-ayos ng aking sarili bago tuluyang bumaba ng kwarto ko papunta sa kusina para kumain ng breakfast ko.
"Good morning Madam." bungad ng mga maids dito sa mansyon.
"Morning. Where's Manang Gina?" pagbati ko din sa kanila at tanong ko na din.
"Nandito ako hija. Bakit may kailangan ka ba?" lumabas si manang mula sa kitchen at may dalang tasa.
I think sopas yan or champorado?
"Wala naman manang hinahanap lang kita. Ano yang dala mo manang?" tanong ko.
"Ah ito ba syempre sopas para mainitan yang sikmura mo bago ka pumasok sa eskwelahan." See. Sabi ko na nga ba e? kung hindi sopas ay champorado yung dala ni manang.
As always naman yan ginagawa ni manang para mainitan ang sikmura ko. Mahalaga kasi ang breakfast meal kaysa sa lunch at dinner.
"Sige na kumain ka na at may gagawin pa ako." nakangiting sabi niya at inihain na niya ang sopas sa harapan ko.
Tumango na lamang ako at sinimulan ng kumain, nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay manang sa garden. Nagdidilig kasi siya ng mga flowers na alaga ni mommy.
Bilib din ako kay manang kasi hindi niya pinababayaan yung mga halaman na yun. Alaala kasi ng mommy ko yun kaya tuwing nakikita ko ang mga bulaklak na nasa garden ay naaalala ko ang mga ngiti ni mommy nung siya pa ang nagdidilig ng mga halaman na yun.
Wala pang kalahating oras ng makarating ako sa university na pinapasukan ko. Sa private parking lot ako nagpark para safe diba.
Nang makapasok ako sa university. Ito na naman ang mga matang nakamasid sakin mga matang tinitingnan ka at pinapatay ka na nila sa kanilang isipan. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatitig sakin pero mukhang hindi na rin yata mawawala ang pang araw-araw na bulungan sa paligid ko. Kung hindi ko lang mahal ang university na to hindi ako mag-aaksaya ng panahon ko dito para mag-aral. Kung wala lang talaga akong tungkulin hays ( ´_ゝ`)
Nasaan na ba kaya ang mga malalanding este mababait ko pa lang mga kaibigan. Hindi ko pa sila nakikita ngayon mukhang sila naman ang malalate ngayong araw.
"Bes." Si Shane na hanggang tenga ang ngiti.
'Ano na naman kaya nag nakain nito.. makangiti kasi abot hanggang tenga e'
"Ang aga mo naman yatang pumasok ngayon E?" tanong ni Jenny na mukhang inaantok pa. Humihikab kasi siya habang tinatanong niya ako e.
"Mukhang nasa mood ka ah." Pang-aasar naman ni Aira sakin pero ngumiti lang ako.
"Oy ano yun. Teka ngayon ko na lang ulit nakita ang ngiting yun ah, yung natural na natural lang walang halong peke." hindi makapaniwalang sabi naman ni Mitch sakin.
Binigyan ko lang sila ng pamatay na ngiti kaya yung lima napa 'O' ang mga bibig nila. Samantalang si Jenny same attitude with me. Cold pero kapag seryosong usapan lalabas ang pagkadaldal.
"Tara na malalate tayo sa unang subject major subject pa naman yun." sabi ko na lang sa kanila at nagpauna ng lumakad.
Pagkaupo namin sa mga upuan naming pito ay ang pagdating din ng professor namin.
"Good morning everyone." mukhang strikto ang professor namin na to.
Tumayo namin kaming lahat at binati din namin siya. Actually ang seating arrangement namin ay parang yung sa sinehan. Ganun na ganun yung mababa sa unahan tapos pataas then yung sa haparan ay may whiteboard at projector basta ganun.
"Take a sit students. I'm Mr Benjamin Ynarez but you can call me Sir Ynarez. I'm your professor in your three major subjects the Accounting, Finance Management and Marketing subjects." seryosong sabi ng professor namin.
Wow as in Wow lang three major subject ang hawak niya. Nakakabilib lang grabe.
"Siya yung sinasabi ng ibang college students na sobrang strikto. Patay tayo nito." bulong ng isang classmate ko na mukhang kinakabahan.
"Oo siya nga yon. Nakakatakot tol nambabagsak pa naman daw yan." Bulong din nong katabi niyang lalaki.
"Is there's any problem at the back?" nakataas ang kilay na tanong ni Sir Ynarez.
"No-No Sir." nauutal na sagot nung isang lalaki na nagchichismisan kanina.
"Ok our topic for this first semestry is Accounting. There's anyone who knows what is Accounting?." tahimik ang lahat halos walang nagtataas ng kamay kahit yung anim kong kaibigan nakatungo lang sila at hindi makatingin ng deretso sa harapan. "Anyone." malumanay na sabi niya pero wala pa ring nagtataas ng kamay kaya nagtaas ako. Halos magulat ang lahat sa ginawa ko. "Yes Ms..." tawag niya sakin kaya naman tumayo ako at umayos ng tayo.
"Angeles Sir." seryosong sagot ko kaya naman sumeryoso din siya.
"Yes Ms Angeles. What is Accounting?" nakangiting tanong niya sakin kaya naman bumuntong hininga muna ako bago magsalita. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin sila sakin.
"Accounting is the systematic and comprehensive recording of financial transactions pertaining to a business. Accounting also refers to the process of summarizing, analyzing and reporting these transactions to oversight agencies, regulators and tax collection entities."
"And what is the purpose of accounting?"
Grabe akala ko isang tanong lang mukhang marami pang tatanungin to. Buset hindi man lang ako nakapag prepare huhuhu yari ako nito kapag hindi ko nasagot ang mga tanong niya..
"Ms. Angeles.."
"Ye-yes Sir."
"What is the purpose of accounting?" tanong niya ulit kaya naman huminga ako ulit ng malalim bago sumagot.
"The purpose of accounting is to accumulate and report on financial information about the performance, financial position, and cash flows of a business this information is then used to reach decisions about how to manage the business, or invest in it, or lend money to it." dere-deretsong sagot ko kaya naman napa wow yung mga classmate ko.
"Very good Ms Angeles. I have one more question, and if you answer this you are my first student that definitely answer my questions correctly." nakangiting sabi niya kaya naman napangiti na lang din ako kahit peke lang. "This is my last question to you and you will take a seat after you answer this question. I hope you answer this correctly." sabi niya pa.
Piste!! Piste..nanginginig na ako sa sobrang kaba grabe naman to si Sir pamatay yung mga tanungan.
"What is the 3 Definition of Accounting?" seryosong sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Pwede bang call a friend haha ╮(╯_╰)╭
'Shunga ka talaga Eliza alam mong ikaw lang ang bukod tanging students na nagtaas ng kamay kanina kaya wag kang shunga.'
Lintik na utak to nakikisabay pa buset. Ano nga ba ulit yung 3 definition of accounting teka... mag-aala Jimmy Neutron muna ako.
ISIP
ISIP
ISIP
ISIP
ISIP
..........TING*
GOT IT??!!!
"The three major financial statements produced by accounting are the income statement, the balance sheet, and the cash flow statement. Financial accounting is the recording and communication of economic information in accordance with Generally Accepted Accounting Principles or (GAAP) and is primarily for external users." habol na hiningang pagpapaliwanag ko pero nagulat ako ng....
CLAP.. CLAP.. CLAP.. CLAP.. CLAP.. CLAP
"I'm very very impress to your answer Ms Angeles.Very good!!" sabi niya habang pumapalakpak.
Nasagot ko ba ng tama yung tanong niya? Kinakabahan ako ng matindi don grabe.
"Hindi ko alam na may mas magaling pa kaysa sakin i am more than impress to your answer. Ikaw lang ang bukod tangi at kauna-unahang students ko ngayong taon na nakasagot sa mga tanong ko na yan. Nag advance reading ka ba?" hindi makapaniwalang sabi niya sakin kaya naman napangiti ako.
Napansin ko din na nakangiti yung mga classmates ko sakin.
"Parang ganun na nga po Sir." nahihiyang sabi ko kay Sir Ynarez, pero ang totoo hindi ako nag advance reading sadyang alam ko yan dahil sa opisina ako nagwowork.
"You're very good in memorizing huh?" natatawang sabi niya kaya naman napangiti na lang ako.
"Thank you Sir."
"Okay you may now take a sit." nakangiting sabi niya sakin kaya naman umupo na ako.
"Galing naman this girl. Paano mo nalaman yon?" pangungulit ni Shane sakin siya kasi ang katabi ko at sa gilid ko naman ay si Jenny.
Sinagot ko na lang siya ng ngiti. Nakinig na lang ako kay Sir Ynarez dahil nagtotopic pa rin siya sa harapan. Makalipas ang isang oras ay breaktime na namin.
"Everyone." sigaw ni Sir Ynarez "Mag advance reading kayo about Finance that will be our topic for tomorrow ok. Understood." habilin niya kaya naman nag 'yes sir' na lang kami.
Sasabog ang utak ko nito kapag nagkataon haha. Ang daming pag-aaralan kung hindi sana nawala sila mom at dad hindi ito ang kukunin kong course sa college e pero no choice e.
"Ang galing mo kanina Eliza." Si Timothy classmate ko. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"Psh akala mo kung sino ng matalino"
"Oo nga e lumaki agad yung ulo napuri lang"
"Tingnan nga natin sa mga susunod na topic kung makasagot pa yan."
"Hayaan mo na wag mo na lang pansinin tara na." si Jenny
Hindi ko na lang pinansin yung mga pagbubulungan nila tungkol sakin. Tsk! Ano bang masama kung sumagot ako kanina shinashare ko lang naman ang nalalaman ng utak ko at yung mga napag-aaralan ko. Hindi katulad nila puro brand ng make-up ang alam at pagpapaganda. Anong silbi ng mukha at itsura kung wala ka namang utak. Mabuti pa ako mabait pero wag mong susubukang magalit dahil masama akong tao kapag lumabas ang tunay na ako.
"Oh my. Look Yassie the trash girl." si Monalie. Isa sa mga mean girl dito sa campus.
"Hindi pa talaga siya nadala last year sa mga ginawa natin sa kanya pumasok pa rin pala siya haha." malanding sabi ni Yassie sa kaibigan niyang si Monalie.
'Malamang hindi lang naman puro ganda ang meron ako kaya nag aaral ako'
"Akala mo kung sinong matalino sa class kanina tsk. Nerd na nerd talaga siya e hindi niya naman ikakaganda yun." Si Cyra
'Parang siya haha.. malaking dibdib lang ang meron siya samantalang ako malawak na utak'
"Hahahaha" silang tatlo habang tumatawa. Lakas na naman ng topak ng mga to.
"True its so ugly kaya. Look she's a trash." maarteng sabi ni Yassie sa mga kaibigan niya.
'Sus pa ugly ugly pa to.. akala mo naman ikinaganda niya na yan'
Sobrang dami kong naririnig na nagbubulungan. Pakialam ba nila kung nerd ako sa paningin nila baka kapag nakita nila ang itsura ko na hindi nerd magulat sila. Ang ganda ko kaya and 'I am proud of it'. CHOSERA HAHA (^・x・^)
Sila ang mga mean girl dito sa loob ng college campus. Mga flirt kumbaga mga papansin sa mga lalaking gusto nila.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad ng mga kaibigan ko papuntang order line para umorder ng kakainin namin pero ng lampasan namin sila Yassie at ang dalawa niyang alipores ay bigla niya na lang hinablot ang braso ko at sapilitang pinaharap sa kanya.
"Bakit kasi hindi ka na lang umalis sa university na to huh? Hindi ka pa ba nadala sa mga ginawa namin sayo last year?" mataray na sabi ni Yassie sakin pero hindi ko na lang siya pinansin tatalikod na sana ulit ako pero hinablot niya ulit yung braso ko. "I'm talking to you trash. Alam mo ba tuwing nakikita ko ang mukha mo nanggigigil ako." tiim bagang na sabi niya sakin kaya naman napangisi na lang ako.
"Bakit hindi ka na lang pumikit para hindi mo ko makita?" sarkastikong sabi ko sa kanya kaya naman napataas siya ng kilay at ako naman ay napacross arms.
"Ugh!! Hindi ko magagawa yun trash dahil classmate kita sa mga major subject, saka sino ka ba para utusan ako huh?" nang-gagalaiting sabi niya sa mismong mukha ko.
"Kaya nga kung ayaw mo kong makita pumikit ka na lang ok." mapang-asar na sabi ko sa kanya at tumalikod na pero hinablot niya na naman yung braso ko. Dalawa na. "Pwede ba kung ayaw mo talaga akong makita ikaw ang umalis sa university na to ok. Una sa lahat pag-aaral ang ipinunta ko dito hindi pakikipag-asaran okay. Alam mo Yassie isa lang ang masasabi ko sayo napaka'insecure' mo sakin. Hindi ba't ikaw na ang nagsabi na trash ako, basura nga ako sa paningin mo pero sa ibang tao hindi, kaya pwede ba nagugutom na ako baka hindi ako makapagtimpi ikaw ang kainin ko. Gggrrrr" sigaw ko sa kanya kaya naman nagulat siya. Kakabadtrip kasi e nagugutom na kaya ako.
"Pwede ba Yassie tigilan muna yung kaibigan namin masyado kang papansin e." sigaw ni Kyla sa kanya.
"At sino ka naman para utusan ako huh?" maarteng sagot naman ni Yassie.
Patay ka sa mga kaibigan ko tatlo lang kayo anim ang kaibigan ko.
"Baka gusto mong ipasara ko ang kompanya niyo para naman maramdaman mo ang pagiging isang mahirap." singit naman ni Mitch.
Woah! (◕(エ)◕) grabe yung mga kaibigan ko mga warfreak talaga.
"Psh! As if kung magawa mo yun haha mas mayaman ang pamilya ko kaysa sayo Mitch at alam mo yun." si Yassie na nagcross-arms pa.
"Haha alam kong mas mayaman kayo kaysa samin pero wag mo kong subukan baka ngayon pa lang ipasara ko na ang kompanya ng mga magulang mo." nakangising sabi ni Mitch sabay tingin sakin ng nakangisi.
Bwesit na to akala ko kaya niya. Yun pala ako ang gagawa tsk tsk.
"Tara na nagugutom na ako. Hindi tayo mabubusog dito." seryosong sabi ko at nagpauna ng maglakad pero humarang si Yassie sa harapan ko kaya napahinto ako at..
PAAKK'!!
'Watdapak.'
Sinampal ako ni Yassie sa harap ng maraming tao kaya naman halos lahat ng nakakakita sa pagtatalo namin ay napasinghap dahil sa ginawa niya. Below the belt na yung ginawa niya sakin at hindi na ako natutuwa talaga.
"Hoy! Bakit mo sinampal ang kaibigan namin huh?" Nanggigil na sigaw Ni Aira at humarap pa kay Yassie.
"Masakit ba huh?" sarkastiskong tanong niya sakin kaya naman napa-angat ako ng tingin sa kanya habang hawak hawak ko pa ang pisngi ko na sinampal niya. "Kinakausap pa kasi kita tapos tatalikuran mo lang ako. Nakakabastos ka lang diba? hahaha." tumatawang sabi niya sakin kaya naman napapikit ako sa sobrang inis.
'Please Eliza magtimpi ka pa. Wag mo siyang papatulan, baka hindi mo mapigilan ang sarili mo.'
"Yassie pwede ba tigilan muna." si Jane na halatang nagpipigil na rin ng galit.
"Bakit ko naman gagawin yun huh? Sinabi ko na sa inyo nanggigigil ako kapag nakikita ko yan." sigaw ni Yassie kay Jane kaya naman sumabat na ako.
"Why did you do that?" malamig na tanong ko sa kanya habang nakakuyom ang mga palad ko.
"Anong magagawa mo nagawa ko na e bakit gusto mong gumanti haha." mataray na sagot niya sakin kaya naman tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Tsk pathetic." bulong ko
"What did you say huh?" sigaw niya sakin pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero...
PAAKK!!' right side
PAAKK!!' Left side
Napasinghap ang lahat sa ginawa kong pagsampal kay Yassie. Pinagbigyan ko na nga kanina e pero hinablot niya ulit ang braso ko at akmang sasampalin niya ulit ako kaya inunahan ko na siya.
Ang sakit na kaya nong sampal niya kanina dodoblehin niya pa yung ginawa niyang pagsampal sakin kaya ayun ako ang nagdoble para sa kanya. Halos mapaupo na siya sa sahig dahil sa ginawa ko sa kanya.
"Masakit ba?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"You will pay for this." maiiyak na sigaw niya sakin kaya naman napangisi na lang ako.
"You're so pathetic Yassie. Ginawa ko lang yun para magising ka sa katotohanan na hindi lahat ng nerd ay kaya mo, dapat kinilala mo muna ako bago ka gumawa ng ganyan sa harapan ko matagal na kong nagtitimpi sa mga kagaguhan na ginagawa mo sakin at kayong lahat." malamig na sigaw ko sa lahat ng students na nandito sa canteen. "May limitasyon din ang pasensya ko pero dun sa ginawa mo naubos na. Yung pambubully mo hindi na akma sa edad mo. You're a college student for heaven sake Yassie you are not in elementary or high school to do bullying to me or in the other nerd students here. Wag mong hintayin na makarating pa sa head office ang mga pinag-gagawa mo baka ng dahil dyan hindi ka na makapag aral at makapagtapos." galit na sigaw ko sa kanya kaya halos lahat ng nasa canteen na students na kumakain at nanunuod samin ay natahimik dahil sa sinabi ko.
Hindi na ako pumila pa nawalan na rin naman ako ng ganang kumain nakakawala ng gana. Nagpauna na kong lumabas at pumunta na lang sa isang tahimik na lugar pero dito pa rin sa loob ng university campus.
Hindi mawala ang sobrang galit ko sa dibdib ko. Ano ba ang naging kasalanan ko sa babaeng yun bakit galit na galit siya sakin? Nakakabadtrip lang talaga tsk!