Chapter Ten ABALA ako sa pagsu-surf sa Internet nangmaisipan kong buksan ang f*******: ko. Ilang linggo na rin kasi simula nang huli ko itong buksan. Ang dami kong unread messages na sigurado akong ang mga laman lang ay pamamaratang;na kesyo malandi raw ako, higad, tanga, asumera, gold digger, hayup, salot, walang kuwenta, at feeling maganda. Alam ko na lahat ng mga tingin nila sa akin habang ang tingin naman nila sa kanilang mga sarili ay perfect. Nagpatuloy na lang ako sa pag-scroll sa news feed ko kaysa buksan isa-isa ang messages. Maya-maya pa, nag-pop up ang chat ni Jaeo. Jaeo: How are you? Bakit hindi ka pumasok? I waited for you. I texted you, pero mukhang hindi mo naman yata nabasa. Hope you’re doing fine. Nag-type ako ng reply. Me: Don’t worry, Jae. I’ll be fine. Yup,hindi

