Chapter Twenty-four Blue’s P.O.V. “BASTA manyak ka!” sigaw niya sa ’kin. Nakadilat na siya ngayon at masama ang tingin sa akin. “So ’pagsa ’kin, manyak ang tawag mo? ’Pag sa iba, okay lang na bastusin ka nila,ganon? ’Di rin kita maintindihan, eh,” I calmly said. Ayaw kong ito ang maging kauna-unahang away namin ngayong naging okay na kami. “Oo! Bakit?” Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niyang ’yon.Maniac daw ako pero hindi ko naman siya hinipuan. Pero doon sa walang matang maputing lalaki,wala siyang sinabi at ayos lang sa kanya? Nahihibang na ba talaga siya? “Ikaw,hindi talaga kita maintindihan.” Ngumisi siya.“So?!” “Ano? Wala kang masabi, ’no?” Lalong lumaki ang ngisi niya.“So ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh, sino ba’tong nakikipaglandiansa ‘official girlfriend’ daw niya?”She

