Chapter Nine Blue’s P.O.V. ANG sakit sa damdaming makita ang mahal ko na nasasaktan, nahihirapan, at umiiyak sa harapan ko. Hindi ko maatim tingnan nanagdurusa siya dahil din mismo sa akin. Sobrang hirap, pero kailangan. Kailangan ko na siyang iwasan kasi kahit ano’ng gawin ko, darating pa rin ang araw na mawawala siya sa buhay ko. Kapag ipinagpatuloy pa namin ito, marahil ay madaig ko pa si Kamatayan.Alam kong hindi niya kakayanin ito lalo na ’pag hinayaan ko pang mas mahulog siya sa akin. Willing naman akong saluhin siya at kung tutuosin, mas nauna pa nga akong nahulog sa kanya. Hindi lang talaga puwedengmaging kami pa rin dahil mas marami ang puwedeng madamay. At marahil, kung ano’t ano man ang mangyari, pamilya rin niya ang kanyang uunahin. Kaya wala na akong ibang magagawa pa bi

